Chapter 14: Blazing Duel

0 0 0
                                    

Ethan's POV:

Tsk. Hindi ako makapagfocus dito sa kalaban ko. Palingon-lingon ako sa pwesto ni Rhea habang iniiwasan ang mga berdeng apoy na binabato sakin nitong demonyong kaharap ko.

"Hahaha. Wala ka sa pwestong alalahanin ang iba, bata." Aliw na sabi nito sakin.

Isang segundo, yan lang ang kinakailangan ni Aamon. Sa oras ba nawawala ang atensyon ko sa laban sa loob ng isang segundo ay nagagawa nya akong matamaan ng mga atake nya. Kaya ngayon ay puno na ng paso ang katawan ko at nanghihina na ako dahil sa damage na tinanggap ng kaluluwa ko mula sa hell fire.

Tsk. Gumawa ako ng dalawang bolang apoy at pinalipad yon sa direksyon ni Aamon pero hinarangan nya lang yon gamit ang sarili nyang apoy. Ginamit ko ang ilang segundong naharangan ang paningin nya ng apoy nya para sugumod gamit ang spear ko na umaapoy.

Dehado ako kapag malayuan ang laban na mangyayari at mas lalo akong hindi makakafocus non. Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay bigla nalang may pillar ng apoy ang bumalot sa aking katawan mula sa paanan ko.

"Ahhhh!"

Shit! Ang init! Binalot ko ang sarili ko ng aking sariling apoy bago umalis sa pwestong iyon. Pero hindi pa man ako nakakabawi ay may suntok na akong natanggap mula sa likuran ko kaya naman napasubsob ako sa lupa. Fuck!

"Hahahahaha! Mahina! Katulad lamang din ng iyong ina, napakahina ng apoy na nang gagaling sa inyo!"

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nya. Oo, aaminin kong hindi ako kasing lakas nila Seb, Jane, o ni Ephraim. Pero hindi ko hahayaang insultuhin nya ang nanay ko!

Nagpakawala ako ng shockwave na gawa sa purong heat energy na syang tumulak sa kanya papalayo sa akin. Sa tingin nya ba talaga apoy lang ang kaya kong gawin?

Kung ganon, ipapakita ko sa kanyang isang pagkakamali ang maliitin ako. Isang pares ng asul na mga pakpak na gawa sa apoy ang lumitaw mula sa likuran ko. Hindi man ito katulad ng Angel Wings ay sapat na ito para talunin ang demonyong ito.

"Ngayon ipapakita ko sayo kung gano kalakas ang kapangyarihan ko." Mariin kong sabi sa kanya.

Sinummon kong muli ang spear ko, ang dating pulang apoy nito ay napalitan na din ng asul. Matapos non ay gumawa ako ng pagsabog sa sakong ng mga paa ko para pabilisin ang pag sugod ko kay Aamon.

Nakangisi pa sya habang nakatingin sa akin. Buburabin ko yang ngisi mo kasama na ng buong pagkatao mo.

Gamit ang isang espadang gawa sa apoy ay sinangga nya ang aking spear. Pero hindi don natatapos ang pag atake ko. Kinontrol ko ang apoy na pumapalibot sa spear ko at gumawa ng mga patalim doon na tumusok sa balikat nya.

Nang daingin nya ito ay mabilis akong umikot at sinipa ang mukha nya. Nagawa nya man itong salagin gamit ang mga braso nga ay tumilapon padin naman sya. Ginamitan ko din kasi ng pagsabog ang sipang iyon para makasiguro.

Habang tumitilapon pa sya ay pinaikot ko ang spear ko sa ibabaw ng aking ulo. Nang makagawa ito ng isang disk na gawa sa apoy ay ibinato ko iyon kay Aamon.

Pero ang ipinagtaka ko ay nakangisi padin sya. Ibinuka nya ang kanyang bibig nang malapit na ang atakeng ginawa ko sa kanya. Unti unting nahigop yung apoy ko papunta sa bibig nya at sabay lunok non.

Tsk. He's not the djin of flames for no reason, I see. Isa padin si Aamon sa mga matataas na demonyo. Kaya naman hindi na nakakapagtaka pa ang nangyaring iyon.

"Ako naman bata." Bigla nalang syang naglaho sa paningin ko na syang ikinagulat ko.

Shit! Paanong-?! Hindi ko na natuloy ang nasa isipan ko dahil isang malakas na pagsabog ang naramdaman kong tumama sa likuran ko. Nagpagulong gulong ako sa lupa dahil sa lakas ng impact nito.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon