Chapter 17: Frustration

0 0 0
                                    

Abby's POV:

Ilang araw na ang nagdaan nang magising ako. Pero hanggang ngayon naiinis padin ako sa sarili ko.

Bakit kasi ang hina ko? Yan ang araw araw na nasa isip ko. Mas lalo akong nanlumo nang malaman kong hanggang ngayon wala pading malay si Rhea.

Si Ethan naman ay paminsan minsan ay nagigising pero hirap padin itong makagalaw. Hindi pa nga sya nakakabangon eh. At kada magigising sya ay isa lang ang sinasabi nya, dalhin sya kay Rhea.

Pero wala namang sumusunod sa kanya dahil utos na din ito nila Damien at Jane na wag muna sya hayaang gumalaw-galaw at mastress.

Lahat ay busy, ang karamihan ay nagpapagaling pa at yung iba naman ay tumutulong dito sa camp. Ako? Eto, nandito sa gubat na malapit lang naman sa camp. Dito ako nagtatraining magisa.

Ayokong magpatulong. Ayoko nang dumagdag sa iniisip nila ngayon. Problemado na nga kami dadagdag pa ba ako? Nakakahiya na yon.

"Ah! Aray."

Napasalsal ako sa lupa nang mahinang sumabog ang constract na sinusubukan kong gawin. Naisip ko kasi na kung kaya kong gumawa ng mga anghel, baka pwede ako maka gawa ng iba pang nilalang.

So far ay puro palpak palang ang nagagawa ko. Naiinis na nga ako eh. Sinusubukan ko kasing kausapin si Papa pero hindi sya sumasagot.

Wala naman akong ibang mapapagtanungan patungkol dito sa kapangyarihan ko kundi sya lang eh.

Nagpapadyak ako na parang isang bata dahil sa inis. Naiiyak nanaman ako. Pakiramdam ko kasi napaka walang silbe ko ngayon. Wala na akong nagawang tama eh.

Humiga nalang ako sa damuhan dahil sa inis at pagod. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang magpahinga nang biglang may magsalita sa utak ko.

'Hahaha. Pitiful.'

Napaupo ako bigla at lumingon sa aking paligid.

"Sinong nanjan!? Lumabas ka jan!" Tapang tapangan kong sigaw kahit na pa kinakaban ako.

Ang boses na yon... Parang narinig ko na sya kung saan dati. Napaka familiar nya sakin pero hindi ko maalala kung saan at kelan. Much less kung kaninong boses yon.

"Wag kang magtago! Kung sino ka man, lumabas ka jan!"

"Finally lost it huh?"

"Ay palaka!"

Bigla akong napaigtad nang may boses na nagmula sa likod ko. Inis kong nilingon ang lalaking nagsalita at binigyan sya ng matalim na tingin. Pero ang mokong tinawanan lang.

Ugh! Nakakainis talaga! Hindi ko din maintindihan tong lalaking to, kung minsan ay sweet pero kadalasan naman ay iniinis lang ako.

Inirapan ko nalang sya at tumayo na para ipagpatuloy ang pagtatraining. Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng construct ng sumabog nanaman ito ng mahina dahil nawala ako sa focus.

Sino ba naman ang makakapagfocus kung tinititigan ako nitong mokong na to? Inis ko syang hinarap at nilapitan.

"Ano ba kailangan mo? Pwede ba kung wala kang gagawin don ka nalang? Hindi ako makapagfocus sa ginagawa mo eh." Matapang kong sabi kahit na pa kinakabahan ako sa uri ng mga tingin nya sakin. Para kasing tagos sa buto ang tingin nya eh.

Siningkitan nya lang ako ng mga mata bago ako talikuran at bumalik na sa camp. Tsk. Talagang iniwan ako, hindi man lang ako binantayan. Hello, nasa gubat kaya ako. Napaka ungentleman. Psh.

Pairap akong tumalikod na mula sa camp at nagpatuloy nalang sa pagtatraining.

*****

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon