Chapter 04

78 6 0
                                    

Isang simpleng araw lang 'to para sa isang normal na college student na gaya ko. Mag-aanong oras na pero narito pa rin ako sa opisina ng publication at abala sa pagkalikot ng kompyuter habang nagtitipa ng iskrip na gagamitin ko para bukas. Maaga pa ito para sa ilan, pero para sa aking ayos na ang iskedyul ay hell hour na. Ilang oras na akong narito pero hindi ko ito ininda, dahil kinabukasan na kailangan ang iskrip na sinusulat ko.

Nakikinig ako sa kanta ni Taylor Swift, habang nagsusulat ng energizer para bukas, napapangiti lang ako sa tuwing naka-re-relate ako sa liriko ng kantang sinasabayan din paminsan-minsan.

“Okay ka lang Apollo? Kaya pang gumawa ng script ngayon?” Rinig kong tanong ni Sir Axel sa akin, naging dahilan ito para mapaangat ang tingin ko sa kanya mula sa pagsusulat sa papel. Siya ang adviser ng publication namin na pinakilala ng registrar sa'kin no'ng unang araw ko rito sa Fierro. “Kakayanin po Sir para sa ekonomiya,” nagbibiro kong saad bago bumalik sa pagsusulat.

Simula grade eight ay parte na ako ng school publication, naging broadcaster na rin ako sa dati kong unibersidad hanggang sa makapasok ako rito sa Fierro, mabuti na lang at pinapasok ako rito ng mababait naming admins. Mahirap maging broadcaster at writer, oo, pero kung sanay at kung gusto mo naman 'yong ginagawa mo, balewala 'yong pagod at hirap no’n.

Habang naghahanda ako para sa iskrip ko para sa programa bukas at sa pagbubukas sa Linggo ng mga Mag-aaral ay nakita ko ang papel na nasa lapag na may sulat na ‘You are worth it’ bigla akong napangiti sa nabasa ko, I am indeed worth it. Nakasulat din sa baba nito ang apelyidong Torres. 

“Torres? Wala namang member na may apelyidong
Torres sa publication, huh.”

Habang patuloy ako sa pagsusulat ay ang pagdama ko sa lamig na kanina pa nilalabas ng aircon dito sa loob. Mag-iilang oras na ngunit mas pinili kong magkulong dito sa loob ng publication office at mapag-isa upang makapag-focus sa pagsusulat ng iskrip. 

Ilang oras din akong nagpatuloy sa pagsusulat bago tumingin sa wristwatch ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas tres y medya na at may laban pa ngayon ang bestfriend kong varsitarian sa dati kong university, alas kwatro iyon maguumpisa at malapit nang mag-alas kwatro.

“Shocks! Late na ‘ko!” humahalhal na mutawi ko habang tumatakbo papunta sa elevator, pagkabukas nito ay nakita ko ang isang lalaking nasa gilid habang may kinakalikot sa teleponong hawak niya. Siya 'yong nagbigay ng invitation at nakabangga ko sa may hallway noong araw nang pag-enroll ko.

Agad ko namang minessage ang kasama kong naroon na sa Ethereal University— dati kong unibersidad— na kuhanan na muna ako ng ticket para sabay-sabay na kaming makapasok mamaya pagkarating ko. 

Nang makarating na ako sa baba, tumatakbong lumabas ako mula sa building at naghanap ng malapit na tricycle.

“Kuya, sa Ethereal University po!” sabi ko. Pagasakay ko sa tricycle ay biglang dumulas sa kamay ko ang mga hawak kong gamit kasabay ang mga iskrip at ballpen na hawak ko. Ikaw ba naman nagmamadali tapos ang dami pang dalang papel, sino ba naman ang hindi mahuhulugan ng gamit?

Isa-isa kong pinulot ang mga gamit ko pero 'yong isang ballpen na pinaka-favourite ko dahil bigay ni Mamana nahulog sa daan ay hindi ko na napulot pa dahil sa pagpapaharurot ng driver sa tricycle. Sa sobrang bilis ng tricycle ay hindi na ako nagatubiling patigilin pa si Manong para lang bumaba at kunin ang ballpen na ‘yon, pero may sentimental value kasi ‘yon.

Nang makarating na ako sa Ethereal University ay agad din akong bumaba sa tricycle, madaling pumasok ako sa dati kong university at doon ay nakita ko na kaagad sa labas ng Harvard Hall sila Michelle at Samantha hawak ang ticket ko. Mabilis akong tumakbo palapit sakanila at halhal na nilapitan ang dalawa.

Tumatawa pa ito habang inaabot ang ticket dahil daw sa itsura ko.

“Kung tinulungan niyo kasi ako sa paggawa ng script e ‘di sana hindi ako haggard ngayon 'di ba? Nawala pa tuloy 'yong ballpen ko,” sabi ko sabay kamot sa ulo.

“Alis-alis ka pa kasi sa university natin, e ‘di sana hindi ka nagpapakahirap dito,” pangsisisi ni Michelle na nagpatawa kay Samantha.

"Ballpen na lang na Ballpen iiyakan mo pa!?” dagdag naman ni Samantha na ikinatawa ni Michelle.

“Syempre, bigay sa akin 'yon ni Mama e, 'yon 'yong favourite ballpen ko.” 

“'Yong pink ba? 'Yong halos ikadena mo na sa bag mo hindi lang mawala?” ani Michelle na ikinangisi naman ni Samantha.

“At least 'yong ballpen ko hindi ko iniiwan, paano ka na lang na iniwan ng jowa?” pagbalik ko sa kanya dahilan para tumawa si Samantha.

“Grabe naman, in-ad hominem mo naman ako, sakit no’n ah! Nag-mo-move-on na 'yong tao e!” 

“Ay tao ka?” pang-iinis pa ni Michelle na mas ikinabungisngis ko.

“Halika na nga, baka maubusan pa tayo ng upuan.” Tumatawang naglakad na kami papasok. 

Habang papasok kami ay panay pa rin ang tawanan nila Samantha at Michelle, para bang hindi na sila magkikita mamaya, 'yong tawa nila para bang buong Ethereal University ang makaririnig, jusko hindi ko po sila kilala ah. Sabagay sanay naman na siguro ang Ethereal sa bunganga nila, halos magdadalawang taon na rin naman sila rito e.  “Go Gavin! Go Gavin! Go Gavin!” sigaw nila Samantha habang iwinawagayway ang banner na hawak nila na may sulat na ‘Go Gavin! Itira mo ‘yan!’ para ipahayag ang pagsuporta kay Gavin. Varsitarian si Gavin ng Ethereal, no doubts kung bakit habulin siya ng mga babae. Sabi namin ililibre namin siya ng milktea kapag nanalo siya, pero kapag natalo, ililibre niya kami ng samgyup, 'di ba napakagulang naming kaibigan.

“Gavin i-shoot mo! I-shoot mo nayan, Gavin!” hiyaw naman ni Michelle. Parang patanggal na ang tonsils niya sa sobrang lakas ng sigaw, mas malakas pa sa speaker ang boses niya, tapos sumisigaw pa sa may tainga ko, feeling ko tuloy basag na ang eardrums ko sa lakas ng sigaw niya. 

Natapos na ang laro pero 'yong sigaw ni Samantha at Michelle ay naririnig ko pa rin, naka-stuck sila sa tenga ko, bwisit! Feeling ko pag-uwi ko wala na talaga akong eardrums. 

“Ang galing ni Gavin mag-shoot, pero mas magaling si Jersey number three!” saad ni Samantha bago hawiin ang sariling buhok.

Nag-pa-picture kasi sa kanya si Jersey number three kanina pagkatapos ng laro, e crush na crush pa naman niya 'yon kaya hanggang ngayon ay nagpapaka-delulu.

Habang si Michelle naman ay sumisigaw pa rin ng, “Samgyup! Samgyup! Samgyup!” kahit nanalo naman sina Gavin.

“Teka, baliktad ata. Ako ililibre niyo ng milktea e!” bulalas naman ni Gavin bago umakbay sa akin.

“Patay-gutom kasi yan si Michelle!” pang-iinis naman ni Samantha kay Michelle habang patuloy ang pagmasid sa alapaap.

“Hoy! At least ako hindi delulu!” pagbabalik naman ni Michelle.

Eto talagang dalawang ‘to pataasan ng pride, hindi talaga sila magpapatalo sa labanan, away raw kung away basta walang magpapatalo sa grupong ‘to.

Para silang aso’t pusa na palaging mag-kaaway, hinding-hindi sila nauubusan ng argumento. Halos oras-oras silang may pinag-di-deskusyunan.

“Tumigil na nga kayo, kinakalimutan niyo lang 'yong milktea ko e!” banggit naman ni Gavin na ikinabungisngis ko.

“Pagpatuloy n’yo lang pala awayan niyo, Samantha.” Patuloy ang pagtawa ko habang si Gavin ay nakaakbay pa rin sa akin. 

“Kayo talaga, ang dadaya nyo,” dagdag pa ni Gavin sabay kamot sa ulo.

Pogi si Gavin, oo. Pinagkaguguluhan nga siya ng mga babae sa dati kong unibersidad e, pero sinasabi niya sa amin na wala pa naman daw sa isip niya ang pag-pasok sa isang relasyon.

Siya 'yong ideal boyfriend ng mga babae dahil halos lahat na ng quality na gusto ng mga kababaihan ay nasa kanya na. Hindi lang kasi siya pogi, mabait din siya. Siya 'yong tipo ng lalaking hindi ka iiwanan, laging nariyan sa tuwing kailangan mo siya, sa tuwing may problema ka, siya 'yong ideal man ng lahat. Living fictional character din siya kung sabihin ng iba at walking green flag pa. Gano’n siya kasikat at kinagigiliwan ng lahat.

Agad na kaming pumunta sa pinakamalapit na coffee shop sa amin ang paborito naming Lewis Café, at doon namin siya nilibre ng paborito niyang matcha flavor milktea. Habang ako naman ay pinili ko ang paborito kong Cookies and Cream. 

“Ang sarap talaga kapag libre,” mutawi naman ni Gavin na ikinangisi ko.

“Mas masarap kung natalo ka para nakapagsamgyup tayo! Wi-ni-wish ko pa naman,” pagbibiro naman ni Samantha na ikinangisi namin ni Michelle. 

“Grabe, winish talagang matalo kami, pero still malakas ‘to e!” sagot naman ni Gavin bago ilabas sa t-shirt niya ang biceps nito at pabirong hinalikan. “Yucks! Ang bastos Gavin, ang kalat kadiri!” bulalas ni Samantha, bago sumimsim sa milktea niya.

“Grabe, pero kung kay jersey number three ‘yan, palong-palo ka,” tumatawang sabi ni Michelle upang barahin ulit si Samantha.

“Speaking of jersey number three, in-add na niya ako at chinat ng ‘Hi’ ble! I am not delulu na!” 

“Alam mo may kasunod talaga yan e,” dagdag ni Michelle.

“Ano?” 

“Hi, kung mahal mo ang pamilya mo ay ishare mo ito sa dalawampung tao, ilang segundo na lang ang natitira,” 

“Sana hindi masarap ang milktea mo!”
Nakabusangot pa rin si Samantha habang si Michele ay halos hindi na makahinga sa katatawa dahil sa itsurang ipinapakita ni Samantha. 

Pagkatapos naming mag-milktea ay naglakad na kami pauwi, malapit lang naman kasi ang bahay namin, magkakapit-bahay halos lang naman kaming apat kaya sabay-sabay na kaming umuuwi. Lumipat na rin kasi sila Samantha at Michelle sa malapit na paupahan sa amin at hati sila sa renta ng kwarto.

Habang naglalakad kami ay napansin kong nakatingin lang si Samantha sa alapaap na tila ba may hinihintay.

“Anong nangyari sayo? Hindi ka na ba ni-reply-an ni jersey number three?” tanong ko na ikinatingin naman ni Samantha sa akin. 

“May meteor shower daw kasi ngayon, visible daw rito sa Pilipinas,” banggit niya dahilan upang tumingin din ako sa alapaap at mapairap. Matanda na siya pero naniniwala pa rin siya ro’n? Sabagay, ginawa ko rin naman ito no’ng huli kong kita sa bulalakaw. 

“Alam kong hindi ka naniniwala sa bulalakaw pero wala namang mawawala kung hihiling ka hindi ba?” mutawi ni Gavin habang nakatingin sa akin.

“Oy may meteor!” sigaw ni Michelle bago pumikit para humiling. Tama si Gavin, wala namang mawawala kung maniniwala ako sa isang bulalakaw. 

“Meteor, Meteor, listen to my wish. I wish na magkaroon na ng taong magmamahal sa akin, na dumating na 'yong lalaking magpapatibok sa puso ko. Twinkle twinkle little meteor, listen to my wish as you fell on the shoar,” hiling na minutawi ko sa aking isipan.
 
Pagkamulat ko ng mata ko ay nakita ko si Gavin na tutok na nakatingin sa akin, nagulat pa ako sa itsura nito.

“Bakit?” Nakakunot ang noo ko habang tinititigan siya. 

“Anong winish mo?” pag-usisa niya. 

“Huwag mong sabihin sa iba, baka hindi matupad ang wish mo, “ ani Michelle na siya ring ginawa ko.

Bakit ba hindi pwedeng sabihin sa iba ang hiniling mo sa bulalakaw? Is it confidential? Gano’n ba kaconfidential ang mga hiling na tao?

“Sabi raw kasi nila kapag nag-wi-wish ka, isarili mo lang para matupad. Matanda na ako pero ayon naniniwala pa rin ako sa mga sabi-sabi ng matatanda, pero wala namang mawawala kung maniniwala ako e.” Nakangiti ngayon si Michele habang nakatingin sa alapaap. 

Nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makauwi na ako, pagkapasok ko ay nakita ko kaagad si Mama na nagluluto ng hapunan kaya nilapitan ko ito para humalik at magbigay galang.

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon