Chapter 07

60 5 0
                                    

“Saan mo pa gustong pumunta? May horror house doon sa kabilang room, do you want to visit it?” tanong niya na tila ba’y dahilan ng pagkapawi ng tuwa ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya, natatakot pa rin kasi ako dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Baka hindi na lang yakap ang gawin ko, nakakahiya na.

“Natatakot ako, baka kung ano pang masigaw ko at magawa ko sa loob,” sabi ko pagkatapos umiling, nakita ko ang pag angat ng labi niya. Tinawanan pa nga ako.

“Don’t worry, I am here, palagi lang akong nasa tabi mo, just hold my arms and everything will be okay,” aniya na ikinangiti ko. Parang narinig ko na ‘to sa KDrama ah, tapos sa huli iniwanan din 'yong character, jusko mga red flags talaga!

“Sige na nga, basta kapag nayakap kita, huwag mong isiping hinihipuan kita ah.” 

Nandito na kami ngayon sa Horror House. Entrance palang ay dama na ang takot at ang creepy ambiance ng lugar, mula sa designs at sa background music ay madarama mo talagang nasa horror house ka, kung kanina ay napapanood ko lang, ngayon ay makaka face-to-face ko na ang mga Mumo!

Nasa entrance palang ay nakahawak na ako sa braso niya habang si Kenneth ay hindi naman lumalayo sa akin, pinanindigan niya talaga ang sinabi niya kanina, pero medyo awkward pa rin sa akin. Maganda na sana ang mood ko ng biglang may lumabas na tiyanak at bumungad sa amin sa may hallway.

“Hoy! Umalis ka rito! Masasampal kita!” sigaw ko habang palundag-lundag sa takot nang lumabas ang isang elemento sa hallway. Nang lingunin ko si Kenneth ay hindi man lang ito tinablan ng kahit anong takot sa mukha. Tnawanan pa ako nito dahilan upang mapaayos ako. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

“Huwag kang manampal, actors and actresses lang sila. Mas nakakatakot ka pa pala sa mga multo e, pisikalan,” tumatawang sabi ni Kenneth dahilan para hampasin ko ito.

“Kapag ako nainis sayo, ikaw ang hahampasin ko.”

Habang patuloy ang paa ko sa pagbaybay ng horror house ay ang siyang pagpapakiramdam ko sa pabilis nang pabilis na kabog ng puso ko, walang humpay na tibok na animo'y gusto nang kumawala at tumakbo papalayo. Habang papalapit kami nang papalapit sa liwanag ay papalala nang papalala ang mga takutang nagaganap. May bride na may hawak na bata, may pugot na ulo, pero ang hinding-hindi ko makakalimutan ay ang tatlong manyikang pumalibot sa gawi namin ni Kenneth, sa sobrang panic at nerbyos ay naramdaman ko na lang ang sariling pabagsak na sa sahig, tila ba mas dumilim ang paligid. Nawala ang lahat ng ala-ala ko sa isang iglap. Hindi hanggang sa maggising ako sa isang puro puting lugar, luminga-linga ako at doon nakita si Kenneth na alalang nakatingin sa akin.

"Are you okay now? Hinimatay ka kanina," ani Kenneth na halatang nag-aalala pa rin sa nangyari.

Sobra ang takot ko sa manyika, parang kapag matagal ko silang tinititigan sa mata nila ay dadalhin nila ako sa ibang dimensyon, na dadalhin nila ako sa lugar kung nasaan sila naninirahan.

Ilang minuto pa ang nagdaan at pinayagan na rin kami ng Nurse na makauwi. Madilim na nang makalabas kami kaya nangangapa na rin ako, dahil isang patay-patay na ilaw mula sa lumang poste lang ang liwanag na yumayakap sa paligid, dahil nagsara na rin ang klinikang malapit sa University pagkatapos naming lumabas.

Bumungad sa akin ang kotseng itim na naka-park malapit sa klinika, hanggang dito ay inaalalayan pa rin ako ni Kenneth sa paglalakad, para tuloy akong bagong panganak.

Pagkabukas niya ng pinto ng kotse sa bandang shotgun seat ay pinapasok na rin ako nito, nakahawak siya sa ulo ko dahil baka mauntog daw ako pagpasok.

Ilang segundo lang ang hinintay ko bago niya pinaandar ang sasakyan, inabot niya rin sa akin ang blanket mula sa passenger seat at ang unan. 

“Just in case na lamigin ka, or inaantok ka, use this blanket,” aniya bago ngumiti at bumalik sa pagmamaneho. 

Malapit naman na ang bahay namin kaya 'yong blanket na lang ang kinuha ko, malamig din kasi talaga rito dahil sa lakas ng aircon, para akong nakakulong sa freezer.

“Thank you pala, Kenneth. Nag-enjoy ako sa araw na ‘to, I mean, palagi naman akong nag-e-enjoy pero 'yong enjoyment ngayon kumpara noon, ibang-iba.” Nakatingin ako sa kanya, abala siya sa pagmamaneho, na hindi man lang makalingon sa gawi ko, mabuti na rin ‘yon kaysa naman maaksidente kami ‘di ba?

“It is my pleasure, nag-enjoy rin naman ako and mas naging happy ako na nakilala kita. Nakalimutan ko na ngang title holder ako e, mas matimbang ka pa sa trophy at prize na nakuha ko.” Hindi ko alam pero sa bawat katagang iyon ay ang kilig na nararamdaman ko, nag-init muli ang pisngi ko at ramdam na namumula na naman ito. 

Ngumiti lang ako bilang response dahil baka maabala siya sa pagmamaneo at madistract ko pa siya. Nagpatuloy ang pagyakap sa amin ng katahimikan hanggang sa makarating ako sa bahay. 

“Dito nalang, Kenneth, Ito na bahay namin,” sabi ko dahilan para i-park niya sa tabi ang kotse.

“Good night, matulog ka na, I know you’re tired,” aniya dahilan upang ngumiti ulit ako.

Pansin ko, nakailang ngiti ako sa kanya, nakailang blush ako kapag kaharap siya. Teka…crush ko ba si Kenneth? Hindi 'to pwede. 

Sa paglubog ng araw, hindi ko mawala sa isipan ko ang mga magagandang nangyari sa amin ni Kenneth ngayong araw. Ang mga booths na pinuntahan namin, ang mga pagkaing nilasahan, at ang mga binisita naming mga exhibit. 

With a smile on my face and a heart full of hope, I eagerly look forward to the next part of our story, excited to see where our journey will take us.

Bumaba na rin ako sa kotse at pumasok na sa bahay, tahimik ang paligid na kahit mga aso’y wala kang maririnig, alas syete palang ng gabi pero wala ng mga batang naglalaro sa daan, hindi gaya nang dati na alas otso na ng gabi pero nagsisi-takbuhan pa ang mga bata. 

Bago ako pumasok sa bahay ay tumingin muna ako sa langit, nakita ko kung gaano kaliwanag at kaganda ang mga bituin at ang buwan. Ako lang ba? 'yong adik na adik na tumingin sa bituin at marealize ang mga bagay-bagay? I mean, madalas akong tumingin sa langit kahit nasa kwarto lang ako, mula kasi sa bintana ko kitang-kita ang langit at mga kahoy, kaya kapag nagsusulat ako at walang maisip na next plot, binubuksan ko lang ang bintana ko and tadan~ may story plot na ulit ako. Madalas akong tumingin sa mga bitwin pero hindi ibig sabihin no'n na naniniwala ako sa bulalakaw, hindi na ako bata ‘no, napipilitan nalang ako.

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon