Chapter 17

38 4 0
                                    

KRISTOFFER POINT OF VIEW
FLASHBACK

Habang nagiinuman kaming magtotropa ay nagulat ako nang marinig ang tunog ng telepono mula sa lamesa. Agad ko itong kinuha at agad na sinagot ang tawag.

“Hello? Sino ‘to?” tanong ko pagkatapos sagutin ang tawag.

Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki na tila ba nagtatago dahil halinghing lamang ang pagsasalita nito.

“Ako ‘to si Kenneth, anak ng may-ari ng Torres
Incorporated,” sagot ng binata mula sa kabilang linya.

Biglang kong tinakpan ang microphone button ng cellphone at kinausap ang mga tropa kong abala pa rin sa pagiinom ng alak. 

“Pare, ito na 'yong anak ni Boss Alfred, nakahanap na siguro siya ng magpapaligaya sa’tin,” tumatawang sabi ko na naging dahilan din ng pagtawa nila. 

“Bakit, Boss? Dala mo na ba ang napag usapan natin?” tanong ko rito at tumawa ng nakapangloloko.

Si Alfred Torres ang may-ari ng kumpanyang Torres Incorporated na siyang may malaking utang sa kay Boss R. Napagusapan namin at ni Kenneth ni Alfred na katawan na lang ang ipambayad para maging parausan at ibenta sa ibang bansa sa malaking halaga at ang halagang iyon ay ang magiging bayad sa utang ng mag-ama, “Magkikita kami ngayon dito sa may School Ground ng Fierro Del Siello University, kayo na ang bahalang kumuha sa kanya,” rinig kong sabi ng lalaking nasa kabilang linya na siyang dahilan ng pagtango ko. “Papunta na agad kami,” tumatawang sabi ko bago binaba ang telepono at sabihin sa mga katropa ko ang plano.

Pinuntahan namin ang sinabing paaralan at nagtago, nakasuot kami ng jacket na itim at maskarang itim para walang makakita at makakilala sa amin kung magkataon. Ilang oras pa ang nagdaan ay dumating na ang target na si Apollo, siya ang lalaking miyembro ng LGBT na siyang nabingwit ni Kenneth para ibenta para maging parausan namin. 

Pinaglaruan ni Kenneth ang damdamin ni Apollo hanggang sa mapaibig niya raw ito, at ngayon ay plano niyang mag sinungaling na magtatapat na pag-ibig  at doon na papasok ang grupo namin sa buhay ni Apollo.

Sa ilang minutong pag-uusap ni Kenneth at Apollo ay nagkaroon na kami ng senyales na lumusob na, agad naming nilapitan si Apollo at tinakpan ng panyong may likido ang ilong para himatayin ito.

Nagpupumiglas si Apollo, Umiyak, at nanlaban pero wala siyang magawa, masyado akong malakas para matalo niya.

Nang mawalan na ng malay si Apollo ay tinakpan namin ng itim na tela ang mukha nito, pinasok sa sako at kinarga palabas at isinilid sa sasakyan na dala namin.

“Tiba-tiba tayo rito mga Pare! Magandang pulutan ata ‘to,” tumatawang sabi ko na siyang ikinatawa rin ng mga katropa ko.

Sa panahong iyon ay nasa ilalim kami ipinagbabawal na gamot na siya rin naming ibinibenta mula sa boss naming si Boss R.

Nakarating na kami sa abandonadong lote at doon pinahiga sa kama si Apollo, ilang minuto pa ay bumalik na rin kami sa pag inom.

Sumama rin si Kenneth at ang girlfriend niyang si
Lucy para makita si Apollo at para mapirmahan na ang kontrata, na nagsasaad na bayad na sila sa kalahating utang ng Ama.

Matapos ang ilang oras ay lumapit na rin kami para gawin ang binabalak namin kay Apollo. Ilang mga suntok at sampal ang pinakawalan namin sa katawan ni Apollo, hinubaran at nilapastangan ito.
Ginahasa namin si Apollo at vinideohan pa. Matapos naming pagkatuwaan ang katawan niya ay tumatawang pinost ni Miguel ang video sa internet at pinakalat sa buong mundo.

END OF FLASHBACK

GAVIN’S POINT OF VIEW

Natapos ang pagkukwento niya at ang pagtatanong ng prosecutor, naluluha ako sa bawat salitang sinasabi ni Kristoffer, inaming siya ang gumahasa at bumugbog kay Apollo.

Nag-iinit ang ulo ko dahil sa mga naririnig kaya mas minabuti kong pumikit na lang ng mariin at baka kung ano pang eskandalo ang magagawa ko sa loob ng korte.

Maraming tanong ang ibinato kay Kristoffer at ang lahat ng iyon ay nasagot niya, lahat ay nagsasabing si Kenneth ay maaaring makulong sa kasong Human Trafficking. Dahil sa maraming tanong ang ibinato ay napagkasunduang ipagpatuloy ang trial sa susunod na araw. 

“Thank you, everyone, for your participation today. We have made good progress in the trial so far. Based on the evidence presented and the witnesses heard today, it is clear that this case requires further examination. I hereby adjourn the proceedings for today. The trial will continue on the Third day of October this year at ten in the morning. I expect all parties to be prepared and ready to proceed on that day. Please remember that it is important not to discuss this case outside of the courtroom, and to avoid any actions that could potentially influence the outcome. Thank you all for your cooperation, and I look forward to reconvening on the third of October to continue with the trial,” sabi ng Judge at doon natapos ang unang araw ng trial.

Umuwi kami ni Apollo kasama si Tita Krisa ngunit wala man lang akong narinig na kahit anong salita mula sa bibig ni Apollo. Ilang minuto rin kaming bumiyahe pero hindi man lang siya gumalaw, nakatulala lang sa labas ng bintana.

Nagaalala na ako sa kalagayan ni Apollo, hindi na ata ‘to normal. Ilang araw ang nagdaan ng ipagpatuloy ang trial, sa pagkakataong ito ay side naman ni Kenneth ang magpapaliwanag. 

Napagusapan ni Alfred na pwede nilang bayaran ang kalahating utang ng tatay niya kung magbibigay siya ng magpapaligayang bading sa kanila. Gusto nila ng pampaligaya na bading dahil ito rin ang ibebenta nila sa ibang bansa kapalit ng Isa’t may kalahating milyon, na siyang magiging bayad sa utang ni Alfred kay Boss R.

Nagpatuloy ang trial ngayong araw, maaga kaming pumunta ni Apollo at Tita Krisa sa korte.

“Good morning, everyone! We are reconvening today for the continuation of the trial. I hope you all had a restful evening and are ready to proceed,” sabi ng Judge. Ktabi ko ngayon si Tita Krisa habang nasa unahan naman namin si Apollo katabi si Prosecutor Liam.

“Your Honor, the defense is ready to present its case,” sabi ng Defense Attorney na siya ring sinundan ng Prosecutor, 

“Your Honor, the prosecution is also ready to proceed,” sabi rin ng Prosecutor

“Very well. Let’s start by calling our first witness for today. Defense, who do you wish to call?” tanong ng judge dahilan upang tumayo ang Defense Attorney. 

“Your Honor, we would like to call Mr. Kenneth
Elijah Torres, to the stand.” 

“Thank you, Your Honor. Now, Mr. Torres, could you please state your name and occupation for the record?” sabi ng Defense Attorney bago magsalita si Kennneth. 

“Certainly. My name is Kenneth Elijah Torres, and I am a college Student, a child of the CEO and owner of Torres Incorporated,” ani Kenneth na halatang natatakot at kinakabahan.

“Sinasabing ikaw ang nagbenta kay Apollo sa anim na grupo ng kalalakihan para gahasain, totoo ba ito?” tanong ng Defense Attorney kay Kenneth at takot na tumingin ito kay Apollo.

“Hindi po,” pagsisinungaling nito na halos mautal pa dahil sa kasinungalingang lumalabas sa bibig.

“Napakasinungaling mo! Hindi ka pa talaga nadala!” napatayo ako at napasigaw dahil sa galit, hindi ko mapigilang magalit dahil sa init ng ulo.

Nakita kong napatingin sa akin si Apollo at takot itong tumingin sa mata ko. 

Sorry, Apollo.

“Order of the court!” sabi ng judge bago ipokpok ang law hammer na hawak niya.

Nagpatuloy ang mga tanong at argumento, napansin ng lahat na hindi tumutugma ang mga sinasabi ni Kenneth. Napaghahalataan itong nagsisinungaling at natatakot dahil sa mga sagot na malayo naman sa mga tanong. 

“Sinasabing ilang beses mo raw inaya si Mr. Trinidad para magdate sa kung saan at ng mainlove na siya ay saka mo na ginawa ang pagbebenta, is it true?” tanong ng Defense Attorney na naging dahilan ng pagtingin ni Kenneth kay Apollo.

“Hindi, ang totoo niyan ay siya ang pumipilit sa akin na magdedate kami dahil sa pagkakandarapa niyang maging boyfriend ako,” sabi ni Kenneth na naging dahilan ng pag sigaw ni Apollo. Nakatakip si Apollo sa tenga niya na tila ba natatakot sa kung ano man.

“See, nababaliw na siya,” sabi pa ni Kenneth na nagpalaki sa mata ko.

“Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak ko! Binaboy mo siya! Niloko mo siya! Hayop ka! Mabubulok ka sa kulungan at sa impyerno! Kampon ka ni satanas!!” sigaw ni Tita Krisa at napatayo na rin sa galit. 
    

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon