"Ma, pwede naman po kasi akong mag-working stu—" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ay sumambit na siya,
"'Nak, napag-usapan na natin 'to, ayaw kong mapabayaan mo ang pag-aaral mo dahil sa pag-tatrabaho. Anak kaya ko pa, kinakaya ko naman, at tiyaka naghahanap na ako ng trabaho 'yong malakilaki ang sahod," aniya na nagpalaho sa ngiting kanina'y bigay niya. Palagi na lang siyang ganyan, palagi niya akong iniisip, ni hindi niya man lang isipin ang nangangayayat niya ng katawan.
"Kahit lumipat na lang po ako ng unibersidad, Ma. May nakita po akong murang unibersidad mas kaya po natin ang tuition at miscellaneous fee. Please, Ma, gusto ko pong matulungan din kayo."
Nakita ko ang pagka-seryoso sa mga mata niya pero patuloy pa rin sa pakikinig.
"Saang unibersidad ba 'yan? Malapit ba 'yan sa bahay? May kasama ka ba riyan?" sunod-sunod na tanong na binitawan niya. Sa mga tanong na 'to ay parang papayag na rin siyang lumipat ako.
"Halos katabi lang po ng unibersidad ko ngayon, sa Fierro Del Siello po," sagot ko na ikinatango niya naman, "hindi ko naman po pwedeng pilitin ang mga kaybigan ko na lumipat pero paniguradong makahahanap din naman po ako ng mga bagong makakaybigan kapag nakalipat na po ako at nakapag-adjust na."
Napakamot naman ito sa ulo bago pumayag, agad akong napangiti at napayakap sakanya. Sobrang saya ko, hindi lang dahil mababawasan na ang gastusin niya kung hindi dahil na rin sa may makikilala na naman akong bagong mga tao sa buhay ko. Para na rin mas mapaglaanan ni Mama ng pera ang sarili niya..
Bata pa lamang kasi siya nang ipakasal siya kay Papa nila Lola’t Lolo. Kahit ayaw rin nila Lola ay napilitan sila para maiahon sa kahirapan si Mama pagkatapos nito ng High School, dahil ayaw nilang maparamdam kay Mama ang hirap na dinanas nila.
Kontra sana rito si Lola, kaso si Lolo 'yong mapilit, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod.
Gusto kasi ni Lola na pag-aralin si Mama dahil hindi naman siya pinag-aaral ng magulang niya, at ayaw niyang magaya si Mama roon. Naniniwala raw kasi ang magulang nila Lola na nabubuhay nga raw ang kalabaw ng hindi nag-aaral, si Lola pa raw kaya? Kaya bata lang si mama ng ipinanganak ako, may iba ngang napagkakamalan kaming magkapatid e, 20 years old palang ako habang 39 years old palang din si Mama, kaya naman akala talaga nilang mag-ate lang kami.
Nang ipinanganak ako ni Mama ay doon naman kami iniwan ni Papa, bigla siyang natakot sa responsibilities na dala ko bilang anak niya. Kaya minsan nag-so-sorry ako kay Mama kasi feeling ko dahil sa akin kung bakit nagkahiwalay sila ni Papa, pero sinasabi niya lang na hindi tunay na lalaki si Papa, dahil sabi niya ang tunay na Lalaki ay 'yong handang harapin ang responsibilities na gawa niya, hindi 'yong sa kama lang magaling.
Maraming nagsasabing bunga raw ako ng pagkakamali, pero kasal naman sila mama, sadyang duwag lang si Papa na harapin 'yong bukas na kasama ako. Hindi ko siya mapapatawad sa pagtalikod niya sa akin. He’s the first man na dahilan nang pag-iyak ko. Siya ang sumira sa puso ni Mama, habang ako naman ang pilit na binubuo iyon.
Minsan tulala si Mama, at masyadong agresibo, masakit sa parte kong makita siyang gano’n, dahil sa mga panlalait sa labas ng bahay, dahil sa mga tsismosang patuloy na hinahalungkat ang dapat ay patay ng mga topic sa buhay namin, pilit nilang hinahalungkat ang kahon ng buhay namin na dapat ay kinakalimutan na lang .
Minsan umiiyak si mama mag-isa, hawak ang ilang bote ng beer. Umiiyak na lang din ako, dahil sa parte ko, sobrang sakit na makita siyang umiiyak, hindi dahil sa lalaki, kung hindi dahil sa mga tsismosang sinisira ang pangalan ni Mama.
Pagkatapos naming kumain ay 'di na namin muling binuksan pa ang usapan tungkol sa paglilipat ko. Baka kasi magbago pa ang isip ni Mama.
