“Good Evening, Ma,” bati ko kay Mama sabay halik sa pisngi nito.
“Magpahinga ka muna, tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo,” wika naman ni Mama bago bumalik sa pagluluto.
Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako, hindi na rin ako ginising ni Mama dahil alam niya sigurong pagod na rin ako.
Nagising ako sa huning gawa ng mga ibon sa labas ng bintana. Ang araw ay nag-uumpisa nang sumibol at sumilip mula sa aking kurtina. Sa paginat ko kasabay nang pag-hikab ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkasabik para sa mga mangyayari sa araw na ‘to.
“Good Morning, Pilipinas! Good Morning, Universe!” bati ko sa kawalan, agad kong pinatugtog ang paborito kong kanta mula sa telepono, para maging produktibo ang araw ko ngayon.
Bumangon agad ako sa kama at iginayak ang mga paa papunta sa kusina, kung saan naamoy ko ang samyo ng kape. Pinuno ko ng kape ang itim kong baso at kinuha ang pagkakataong iyon para namnamin ang mayamang lasa ng kapeng itinimpla ko.
Nararamdaman ko, magiging maganda ang araw na ‘to.
Alas kwatro na ng umaga, at alas sais ng umaga ang call time sa Fierro kaya may ilang oras pa ako
para i-practice ang script ko. Pinilit kong magising ng maaga para marami na rin akong magawa sa bahay, buong araw nanaman kasi akong mawawala at hindi ko masikmurang wala man lang akong naitulog sa gawaing bahay. Maghahanap din ako ng mga gagamiting damit para mamaya at magluluto ng agahan para sa amin. Mas mabuti na rin ito para hindi na magluto si Mama ng agahan niya pagkagising.
Nagluto lang ako ng tocino, itlog at hotdog at nagsinangag lang para sa agahan, okay na iyan kesa naman marami akong lutuin, e kami lang namang dalawa ni Mama ang kakain, tatlo pala, dito pala 'yon kakain si Gavin.
Dinamigan ko na ang sinangag na niluto ko, dito raw kasi kakain si Gavin dahil wala pa raw si Tita Steph, nakakatamad naman daw kumain mag-isa at magluto kung magisa lang naman siyang kakain kaya sasamahan niya nalang daw ako.
“Cause no matter if the blue skies turned to gray~” pagsabay ko sa kanta ni Moira Dela Torre na We and Us. Ito ang pinatutugtog ko kapag broken ako, ay mali! Kapag malungkot ako, kapag mag-isa lang ako, at kapag nagsusulat ako ng kwento.
Ilang minuto pa ay naluto na rin ang ulam kaya sinunod ko namang lutuin ang sinangag.
Ilang minuto pa ay dumating na rin si Gavin na kaswal na naka-white polo shirt habang naka tucked-in sa white trouser pants.
Ang linis namang tingnan, parang hindi sipunin ng bata pa.
Sasama raw kasi ito sa bago kong university tutal wala naman silang pasok ngayon, para daw mapanood niya ako sa pag-ho-host at para makapag-enjoy na rin sa booths.
“Good morning, Apollo,” bati niya bago lumapit sa akin at inusisa kung ano ang niluluto ko.
“Ano ba ulam natin?” tanong nito bago umupo sa mesa, “Ano pa ang pwede kong itulong?”
“Nandiyan na sa mesa 'yong ulam, patapos naman na ako rito,” sagot ko habang hinahalo ang sinangag at ang hotdog na piniraso ko.
“Kunin ko na 'yong plato natin, tas kutsara.”
“Ang bait ah, parang masarap tulog mo kagabi,” pagbibiro ko naman bago ngumisi.
“Palagi naman akong mabait ah!” Hawak niya ang mga kutsara’t tinidor at inilapag iyon sa bawat platong nasa mesa.
Matapos kong maluto ang sinangag ay nilagay ko na ito sa plato bago ilagay sa mesa. Nag-umpisa naman na kaming kumain habang nagkukwentuhan tungkol sa mga naganap kagabi. Tawanan lang kami nang tawanan dahil sa mga kwento niyang ika nga ay too good to be true, ikaw ba naman sabihan na kagabi raw ay nakausap niya ang crush niya; sa panaginip maniniwala pa ako pero in real life? Parang malabo.
“Hindi masarap,” bungad niya pagkatapos kumain,
“Makapanglait ka akala mo naman marunong kang magluto,” sabat ko naman dito, kung makapanglait e halos maubos niya nga ang ulam.
“Hoy! Marunong din ako magluto ‘no! Pancit
Canton, at tsaka Noodles!”
“Proud ka pa sa pancit canton? Akin na nga lang yang pinggan mo at nang mahugasan ko na,”
“Ako na, para may ambag din ako,” pag-agaw niya pa sa pinggan pabalik.
“Ako na!”
Ilang minuto rin kaming nag-agawan ng pinggan nang biglang… “Ayt!” sigaw ko ng mahulog ang pinggan sa sahig.
“Shit! Sorry!” bulalas naman ni Gavin bago ako tulungang pulutin ang basag na plato.
“Aray!” hiyaw ko ng maramdaman ang hapdi nang matusok ako mula sa isang basag ng plato. Agad kong pinadugo ang sugat para lumabas ang bubog kung meron mang nakapasok.
“Oy! Sorry!”
“A-aray! Ang sakit, Gavin,” pag-inda ko sa sakit mula sa sugat.
“Linisin mo na muna yang sugat mo ng betadine tapos lagyan mo ng band-aid, ako na mag-aasikaso ng kinainan natin,” aniya bago naman ako untiunting pumasok sa banyo.
Medyo malalim ang pagkakatusok sa akin nung basag na plato kaya masyadong mahapdi 'yong sugat. Pinabuhusan ko naman kaagad ito ng tubig bago sabunin, pahirapan pa ang paglilinis dahil mas nangingibabaw talaga 'yong sakit mula sa sugat.
Naligo na rin ako pagkatapos kong linisan ang sugat at nagbihis ng formal attire para sa emcee attire ko mamaya.
“Gavin, tara na mag-si-six na oh, mag-pa-practice pa ako ng script,” pagtawag ko sa kanya habang sinusuot ang sapatos bago sinara ang mga ilaw at pinto.
Nakasunod na rin si Gavin sa akin, dala ang bag niya, students’ week is dedicated for students tapos invited ang students na pumunta sa institutions nila without their school bags pero itong kumag na ‘to ay nagdala pa rin ng bag niya tapos ang laman lang naman daw ay tubig naming dalawa. Napaka-good student naman.
“Trespasser ka lang naman sa university namin tapos kung makadala ka ng bag wagas.” Napatawa nalang ako dahil sa itsura niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating kami sa university, nakita ko ang bawat estudyante sa designated nilang lugar na panay ang pagtayo sa kani-kanilang tent para sa kani-kanilang mga booths. Bawat estudyante ay abala at naghahanda para sa programa, abala na rin ang Student Council dahil sila ang organizer ng program for the opening of the event, habang ako eto sa gilid panay ang basa ng script at pag-practice ng mga pronunciation ng mga pangalan ng guests at judges sa competition.
Ang hihirap ng pangalan nila lalo na sa candidates for Mr. and Ms. Fierro Del Siello, 'yong mga name nila talagang pinag-isipan. Maging siguro ang Pari ay nahirapang i-pronounce ang pangalan nila ng panahong bininyagan sila.
“Kenneth Elijah Torres, with his partner Kiesha Mariae Ellise De Vera,” pag-practice ko sa pangalan ng last contestant. Teka, Torres? Iyon
‘yong apelyido na nakasulat sa papel kahapon, ‘yong may sulat na You are worth it.
FLASHBACK
Habang naghahanda ako para sa iskrip ko para sa programa bukas at sa pagbubukas sa Linggo ng mga Mag-aaral ay nakita ko ang papel na nasa lapag na may sulat na ‘You are worth it’ bigla akong napangiti sa nabasa ko, I am indeed worth it. Nakasulat din sa baba nito ang apelyidong Torres.
“Torres? Wala namang member na may apelyidong
Torres sa publication, huh.”
END OF FLASHBACK
Bale program proper muna tapos sa middle part ay ang Mr. and Ms. Fierro Del Siello na tapos after the awarding is 'yong opening of organizational booths naman.
Alas-sais y medya na ng umaga at i-ga-gather na ang students dito sa pavilion, dahil sa saktong alassyete ng umaga ay mag-i-start na raw ang programa, abalang-abala na ang lahat dahil kaunting minuto na lang ay mag-co-commence na ang programa.
Luminga-linga naman ako sa paligid para hanapin sana si Gavin at hingin ang tumbler ko sa kanya pero paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang lalaking nag-abot sa'kin ng invitation sa hallway noon. Mayroon din siyang sash na may nakalagay na Candidate Number Six so ibig sabihin siya 'yong last man contestant, and siya si Kenneth Elijah Torres? Siya ‘yong nagsulat ng You are worth it? Bakit?
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Teen FictionIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...