Sa tanong na ‘yon ni Tita Krisa ay mas nagkaroon ng tensyon ang buong paligid, mas bumilis ang pagpatak ng luha mula sa mata ni Apollo pabagsak sa pisngi nito.
“Shh, don’t worry, I am here,” sabi ko nagbabakasakaling mapapakalma siya.
It was heartbreaking to see his struggle, but I am determined to be there for him every step of the way.
“Treating PTSD usually involves a combination of therapy and, in some cases, medication. Therapy, gaya ng cognitive-beavioral therapy also known as the CBT or eye movement desensitization and reprocessing that is also known as EMDR, ang mga therapy pong iyan ay makatutulong sa individuals with PTSD just like Apollo to process and cope with the traumatic memories. It can also teach him new ways to manage his thoughts and emotions. “Medications po, like antidepressants or antianxiety medications, may be prescribed to help with specific symptoms. When it comes to medication naman po for PTSD, there are a few options that I can consider. Antidepressants, gaya ng selective serotonin reuptake inhibitors or SSRIs or serotoninnorepinephrine reuptake inhibitors or SNRIs, are commonly prescribed to help manage symptoms like depression, anxiety, and intrusive thoughts. They can help restore a better balance of chemicals in the brain of the patient,” pagpapaliwanag ng Doctor.
“At sa tanong niyo po kung mababaliw ang anak niyo or kung may tendency, my answer is a big No, it’s not accurate or helpful to say that someone with PTSD will become Crazy, Ang PTSD misis ay isang mental health condition that can be challenging to live with, pero hindi ibig sabihin na ang anak niyo will lose touch with reality or become Crazy.
“People with PTSD just like your Son can experience distressing symptoms, but with the right support and treatment, He can learn to manage and cope with his condition,” pagtatapos niya na ikinahinga ng maluwag ni Tita. Alam kong natatakot siya kasi sa mga tanong niya palang na sinagot nang pagkahaba-haba ng Doctor halata namang nag aalala siya ng sobra para kay Apollo.
“Bibigyan ko po kayo ng reseta ng mga gamot na iinumin ni Apollo which is 'yong SNRIs at magseset din po tayo ng schedules para sa thearpies niya,” sabi pa ng Doctor bago iabot sa amin ang reseta. Pagkaabot nito ay umalis na rin kami, agad namang binili ni Tita Krisa ang gamot na nireseta sa kanya ng Doctor at sinet agad ang schedule sa calendar niya para reminded siya sa therapy ni Apollo.
Mas nabahala ako sa lagay ni Apollo dahil kung dati ay nakatingin siya sa labas ng bintana , ngayon ay nakayuko lang ito at panay ang hikbi, sinubukan ko siyang patahanin pero hindi ako nagtagumpay, walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa mata niya at ang patuloy na pagpunas nito sa kanyang luha.
“Na-flat-an tayo,” sabi ni Tita habang nasa may palengke kami.
Lumabas kami ni Apollo at ni Tita Krisa dahil inoff muna ni Tita ang engine ng kotse at mainit sa loob kaya lumabas muna kami. Nakita ko ang lungkot at hiya sa mata ni Apollo dahil sa dami ng tao sa paligid, narinig ko rin ang ilang mga bulungan ng mga tao sa likuran ko.
“'Di ba yan 'yong bading sa bagong scandal?”
“Iyan nga 'yong umiiyak-iyak pero gusto naman”
“Estudyante palang tapos malandi na”
“Ayan, ngayon mahihiyahiya pero nang nakikipag lampungan sa anim na lalaki tiba-tiba”
Ilan lamang iyan sa mga narinig kong mga salita mula sa mga babaeng nagtsitsismisan mula sa likod. Dahil sa mga naririnig ay umiiyak na tumakbo si Apollo papasok sa kotse, hindi nito ininda kung mainit man sa loob dahil mas mainit sa kanya na naririnig ang sariling pangalan na tila ba inaakusahang siya ang may mali kahit siya naman ang tunay na biktima
Nag-iinit ang ulo ko sa mga narinig, kaya hinarap ko ito at walang takot na nilapitan.
“Mawalang galang na po ah, pero pwede bang itikom niyo yang mga bibig niyo sa katsitsismis? Hindi niyo po alam ang tunay na nangyari kay Apollo, ang alam niyo lang ay ang nakikita niyo pero hindi niyo gustong malaman ang nangyari sa likod ng nakita nyo. Paano kung anak niyo ay kinidnap, pinambayad sa utang, ginahasa, vinideohan, pinost, bi-na-bash, na-diagnose na may Post-Traumatic Stress Disorder, at pinaglaban ang sarili sa korte, ano kaya ang mararamdaman niyo?” sabi ko na nang-iwan sa kanila ng katahimikan.
Agad kong sinundan si Apollo at naabutan itong panay ang hagulgol, walang tigil sa pag-iyak dahil sa mga narinig na pangungutya.
“Shh, huwag mo silang intindihin, hindi ka mali,” sabi ko at niyakap siya, yumakap naman ito pabalik at umiyak nang umiyak.
Ilang oras pa ang nagdaan at naayos na rin ang kotse, pagkauwi namin ay nangunguna sa pagtakbo papasok ng bahay si Apollo na siya namang sinunod ko, natatakot ako sa pwede niyang gawin.
Sinundan ko ito hanggang sa makapasok sa kwarto, papasok na rin sana ako ng bigla niyang ilock ang pinto at hindi ako nakapasok.
“Apollo! Buksan mo ang pinto!” sigaw ko at hindi tumigil sa pagkatok, sinundan naman kami ni Tita Krisa na ngayon ay nag aalala na rin kay Apollo.
“Apollo! Anak! Buksan mo ang pinto!” pasigaw na sabi ni Tita habang humihikbi.
Agad akong tumakbo papunta sa likuran ng kwarto niya kung saan naroon ang bintana niya.
“Apollo!” sigaw ko pa habang tumatakbo, nakarating ako sa bintana niya ilang minuto rin matapos kong tumakbo.
Nakita ko siya na tinatali ang leeg at nais wakasan ang buhay pero bago pa man niya magawa ‘yon ay agad kong sinira ang bintana at pumasok dito, ramdam ko pa ang pagbaon ng basag na salamin sa kamao ko pagkasuntok dito pero hindi ko iyon ininda, dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Apollo, please, huwag mong gawin ‘to,” umiiyak na sabi ko, agad kong inalis ang tali sa leeg niya at pinaupo sa kama,
“Wala nang nagmamahal sa akin, basura ako sa paningin ng lahat, madumi ako sa paningin ng lahat,” aniya habang patuloy sa pag-iyak.
“Apollo, mahal kita, mahal na mahal,” humihikbing mutawi ko habang nakayakap sakaniya
Iyak lang ito nang iyak habang nakayakap sa akin, walang ibang marinig sa loob ng kwarto kung hindi ang hagulgol naming dalawa, hindi ko na mapigilan umiyak. Makita mo ang taong mahal mo na gusto nang tapusin ang buhay niya, napakasakit sa puso, parang iniitak ng paulit-ulit ang puso ko. Hindi ko mapigilang humagulgol habang nakayakap sa taong mahal ko, sa taong hindi ko kayang iwan, sa taong minamahal ko kahit malabo.
“Apollo, huwag mo nang uulitin 'yon ah, wag kang sumuko, hindi ka nag iisa, tandaan mong talikuran ka man ng mundo, hindi kami mawawala ni Tita sa tabi mo,” sabi ko at kumalas sa pagka kayakap.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tiningnan ng seryoso, napunta ang tingin ko sa malungkot niyang mga mata na halos mamaga na sa araw-araw na pag-iyak, ang mga pasa niyang bunga ng pambababoy nila, ang mga sugat na mas pinapalala ng mga naririnig niya sa paligid niya.
Napakasakit tingnan ang lagay ni Apollo, pero hindi ko siya iiwan, alam ko na nararamdaman niya ngayon na parang iniiwan na siya ng lahat at ayaw ko naman na isipin niyang maging kami ni Tita ay iniwan na rin siya. Gusto kong isipin niya na hinding-hindi kami mawawala ni Tita sa tabi niya, na hinding-hindi namin siya iiwan, gusto kong malaman niya na kalimutan man siya ng lahat, babuyin man siya ng lahat, saktan man siya ng lahat, ay patuloy namin siyang mamahalin, patuloy namin siyang tutulungang bumangon, patuloy ko siyang iibigin.
Sa kagustuhang matulungan siya ay pinilit kong ieducated ang sarili ko about PTSD, I attended therapy sessions with him, and learned how to be a source of comfort during his darkest moments. I listened to his fears, nightmares, and flashbacks, always reminding him that he was not alone.
“Hi Apollo, welcome to today’s therapy session. How have you been doing lately?” rinig kong tanong ng Therapist kay Apollo, nakangiti ito sa kanya na para bang pinapahiwatig na bukas siya sa kung anong sasabihin ni Apollo, na maging kampante at komportable lang si Apollo sa kanya.
Ramdam ko rin ang gaan ng paligid, maaliwalas din si Apollo, pero wala pa ring ngiti sa labi niya.
“I’ve been struggling a lot with my PTSD symptoms.
It’s been really tough,” sabi ni Apollo, bago yumuko.
Ngumiti ang therapist at kinuha ang folder mula sa mesa. Nagbasa lang ito rito bago muling nagsalita. “I hear you, Apollo. Dealing with PTSD can be incredibly challenging, but I want you to know that you’re not alone in this journey. Together, we’ll work towards finding ways to manage your symptoms and regain a sense of control,” sabi ng therapist at patuloy na ngumiti rito.
Napatingin si Apollo sa kanya at bahagyang ngumiti, matagal ko nang hindi nakikita ‘yang mga ngiting ‘yan, parang apoy na muling nagpaalab sa puso ko. Kinikilig tuloy ako!
“Okay, so let’s start by exploring some coping strategies that can help you during difficult moments. One technique that might be useful is grounding. This involves bringing your attention to the present moment and connecting with your senses,” sabi ng therapist bago muling tumingin sa folder nito.
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Fiksi RemajaIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...