Mahirap din kasi ang buhay, gusto ko na nga munang tumigil sana sa pag-aaral kasi naaawa na ako kay Mama, palagi siyang pagod, gusto ko namang makatulong kaso wala pa akong kakayahan, pero kung papayag lang siya na tumigil na muna ako sa pag-aaral at magtrabaho muna ay makatutulong ako sakanya kahit papa'no, pero ang pumayag siya sa paglilipat ko ay parang nakatulong na rin ako sakanya.
Kinabukasan ay agad akong pumunta sa Fierro Del Siello University. Pagkapasok ko palang ay nadama ko na ang bagong simoy ng hangin sa paligid, isang bagong kabanata sa buhay ko.
"Good morning po," bati ko sa guard na siya ring binalik niyang bati sa akin.
Napansin kong lahat ng narito ay nakangiti, maraming mga estudyante ang nag-uusap-usap habang nagtatawanan. May ilan ding nakatingin lang sa mga dumadaan at pagkadaan ay babalik sa binabasang libro o kaya sa panonood ng kung ano man. Habang ang iba ay abalang nagtitipa sa kanikanilang mga telepono.
Malapit na ako sa registrar ng biglang nakabangga ko ang isang lalaking may dalang mga papel. "Sorry po, i didn't mean to bump into you," aniya habang nakaharap sa'kin.
Nakasuot siya ng school uniform na gray at ng eye glasses niya. May itsura siya, unique ang itsura niya.
"Mag-e-enroll ka ba?" tanong nito na nagpatango sa'kin. Pagkatapos ng ilang segundo ay agad niyang iniabot sa akin ang papel. Nakasulat dito ang ‘Mr. and Ms. Fierro del Siello' na sa tingin ko’y paparating na ganap dito sa university, "Baka gusto mong manood, next week na 'yan."
Agad din siyang nagpaalam sa'kin, hindi ko alam kung bakit pero parang gumaan 'yong pakiramdam ko sa loob ng campus dahil sa magaang pakikiusap no'ng lalaki kanina. Doon ko na-realize na napakafriendly at hospitable ng mga tao rito sa University.
Pagkatapos ng ilang minuto ay agad kong narating ang opisina ng admin, medyo malayo rin ito kaysa sa in-e-expect ko. Medyo hingal akong lumapit sa registrar at ibinigay ang mga papel dito.
"Ano?! Bakit kung kaylan malapit na ang event ay saka naman cinancel ng host ang pagpunta niya? Sino pang mag-ho-host ng event natin niyan?" rinig ko sa usapan ng dalawang may katandaang babae sa loob ng opisina. Hindi naman sa nakikitsismis ako…pero parang gano'n na nga.
"Bawal naman ang mga student kasi para nga sakanila ang event," dagdag pa ng babae sa cashier area habang kumakamot sa ulo.
Napatingin muli ako sa babaeng hawak ang mga papeles ko, hindi ko na napigilan ang sarili na magsalita.
"Uhm, excuse me po, sorry po if nakikisawsaw ako sa usapan niyo but i heard that you need a host for the event dito sa university?" tanong ko at nahiya ng mapagtantong pakikitsismis na nga ang ginagawa ko.
Baka isipin nilang bago palang ako rito sa university ay nakikisawsaw na ako sa usapan ng mga matatanda. Anong kabaliwan na naman ba 'yan, Apollo!
"Bakit? May kakilala ka bang host?"
"Broadcaster po ako sa dati kong university, nakapag-host na rin po ako ng mga events sa school, i think i can manage to host the event naman po, if it's okay with you," suhestiyon ko at ngumiti sakanila.
Nagtinginan naman ang mga ito, ngumiti at binalik sa akin ang tingin.
“Anong pangalan mo?” tanong na inusal ng babaeng kaharap ko. Hindi ko pa rin inaalis ang paningin sakaniya, sabik na marinig ang sasabihin sa naging suhestiyon ko.
“Leo Apollo Trinidad po.”
"Aba'y oo, sige ganito, Mr. Trinidad. Ipapasok kita sa publication namin as broadcaster para magkaroon ka na rin ng Press ID at Publication uniform. Welcome sa Fierro, you're enrolled," wika ng registrar na ikinangiti ko.
"It's my pleasure, Ma’am! Thank you po."
Bago ako magpaalam ay hiningi ko muna ang iba pang impormasyon tungkol sa event, nalaman ko ring ang event na Mr. and Ms. Fierro Del Siello pala ang event na pag-ho-host-an ko. Iyon din ang event na nakasulat sa invitation na binigay sa akin ng lalaking kanina ay nakabangga ko sa hallway.
Sa sobrang saya ay nakangiti ako buong araw, pinakilala na rin kasi nila ako sa ibang publication members, sa advisers at binigyan na rin nila agad ako ng access sa publication office.
Heto na ang bago kong mundo, ang mundo kung saan magaan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Novela JuvenilIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...