APOLLO’S POINT OF VIEW
Today is Monday napuyat din ako kagabi dahil sa stargazing namin ni Gavin pero maaga pa ring nagising. Napagkasunduan namin ni Mama na papasok na ‘ko sa school kagabi, almost three months din kasi akong nagpahinga kasi sabi ng institution ay magpagaling muna ako, almost three months akong nag modular para hindi maiwan sa lessons. Alam kong may pangamba pa rin si Mama kasi ayaw pa sana niya ‘kong papasukin kaso pinilit ko siya kaya napa-oo rin sa huli.
Kasabay ko ngayon si Gavin, ihahatid niya raw muna kasi ako sa Fierro bago siya pumunta sa Ethereal, hindi niya raw kasi hahayaan na mawala pa ‘ko sa paningin niya, ‘wag daw akong lalabas ng room kapag wala pa siya mamayang uwian kasi baka may lumapit naman daw sa akin tapos igala na naman ako sa kung saan.
I am so happy that I have Gavin, siya 'yong tumulong sa akin na maka-recover, siya 'yong nagpapatahan sa akin when I feel weak at umiiyak every night. He’s always there when I am feeling lonely. Ang saya ko rin kasi kahit pa madilim 'yong pinagdaanan ko hindi pa rin ako iniwan ni Mama, nariyan siya no'ng nasa hospital ako, nariyan siya no'ng nasa korte ako, nariyan siya no'ng nag-aundergo ako ng therapy, nariyan lang siya no'ng mga panahong sobranng kaylangan ko siya. Naisip ko bigla na kaya naman pala talaga namin kahit wala si Papa, si Mama lang ay sapat na para mabuhay kaming dalawa. Hindi ko kaylangan ang iresponsableng tatay para lang makaramdam ng pagkakompleto, si Mama lang, ay okay na 'ko.
“Basta, huwag kang lalabas ng wala ako ah, papasok na ‘ko,” sabi niya bago magpaalam, nandito na rin kasi ako sa hallway na malapit sa room kaya pinapunta ko na rin siya sa Ethereal medyo malayo ng unti pa 'yon mula rito sa Fierro at baka malate pa siya kasalanan ko pa.
Habang naglalakad ako sa hallway ay scroll lang ako nang scroll sa cellphone, nahihiya pa rin ako sa mga tao, nakasuot din ako ng facemask para at least matago ko 'yong sarili ko at 'yong mga pasa ko sa bibig, may sunglasses din ako para sa mga blackeye ko. Basta, simula no’ng nangyari 'yon sa akin para nawala na 'yong confidence ko sa mga bagay.
Napaangat ang mata ko ng biglang may magsalitang lalaki sa unahan, dalawa sila at tumatawang nakatingin sa akin.
“'Di ba ikaw 'yong nasa video? Ikaw si Apollo diba?” tumatawang tanong ng isang lalaki habang tinutulak naman sa tawa ang isa pa.
“Ay oo, 'yong kumakalat na scandal? Masarap ba?” tanong din ng isa na ikinahalagapak ng tawa nilang dalawa.
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nila, parang biglang nawala 'yong kanina ay ngiti sa labi ko, tila ba napalitan ito ng lungkot.
Pinigilan kong lumuha para hindi magmukhang talo ako, pero nanggigilid na 'yong mga butil ng luha sa mata ko na tila ba ilang minuto na lang ay babagsak na ito isa-isa.
“Baka naman, two thousand and five hundred pesos lang, mukhang mayaman ka naman e, nakaya mo nga 'yong anim, kami pa kayang dalawa,” tumatawang sabi pa ng isa.
Ganito na ba talaga ang mga Pilipino? Iniisip sa mga bakla bangko? Bangko na kapag pinasukan ng ATM card ay may lalabas na pera, bangko na kahit anong oras nila huthutan ay may makukuha sila, mali rin kasi 'yong ibang mga baklang gaya ko e, hindi ko alam pero binibigyan din kasi nila ng dahilan ang ibang lalaki na baguhin ang pangalan namin mula sa bakla patungong bangko.
“Sorry pero hindi ako gaya ng baklang iniisip niyo,” sabi ko at akmang uunahan na sila pero hindi ako nagtagumpay.
“Hala, pakipot pa si bakla. Hoy! Nakita na namin yan, laspag ka naman na e! Hindi mo ba kami kilala? Kami lang naman ang mga nilalapitan ng mga bakla rito sa University e ikaw na 'yong nilalapitan choosy ka pa,” aniya pa habang dinuduro-duro ako.
“At tiyaka ano yang mga takip mo sa mukha?
Nagdadalamhati ka ba? Nahihiya ka ba sa ginawa mo? Yan kasi sinabi ng kapag lalandi wag i-vi-video e, alisin mo nga yan,” pagkasabi niya nito ay naginit na ang dugo ko, lalo pa ng alisin nila ang sunglasses at facemask ko at itinapon ito.
Nagulat sila ng makita ang bawat pasa sa mukha ko pero hindi rin nagtagal ay tinawanan din nila ‘yon.
“Ngayon masaya kayo? Tingnan natin kapag nagkaharap-harap na tayo kay Dean,” sabi ko bago naglakad palayo sa kanila.
Unti-unting bumagsak ang luha mula sa mga mata ko, siguro ay hindi lang sa lungkot kundi pati na rin sa galit, akala ko ba gender-friendly ‘tong institution, bakit ti-no-tolerate nila ‘tong beaviour na ‘to?
Dumiretso lang ako sa department ko bago umupo sa bakanteng upuan sa likuran, hindi ko ‘to upuan kasi nasa unahan ako dati pero mas mabuti na ‘to kesa naman mas agaw-pansin ‘tong mga pasa ko. Tahimik lang akong naupo, kahit nasa malayo na
‘ko e rinig ko pa rin ang mga tao sa paligid, rinig ko pa rin ang pangalan ko na nadadamay sa kwentuhan nila
“'Di ba yan 'yong may crush kay Kenneth? Tapos siya pa 'yong dahilan ng pagkakakulong ni Kenneth. Jusko iba na talaga ang mga bakla, kung hindi feeling babae, feeling entitled na rin,” sabi ng isa na sinang a'yonan ng lahat. Tawa lang sila nang tawa habang ako, luha nang luha.
Akala ko okay na ‘ko, akala ko naka-recover na ‘ko, pero bawat banggit nila sa nangyari sa akin bumabalik 'yong pangyayari, bumabalik 'yong panggagahasa nila sa akin.
“Oo nga, tapos may scandal video pa yan, hindi pa nakuntento sa isa, anim pa 'yong pinatos,” tumatawang sabi naman ng isa. Pinagtatawanan nila 'yong nangyari sa akin pero kung malaman nila 'yong detalyeng pamilya ko lang ang naka-aalam siguradong pagsisisihan nila 'yong mga sinasabi nila. Sana magbago na 'yong mundo, sana mawala na 'yong mindset ng mga taong walang ibang hobby kung hindi ang manira ng kapwa, na imbis na tulungan silang itama 'yong mali ay mas pinipili nilang pagtawanan 'yong nagawa ng kapwa nila, without actually knowing what really happened.
“So, nasarapan ka ba no’ng nangyari ‘yon? Don’t tell me you are also a prostitute?” Gusto nang bumagsak ng luha ko pero pinilit kong itago iyon.
Pinilit kong maging kalmado kahit pa may humahalinghingna sa aking lusubin na sila ng sampal.
“Pa’no kung sabihin kong oo? And actually Ms, I just had an appointment with your father yesterday and guess what? We make love so hard that he even texted me earlier to do it again.” I sarcastically look at her. Galit siya, sobrang galit.
“How dare you to say that!?” aniya habang papalapit sa akin at akmang isasampal ang kamay nang biglang dumating si Sir William, siya 'yong first subject namin, nakaka-usap ko siya, medyo close ko siya pero hindi ko rin alam kung ano 'yong sasabihin niya. Close ko rin kasi 'yong mga classmate ko dati, pero ngayon, sila pa 'yong nambubully sakin.
Hindi ko na talaga alam kung totoo pa ba 'yong salitang bestfriend, kasi halos lahat na lang nagsisiraan kapag nakatalikod 'yong kaibigan, magkaibigan kapag magkaharap, magkaaway kapag nakatalikod sa isa’t isa, talented.
Agad na umupo si Alexandra sa upuan niya at nakataas ang kilay at nangagalit na tumingin sa akin haabang ako ay patuloy sa pag-ismir sa kanya.
“Mr. Trinidad, I heard what happened, if you need someone to talk to, nasa faculty lang kami ng mga teachers mo,” sabi ni Sir William na ikinangiti ko, pero hindi rin 'yon nagtagal kasi nagsalita na naman 'yong magagaling kong kaklase, 'yong mga perpekto kong kaklase.
“Hala sir, baka ipakulong niya rin kayo gaya ng ginawa niya kay Kenneth, or baka idagdag niya kayo sa collection niya, anim na ‘yon Sir, dadagdag ka pa?” sabi ng lalaki kong kaklase na ikinatawa ng lahat.
“Mr. Dela Cruz! Stop that! Hindi mo siguro alam ang pinagdaanan ni Mr. Trinidad kaya nasasabi mo ‘yan. Mr. Trinidad, is it okay if you share it to them? Para at least ma-realize nilang mali sila,” sabi pa ni Sir na dahilan para mag-isip ako ng malalim.
Sasabihin ko ba? Oh magbibingi-bingihan na lang ako sa sinasabi nila?
“It’s okay kung ayaw mong i-share, pero Mr. Dela
Cruz and Mr. Trinidad mag-usap tayo sa Dean’s Office later,” sabi ni Sir at matalim na tumingin kay Dela Cruz.
Rinig ko pa rin ang tsismisan nila pero minabuti nilang hinaan 'yong boses nila kaysa marinig sila ni Sir at mapasunod sa Dean’s office mamaya.
Ilang oras pa ang nagdaan ng alukin na kami ni Sir na pumunta Dean's Office, kasama ko si Dela Cruz at walang nangahas na kumausap sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Teen FictionIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...