Chapter 06

62 5 0
                                    

Nag-umpisa na ang programa, puro talak lang ako sa unahan habang pinapatawa at binubuhay ang crowd, hindi ko naman first time sa pag-emcee kaya hindi naman ako masyadong kinakabahan at natatakot, parang hawak ko naman na ang mga tao.

"Are you still there, Iska and Isko of Fierro?!” sigaw para ma-energize ang crowd, kasabay naman nito ay ang hiyawan at sigawan mula sa audience.

“Heto na ang pinakahihintay, at pinakaabangan nating lahat! Please offer a round of applause to the official candidates, as they showcase their poise and talents. Ladies and gentlemen, sit back, relax and enjoy a captivating moment with the official candidates in their sports wear!” sigaw ko pa bago lumabas ang mga contestants.

Bumaling agad ang tingin ko sa lalaking nag-abot sa'kin ng invitation— kay Kenneth— he’s cute huh.
He is wearing his sports attire and wearing his eyeglasses, ang tangkad niya kahit nasa malayo, payat lang siya. I mean he has all the qualities that girls are looking for a man, he sets the standards so high.

Hindi ko maintindihan pero bawat paglapat ng tingin ko sakanya ay sinusuklian niya iyon ng pabalik na tingin at isang mayamang mga ngiti.
Nararamdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko sa bawat ngiting tinatapon niya sat’wing nagkakatama ang mga tingin namin. 

Nagpatuloy lang ang kompetisyon hanggang sa umabot na sa awarding, nakuha ni Kenneth ang title na Mr. Fierro Del Siello University 2023, Mr. Charm, Mr. Popular, at Face of the crowd, literal na hakot award dahil halos lahat ng awards na para sa men category ay hinakot na niya.

“Let’s give them a big round of applause!” sabi ko bago bumaba sa stage, School Dean na rin kasi ang mag-o-open ng organizational booths kaya hindi naman na ako kailangan sa stage, binigay ko na rin ang mic sa organizer at lumapit kay Gavin.
I saw him enjoying the event, palapit pa lamang ako ay kinukuha na niya ang panyo at tubig mula sa bag niya.

“Ang galing mo, Apollo,” aniya bago iabot saakin ang tubig at punasan ang pawis ko sa noo.

“Ako na,” sambit ko habang sinasara ang tumbler pero hindi naman niya ito binigay,

“Gusto mong maulit 'yong kanina?” tanong niya at ibinalik ang nangyari sa plato kanina. Hindi na lang din ako nagsalita at hinayaan siyang punasan ang pawis ko.

Nabaling ang tingin ko sa mata niya, I saw how innocent his eyes are, ang pogi talaga ni Gavin, ang swerte ng magiging jowa nito. 

Pagkatapos niya akong punasan ay nilagay ko na sa bag niya ang tumbler ko.

Inalok niya pa akong pumunta sa mga food stalls para kumain, at hindi ko naman iyon hinindian. Gutom na rin kasi ako, kaya kaylangan ko na ring kumain, at tsaka hindi nanaman ako titigilan nito kapag hindi ko siya sinamahang kumain.

“Ano gusto mo?” tanong ko sakanya ng marating na namin ang stall, 

“Ikaw,” 

“Oo, ako magbabayad, ikaw, anong gusto mo?” Agad naman niyang itinuro ang fishball at kwekkwek. Akmang binubunot ko na ang wallet ko mula sa bulsa nang iabot ni Gavin ang pera niya sa nagtitinda. 

“Ako na magbabayad e.”

“Naibigay ko na kay Manong, ‘wag ka ng makipagmatigasan.”

“Nood tayong horror movie mamaya sa film showing,” pag-alok ko sa kanya, bago isubo ang fishball.

“May gagawin ako e, sumali kasi kami sa tournament ng Mobile Legend sa Barangay, sorry,” banggit niya na ikinatango ko naman, ginood luck ko na lang siya bago nagpatuloy sa pagkain. Naglakad-lakad lang din kami palibot sa ground para hindi boring hanggang sa nakita ko ulit si Kenneth. 

Ilang segundo pa ang nagdaan nang biglang magtama ang paningin naming dalawa, agad ko naman itong iniwas dahil sa hiya. Papunta kami ngayon sa gawi nila ng mga kaybigan niya kaya ganun na lang ang hiya ko sa pagtama ng paningin namin, baka kung anong isipin niya, jusko mahirap na!

“Pare! Laro na tayo!” rinig kong alok ng sinumang lalaki sa telepono ni Gavin. 

“Sige pare, susunod na lang ako,” ani Gavin sa telepono bago tumingin sa akin 

“Maglalaro siguro kayo, sunod kana.”

“Promise susunod ako sa iyo, manood ka muna, pagkatapos namin maglaro babalik ako rito sa University niyo at i-e-explore natin ‘tong booths.” 

Okay na 'yan, mag-isang manonood ng movie. Jusko horror pa naman ‘tong papanoorin ko.

Pumila lang ako sa pagkahaba-habang pila para sa
The Nun II. Akala ko movie 'yong nakakatakot, 'yong mahabang pila pala. Ilang minuto rin akong tumayo at pumila at kung hindi pa ako nakilala ng organizer ay hindi na sana kami papapasukin dahil maguumpisa na raw 'yong movie.

Pagkapasok ko ng room ay dama ko na kaagad ang creepy ambiance dahil sa lugar, nagdagdag din kasi sila ng designs para talaga nakakatakot 'yong feeling. Naupo ako sa gitnang upuan katabi ng lalaking nakaitim, hindi ko siya kilala kaya okay lang na sumigaw-sigaw ako rito.

Umpisa palang ng movie ay may nagsisigawan na agad, may umiiyak na rin hanggang sa biglang lumabas si Valak. Sa sobrang gulat ay hindi ko napigilang mapasigaw ng malakas. 

“Wahhh!” sigaw ko bago mapayakap sa braso ng katabi ko, hindi ko na ininda at inalam pa kung sino siya, basta ayaw ko na yang makita, nakakatakot si Valak, gagi!

“Shhh, wala na, wala na,” sabi nito bago ako patahin sa paghaplos ng ulo ko. Ramdam ko ang mainit niyang mga kamay na yumayapos sa uluhan ko, para siyang si Mama.

Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap at biglang umayos ng upo, muli akong bumalik sa panonood at ng nasa intense scene na naman ay inihanda ko na ang sarili ko para pumikit.

Narinig ko ang impit na tawa mula sa katabi ko, siya 'yong niyakap ko kanina. Bigla ko siyang nilingon pero hindi ko gaanong makilala kung sino siya, medyo madilim kasi kaya hindi ko maaninag ang itsura niya, basta ang alam ko lang ay tinatawanan niya ako. Nagpipigil pa ‘tong kumag na
‘to!

Ilang segundo pa ang nagdaan ng biglang bumulaga ulit sa screen si Valak, napuno na naman ng sigaw sa gulat ang buong room at nakisabay nanaman ako roon. 

“Ayoko na, Mama!” sigaw ko sa sobrang takot, naramdaman kong muli ang malamig na kamay ng sinuman sa kamay ko. Pagkamulat ko sa mata ko ay nakita ko ang kamay ng katabi ko na nakahawak sa kamay ko, panay pa rin ang pagpapatahan niya hanggang ngayon kahit hindi naman na ako takot.

Pagkahupa ng tensyon sa buong silid ay inalis ko naman agad ang kamay ko mula sa kamay niya, para-paraan ‘tong si kuya e.

