Pagpasok ko sa bahay ay naamoy ko kaagad ang amoy ng adobo mula sa kusina.
Mukhang mapaparami namaman ata ako ng kain ah!
“Good evening, Ma!” sigaw ko kahit nasa sala palang, rinig na kaagad ang alingawngaw ng boses ko sa buong bahay, basta talaga nandito na ako bulabog ang buong bahay namin.
“Good evening, Anak!” bati rin ni Mama pabalik, nakita ko kung gaano siya kasaya ngayon, paglingon palang niya sa akin ay mga ngiti na niya ang bumungad sa mga mata ko.
“Bakit ang saya ng Reyna?” tanong ko bago siya yakapin.
“Kailangan nating mag-celebrate, Anak,” aniya at mas lumaki pa ang ngiti sa mga labi.
Abot langit na ngayon ang ngiti niya and I am happy with that, ngayon ko na lang ulit siya nakitang masaya, ito ang isa sa hiling ko sa mga bulalakaw, pwera sa makahanap ng taong magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal ni Mama sa akin ay ang makita ko rin siyang masaya ay isa ng regalo, or should I say malaking regalo mula sa Maykapal. I think the meteor-thing is working, parang napapaniwala na ako ng bulalakaw beliefs na ‘yon ah.
“Bakit po?” tanong ko sa pang-uusisa sa dahilan kung bakit mas malaki at maliwanag pa sa buwan ang ngiti niya.
“Natanggap na ako sa trabaho, 'yong pangarap nating kumpanya na dati ko pa inaapplayan tumawag na sila sa akin at cinonfirm na tanggap na raw ako,” sa pagkwento palang ni Mama ay dama ko na ang saya niya, kaya pala ganun na lang siya kasaya. Simula junior high school palang kasi ako ay pinapangarap na niyang makapasok sa kumpanya ng mga Torres, tanda ko pa dati na sa kagustuhan niyang makapasok sa kumpanyang ‘yon ay pabalik-balik siya ro'n para pumila nang pumila, araw-araw kasi ay sandamakmak ang pumipila para lang mag-apply, open din kasi sila sa mga High School Graduate lang, and as well as undergraduate kaya ganun na lang kahaba ang pila.
Teka, kaano-ano ni Kenneth ang may-ari ng Torres Company? “Wow! Congratulations, Ma! Deserve mo 'yan! Deserve talaga natin mag celebrate, Ma!” sabi ko bago siya yakaping muli.
“Salamat, Nak. Ikaw 'yong naging inspirasyon ko kung bakit pinursue ko talagang makuha ‘tong trabaho na ‘to,” aniya na ikinangiti ko.
Nakakakilig naman na marinig 'yon mula sa Nanay mo, na ikaw 'yong inspirasyon niya sa mga bagaybagay.
“Welcome po, Ma! Sana maging maganda 'yong status mo sa kumpanyang ‘yon.”
Sobrang saya ko ngayong araw, sunod-sunod na blessings ang lumalapit sa akin.
“Good evening, Tita!” sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa sala. Inagaw nito ang atensyon naming dalawa ni Mama na magkaharap na sa mesa.
“Nambubulabog ka na naman, Gavin. Magigising ang mga namamahinga dahil sa iyo,” sabi ko bago siya lapitan.
“Wala pa kasi sila Mama, sabi raw dito na muna ako matulog para may kasama naman ako,” saad naman nito bago lumapit sa amin.
“Sige, tumabi ka na lang kay Apollo matulog,” ani Mama bago ilagay ang nilutong adobo sa tasa at ilagay sa mesa.
“Sino ang kasama mong umuwi, Apollo?” biglang tanong ni Gavin dahilan upang mapalingon ako rito. “Akala ko ba sabay kayong umuwi?” dagdag ding tanong ni Mama, jusko ano nang sasabihin ko rito?
“Sabi raw kasama mo 'yong nanalo ng Mr. Fierro kanina, nag-basketball lang ako iba na kasama mo,” ani Gavin bago umupo sa tabi ko para maghanda sa pag-kain.
“Inalok niya kasi ako na libutin ‘yong mga booths, tapos siya na rin naghatid sa akin pa-uwi pagkatapos namin sa clinic,” sagot ko naman sa mga tanong nila bago kumuha ng kanin.
“Clinic? Anong nangyari Anak?” bulalas na tanong ni Mama dahilan para manlaki ang mata ko. Hala, bakit ko pa sinabing nagpa-clinic ako?
“Ah, wala po may dinala lang sa clinic, may hinimatay kasi, hihi,” pagsisinungaling ko sa kanya bago ngumiti ng peke at nagpatuloy sa pag-sandok ng kanin.
Ako talaga ‘yon, Ma. Natakot kasi ako sa manyika.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Katabi ko ngayon si Gavin na nagsasandok na rin ng ulam habang nakatingin sa akin, pansin kong nagmamasid siya dahil sa peripheral view ng mata ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Malay ko bang magaabala pa siyang balikan ako sa Fierro?
Natapos na rin kami sa pagkain, pagkatapos naming manalangin ay pumasok na ako sa kwarto upang maligo, alam ko namang nakasunod si Gavin sa akin dahil narinig ko ang pagsara ng pinto.
“Kayo ba no'ng Kenneth? I mean, is he your boyfriend?” biglang tanong ni Gavin na nagpakunot sa noo ko.
“Huh? Hindi ah, straight ‘yon ‘no!” may kunot-noong sagot ko bago pumunta sa cabinet upang kumuha ng pantulog.
Nabalot kami ng katahimikan, pagkatapos kong maligo ay nakita ko na siyang nakahiga sa kama at nakaharap sa pader, hindi ko alam kung bakit problemado siya. Galit ba siya na hindi ko siya hinintay?
Humiga lang ako sa tabi niya upang matulog na rin, masyadong nakakapagod rin kasi 'tong araw.
Nilingon ko siya ngunit hindi pa rin ito lumilingon sa gawi ko. Nagseselos ba siya?
Nagising ako sa tilaok ng manok at sa tunog ng alarm clock ko. Ikalawang araw ngayon ng Students’ Week. Wala naman akong gagawin kung hindi ang i-explore ulit ang booths at mag-enjoy. Wala na rin sa tabi ko si Gavin, siguro ay naliligo na siya, alas singko na rin kasi kaya baka naghahanda na rin ‘yon.
Kahit alas syete ng umaga o alas dyes pa ako pumunta sa Fierro ay hindi naman ako ma-le-late dahil wala namang call time. Basta ako, pupunta lang para sa attendance.
“Good morning, Philippines! Good morning, World!” bati ko bago buksan ang bintana at kunin ang tuwalya.
Ginawa ko lang ang morning routine ko bago lumabas para magluto, naglalakad palang ako sa hagdan ay bigla kong naamoy ang tocino, teka… si Gavin, nagluluto?
“Good morning, Apollo,” bati nito habang dala ang ginawa niyang ulam na nasa plato. Nakahanda na rin ang dalawang plato sa mesa, may baso ng tubig na rin. Talagang kakain na lang ako.
Ngumiti ako bago umupo sa upuang nasa tabi ni Gavin at kunin ang kutsara para kumain.
“Himala, nagluto ka. For the first time ah.” Kumuha ako ng sinangag at iniayos ang sarili para kumain.
“Syempre, para hindi mo na ‘ko iwan mamaya,” aniya pa bago umayos sa pag-upo.
Wala pa raw silang pasok kaya sasama na naman daw siya sa'kin sa Fierro, tutal naroon din ang iba niyang barkada sa pag-ba-basketball at lilibutin niya rin daw ang mga booths para mag-enjoy kahit papaano.
Sabi ko na nga ba, nagtatampo si Kumag.
Tumawa lang ako bago mag-umpisang kumain, baka rin kasi maabutan pa ni Mama ‘tong mga pinggan at siya na naman ang maghugas.
“Kahapon ikaw na nag-hugas, ako naman ngayon, alternate na lang para wala ng ibang mabasag na pinggan,” sabi ko dahilan para ngumiti naman siya.
“Sige po, Sir,”
Matapos kong kumain ay naligo na rin bago umalis. Sabay pa rin kami ni Gavin papunta sa school, pero kasama na namin ngayon sina Samantha at
Michelle makikibisita rin daw sila sa university ko at para mabisita na rin nila 'yong dati naming adviser na teacher na ngayon sa Fierro.
Late na rin naman na raw kasi sila sa first subject nila at tiyaka mag-a-attendance lang naman daw kaya sumama nalang sila sa'min, babalik nalang daw sila sa Ethereal mamayang hapon para sa second and last subject.
Sabi nila ay maglalakad na lang daw kami papuntang Fierro para makapagtsismisan naman about sa nangyari kahapon, pero ang nangyari, sila Samantha lang naman ang nagchichikahan tungkol sa crushes nila, oo, crushes. Pa’no ba naman kasi e lima ang crush ni Samantha apwera pa yan kay number three jersey, tapos si Michelle naman may tatlong crushes, ginawa pang ipon ang mga crush. Siguro naglalaro sila ng paramihan or ina-achieve nila ang Guinness world record.
Nakarating na kami sa university at nag-kanyakanya na rin ng pinuntahan. Si Gavin ay pumunta muna sa basketball players friends niya while sina Samantha at Michelle ay bumisita na muna sa room ni Ms. Andrea na dati naming adviser para kumustahin ito, habang ako, eto nagiisa na naman.
Naglakad-lakad lang ako ng pabalik-balik sa hallway bago ko narinig ang tawag mula sa likuran.
“Apollo, okay ka na ba?” tanong ng pamilyar na boses ng lalaki mula sa likod ko.
Paglingon ko’y tama nga ang hinala ko, it was Kenneth. Naka-jacket siya ngayon na black at naka polo shirt na khaki, habang naka trouser pants na black. I don’t know pero I like his style, kung paano siya manamit at magsalita, I admire it.
“Yeah, thank you sa paghatid sa akin kagabi, much appreciated,” sagot ko naman bago ngumiti.
Unti-unti siyang lumapit sa akin bago ibigay ang anumang bagay na nakaplastic na hawak niya, “Milktea and donut for you.”
“Hala, kumain na ‘ko,” pag-tanggi ko sa alok niya. nakakahiya na rin, kahapon niya pa ako nililibre tapos ngayon magpapalibre na naman ba ‘ko? “Kunin mo na, sayang niyan, kinain ko na 'yong isa niyan,” sabi naman nito at muling inabot sa akin ang plastic, “Dali na, huwag ka ng mahiya, isipin mo na lang n peace offering ko 'yan sa iyo dahil ako naman 'yong dahilan ng pagkakahimatay mo kahapon e.”
“Hindi. Ako naman may kasalanan no’n,” pagbara ko naman para hindi siya maguilty, tinulungan na nga niya ako kahapon tapos magiiwan pa ako ng guilt sa kanya?
“Basta, kainin mo na ‘tong dala ko, sayang ‘yan.”
Bakit naman ang kulit!
Dahil sa sobrang pangungulit ay napilitan akong kunin ang pagkaing dala niya, mas mabuti na rin 'to kaysa naman mapunta pa kung saan ang usapan naming dalawa at mas lalong dapuan pa ako ng hiya.
“May gagawin ka ba ngayon?” tanong niya matapos kong kunin ang dala niya.
“Wala naman. Bakit?” tanong ko rito pabalik ngunit imbis na sagutin nito ang tanong ko ay ngumiti lang ito bago kunin ang braso ko at hilahin ako patakbo.
Hila-hila niya ako habang tumatakbo papunta sa kung saan man, pilit ko mang alisin ang kamay niya sa braso ko pero hindi sapat ang lakas ko para kalasin iyon. Masyado siyang malakas, ang higpit pa ng hawak niya.
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Fiksi RemajaIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...