Abby's POV:
"Ate! Ahhh!"
"Julian!"
Napamulat ako ng aking mata na humahangos dahil sa panaginip ko. Pero panaginip lang ba talaga yon?
Parang totoo kasi na hinihila ng kadiliman si Julian eh. Teka, si Julian!
Tatayo na sana ako nang bigla akong makaramdam ng panghihina. Dahil don ay tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay.
"A-aray." Daing ko.
"You shouldn't move yet." Nagulat pa ako nang may biglang may magsalita sa tabi ko.
Nilingon ko ang nagsalita at doon ko nakita si Damien na nakaupo sa gilid ng kama nya. Teka, nasaan na ba ako? Nilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napansin na nasa hotel na pala ako ulit. Headboard pala ng kama yung matigas na bagay kung saan ako nauntog.
Pero wala akong oras para magpahinga. Kailangan kong iligtas si Julian. Sinubukan ko ulit tumayo para lang bumagsak ulit sa higaan dahil sa matinding panghihinang nararamdaman ko.
"Tsk. Stubborn girl. You lost too much blood. You'll be weak for at least a day. Its a miracle that you're still alive right now." Halata ang inis sa boses ni Damien. Hindi ko alam kung dahil nagaalala ba sya sakin o dahil naiinis sya at nagiging pabigat ako.
Don ko naman naalala kung ano ang buong nangyari. Nilabanan ko nga pala yung halimaw na yon. Pero natalo ako. Ipinihit ko ang ulo ko mula kay Damien para hindi nya makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Ang hina hina ko. Ako ang nag presinta na protektahan si Julian pero hindi ko nagawa.
Isang hikbi ang bigla kong napakawalan dahil sa gulat nang maramdaman kong may humawak sa pisngi ko. Pinihit ni Damien ng dahan dahan ang ulo ko paharap sa kanya saka ako tinitigan saglit bago nya punasan ang mga luhang kumawala na sa mga mata ko. At dahil sa ginawa nya ay tuluyan na nga akong napahagulgol.
Pinaka ayaw ko ang umiiyak sa harap ng ibang tao. Pati nga kay mama ay hindi ako umiiyak. Ang sabi nya dati sakin ay namana ko daw yon sa kanya. Pero ngayon, hindi ko mapigilang mapakapit sa damit nya habang malakas na umiiyak.
"Shh. You did your best." Pagpapatahan nya sakin.
Medyo natawa ako nang tumahan na ako dahil sa sinabi nya. Yan na ba ang best nya sa pag comfort ng isang babaeng umiiyak? Kaya siguro wala syang jowa kahit na pa sobrang gwapo nya.
Mahina ko syang tinulak at pinunasan ang mga mata ko. Tumingin ako sa mga mata nya, and somehow I can see emotions on them. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa pagkamangha. Hinawakan ko gamit ang kanang kamay ko ang pisnge nya.
Ngayon ko lang natitigan ang mga mata nya. Ang ganda pala, kahit na pa sobrang dilim nito tignan dahil kulay itim ang mga ito. Yet somehow, it feels comfortable. Dahil din siguro sa sobrang kalmado nya lang tignan.
Muntik na kong mapalundag, kung hindi lang ako nanghihina ay baka mapatalon na nga ako dito, nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pisnge nya at nagiwas ng tingin. Shit, ang init ng mga pisnge ko.
Ramdam ko pa ang ilang minuto nyang pagtitig sakin bago sya bumalik sa pagkakaupo nya sa kama nya.
"Come in."
Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa non sila Hiiro at Ericka. And as usual, masama padin ang tingin sakin ng babaeng ito. May galit talaga ata sya sakin eh.
"We've finished investigating the house and Julian's family." Pagbibigay alam ni Hiiro kay Damue.
"And?"
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasiA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...