Natapos ang movie pero hindi pa rin gumagalaw ang lahat, hindi pa rin kasi binubuksan ang ilaw, parang naroon na rin kami sa scene, hindi na talaga ‘to masusundan ng iba pang horror movies! Nakakatakot, mawawalan ako ng tonsils sa kasisigaw, jusko!
Pagkabukas ng ilaw ay ang pagmulat din ng mata ko, biglang lumingon agad ako sa katabi kong lalaki, nakita ko siyang alalang nakatingin din sa akin. Nang luminaw na ang paningin ko ay saka ko napagtanto kung sino siya, nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nayakap ko at ang humawak sa kamay ko.

“K-Kenneth?” utal na tanong ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

“Yes?” sagot naman nito bago ngumiti, naramdaman ko na lang ang pag-init ng pisngi ko kasabay ng pamumula nito.

Ang nayakap ko at humawak sa kamay ko ay ang poging si Kenneth?! Please, Lord gisingin niyo ‘ko! Alam kong panaginip lang ‘to! Panaginip lang ‘to hindi ba?! 

Shit! nakakahiya, jusko! Parang nagmukha tuloy akong manyakis dahil sa biglaang pagyakap sa kanya!
“S-Sorry! I didn’t mean to hug you, takot lang ako,” sabi ko at nauutal pa sa hiya.

“No, it’s okay, I understand,” 

Iniabot niya ang kamay niya sa akin para hawakan ko ito at alalayan akong tumayo, pero nagkusa na akong tumayo, ayaw ko nang dagdagan pa ang kahihiyan ko, baka savihin niya ‘Kamanyakis naman nitong host na ito’

I cannot!!!

“May gagawin ka ba? I mean ngayon?” biglang tanong niya habang papalabas kami sa film showing room, nanguna ako sa paglalakad at hindi nag-atubiling lumingon, halos matunaw na talaga ako sa hiya, kasalanan ‘to ni Valak e!

“Hey, I am talking to you!” pagtawag niya ulit bago hilahin ang braso ko dahilan upang mapalingon at mapalapit ako sa kanya.
'Yong distansya namin halos isang ruler na lang ang layo, magkalapit na ang mukha namin na halos
maghalikan na kami, I didn’t expect this will happened. Sa dalawampung taon kong nabubuhay sa mundo hindi ko ine-expect na mangyayari at mararanasan ko ‘to, akala ko sa movies ko lang ‘to makikita, napapanood ko lang ‘to sa KDrama e! Erase! Erase! Erase! 

Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay amoy ko na ang manly scent niya at ang masculinity niya, amoy ko na rin ang hininga niya na tila ba menthol ang amoy. I like… his scent. 

“Hey!” biglang tawag ni Kenneth bago i-tap ang noo ko, agad naman akong nagising sa reyalidad,

“Ano? Bakit?” 

“I said, may gagawin ka ba?” 

“Wala akong gagawin. Bakit ba?” 
“Kain tayo sa mga stalls, libre ko,” alok niya na ikinangiti ko naman, libre 'yon e kaya tumango na lang ako.

Halos lahat ng booths ay nilalapitan namin, kinakainan, binibisita ang mga exhibit, at nanonood sa mga artistic students, bawat booths ay naghahatid ng ngiti hindi lamang sa labi ko kung hindi magi na rin sa labi ni Kenneth, gumawi rin kami sa photo booth, perya, at iba pang game booths, I saw how happy he is, ramdam kong nage-enjoy siya sa momentum na ‘to. 

“You keep this photo, para may remembrance ka, tig-isa tayo,” sabi niya bago iabot sa akin ang litratong mula sa photo booth. Napatingin ako sa mukha niya na ngayon ay abot langit ang ngiti, napangiti na lang din ako dahil doon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero ang alam ko lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko sa t’wing tinitingnan ko siya sa mga mata niya.

Together, we explore the vibrant booths, our laughter blending with the lively atmosphere. With each booth we visit, we share stories, interests, and dreams, forming a deeper connection with every passing moment.

Time seems to stand still as we immerse ourselves in the experience. The sun casts a warm glow on our faces, and I can’t help but feel a sense of joy and contentment. It’s as if the world around us fades away, leaving only the two of us, discovering and enjoying each other’s company.
   

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon