Chapter 18

37 4 0
                                    

“Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak ko! Binaboy mo siya! Niloko mo siya! Hayop ka! Mabubulok ka sa kulungan at sa impyerno! Kampon ka ni satanas!!” sigaw ni Tita Krisa at napatayo na rin sa galit. 

Muli ay pinatigil kami ng Judge. 

Natapos ang trial at alam kong alam na ng lahat ang magiging desisyon sa kaso ni Kenneth. 

“As we wrap up for today, I want to remind the jury to refrain from discussing the case or conducting any independent research. We will reconvene tomorrow at nine in the morning to hear the closing arguments.” 

Umuwi na kami ni Apollo, ay gaya ng dati ay wala man lang akong marinig na kahit anong salita mula sa bibig ni Apollo, hindi man lang siya gumalaw, nakatulala lang sa labas ng bintana, tinitingnan ang paligid na siya lang nagpapakalma kay Apollo.

Masyadong nakakapagod at nakatuinit ng ulo ang mga pangyayari ngayong araw, dahil dito ay pagkauwi namin ay dumiretso agad si Apollo sa kwarto niya para matulog.

Umuwi na rin ako kaagad pagkatapos, hindi na rin ako natutulog sa tabi ni Apollo dahil mas mapapadali ang paggaling niya kung may space muna siya para sa sarili niya.

Pagkapasok ko ng bahay ay inopen ko kaagad ang cellphone ko, tiningnan ang tulang ginagawa ko ng mangyari 'yong krimen. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat at nilagay sa tula ang mga nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, nakatulala, at parang wala sa sarili. Sobrang sakit, mas masakit pa sa heart broken.

Pinagpatuloy ko lang ito hanggang sa makaramdam ng antok, twelve noon na at hindi pa rin ako kumakain, pero matutulog muna ako kasi hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sa magiging ganap sa korte ngayon.

Paniguradong mamaya ay hindi na naman ako makatutulog sa kaiisip kung ano ang magiging resulta ng trial, kung guilty ba si Kenneth or kung hindi.

“Ladies and gentlemen of the jury, we have reached the end of the trial,” sabi ng Judge. Ngayon sasabihin ang mga naging resulta ng dalawang araw na trial, 'yong mga paghihirap ni Apollo ay ngayon na masasagot. Ngayon na lalabas ang totoo, kung makukulong ba si Kenneth o hindi. 

“Your Honor, may I present the closing statement for the prosecution?” tanong ng prosecutor bago tumayo. 

“You may proceed,” pagsasangayon naman ng Judge. 

“Ladies and gentlemen, as we come to the end of this trial, I want to recap the evidence that has been presented before you. The camera footage we have shows Mr. Kenneth Torres in a compromising situation. In the picture, he can be seen seemingly offering Mr. Apollo Trinidad as payment for his father’s debts to a group of men. This visual evidence is crucial in establishing the alleged involvement of Mr. Kenneth Torres in human trafficking,” sabi ng Prosecutor, ang visual evidence na ito ay 'yong nakitang USB sa cabinet sa bahay na tinuro ng anim, loob nito ang ilang mga litrato ng transaksyon nila at kasama ro’n si Kenneth at ang Ama niya.

Bawat salita ng Prosecutor sa kanyang closing statement ay ang pagluha ni Kenneth. Malakas ang loob kong hindi siya mananalo dahil wala silang matibay na panlaban sa mga ebidensya at mga witness na inilabas namin. Wala silang takas sa lakas ng laban namin.

“Additionally, we have a contract that was signed by Mr. Alfred Torres himself. This contract explicitly states that he requested a loan of two million pesos from the notorious drug lord, known as Boss R. This document provides a direct link between Mr. Alfred Torres and the criminal underworld, further strengthening the case against Mr. Kenneth Torres. 

“I implore you to carefully consider the weight of this evidence as you deliberate your decision. The prosecution has presented a compelling case, presenting a clear connection between Mr. Kenneth Torres, his father’s debts, and the involvement of a dangerous drug lord. It is our belief that the evidence overwhelmingly supports the charges of human trafficking against Mr. Kenneth Torres. Thank you for your attention throughout this trial, and may justice prevail in this courtroom,” sabi ng prosecutor habang nasa harap ng lahat si-nasummarize ang mga nakuhang ebidensya. Ang kontrata namang ginamit namin ay ang nakita rin sa cabinet na kontratang pinirmahan ni Alfred na umuutang kay Boss R. 

Ilang oras pa ang nagdaan ng tumayo ang Judge at basahin ang verdict na nasa papel na hawak niya.

“Wherefore, premises considered, the court finds accused, Mr. Kenneth Elijah Devera y Torres, guilty beyond reasonable doubt for violating the Republic Act 9208 or the Anti-Trafficking in person act of 2003, as amended by Republic Act 10364 also known as The Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 and violating the Section 3 of Human Security Act of 2007 or Republic Act 9372 and hereby imposes on him the penalty of reclusion perpetua or up to forty years of imprisonment and a fine of not less than one million but not more that two million pesos. Upon promulgation of this judgment, the warden of the Bureau of Jail Management and Penology Mr. Stell Barrameda is hereby ordered to commit the accused to the National Bilibid Prisons, Muntinlupa City for the service of his sentence. So ordered,” pagbasa ng Judge sa verdict.

Pagkabasa nito ay lumundag sa saya si Tita Krisa bago lumapit kay Apollo. Nanalo kami sa kaso, at makukulong si Kenneth sa salang kidnapping at human trafficking. Ganoon din ang tatay niya at ang iba pang kasangkot sa kasong iyon. 

Naluha na lang ako nang makita si Kenneth na nilapitan ng mga pulis at hinawakan para iescort papunta sa Bilibid. Lumapit ito kay Apollo at umiiyak na tiningnan ito.

Tumayo si Apollo at hinarap siya, binigyan niya ito ng seryoso’t walang emosyon na mukha habang kaharap ang naghihinagpis na si Kenneth.

“I am really sorry, Apollo, I am really sorry,” paulitulit na paghingi nito ng tawad.

Ilang segundo ang nagdaan ay wala pa ring natatanggap na sagot mula kay Apollo si Kenneth, hanggang sa biglang lumapat sa pisngi nito ang isang malutong na sapak mula sa kamay ni Apollo.

“Para yan sa panloloko mo!” sabi niya at nagbigay ng isa pang maluto ng sampal, “Para yan sa pambabababoy niyo!” dagdag pa niya bago sampalin ng sunod-sunod si Kenneth.

Umiiyak na sa mga panahong iyon si Apollo habang sunod-sunod na sinasampal si Kenneth. Agad namang nilayo ng mga pulis si Kenneth, mabuti na rin ‘yon, dahil baka kung ano pang magawa ni Apollo.

Kasunod ng araw na ‘yon ay nakulong na rin ang tatay ni Kenneth, sa patong-patong na mga kaso, habang nakulong din ang anim na kalalakihan, kahit si Kristoffer na nag witness ay nakulong din pero nabawasan ng bahagya ang parusa.

Dapat lang nilang pagbayaran ang mga ginawa nila kay Apollo, they deserve to be in jail! 

Pagkatapos ng ilang oras ay umuwi na rin kami, gaya ng mga nakaraang araw ay tulala pa rin si Apollo, hindi pa rin siya kumikibo. Ang totoo niyan ay doon lang siya sa korte ng salita nang sinampal niya si Kenneth, pero pagkatapos no’n ay bumalik na rin sa dati ang lahat, hindi ulit siya kumikibo at kumakausap.

“Tita, dalhin na po kaya natin ulit si Apollo sa Doctor, nag-aalala na po kasi ako para sa lagay niya,” sabi ko habang nag-aalalang nakatingin kay Apollo.

Nakatingin lang siya sa bintana ng kotse at hindi iniintindi ang nasa paligid. Pinapanood niya lang ang bawat tanawing nadadaanan namin. Naalala ko tuloy 'yong mga panahong bata palang kami, palagi kaming nasa likuran ng bahay nila sa probinsya para maglaro sa dating sakahan sa likuran ng bahay nila. 

Palagi naming nalilibot 'yong sakahan, hindi kami tumitigil hanggang sa hindi pa kami sinusundo ng mga Mama namin na may dalang hanger o kaya sinturon, minsan napapahiga na lang kami sa damuhan kapag sobrang pagod na sa kahahabol sa isa’t isa. Tatawa lang kami niyan at papanoorin ang mga ulap na gumagalaw dahil sa hangin. 

“Siguro nga, Gavin. Maski ako nag-aalala na rin kay Apollo, gabi-gabi na lang siyang umiiyak, sumisigaw, natatakot na rin ako para sa kalagayan ni Apollo,” sabi ni Tita na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Nakarating na rin kami sa bahay tahimik lang na pumunta si Apollo sa kwarto niya na siya namang sinundan ko.

“Apollo, dito ako matutulog sa tabi mo mamaya ah,” sabi ko at ngumiti bago tumingin sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin bago lumapit nang patakbo at niyakap ako. Bigla akong nanlamig sa pagkakayakap niya, ito ang yakap na nagpatulo sa luha ko, it was a dramatic hug for the both of us, maski siya ang naririnig ko ring sumisinghot-singhot halatang lumuluha rin. 

“Thank you for being my shield when I am facing my battle alone,” sabi nito habang humihikbi, niyakap ko siya pabalik at pinatahan.

“You’re not facing your battle alone, Tita and I will always be at your side, we will never leave you behind,” sabi ko bago punasan ang sariling luhang pumatak sa pisngi .

Nakita ko rin kasi sa Facebook timeline ko ang mga posts ng lahat ng nakakita sa video na pinost ng mga rapist na ‘yon. Deleted na from the owner 'yong video pero maraming nakarepost nito at nakadownload kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ang video.

Kahit kitang-kita at halata naman sa video na si Apollo ang agrabyado ay panay pa rin ang komento ng mga tao na kesyo malibog daw si Apollo, na kesyo bata pa ang landi na, na kesyo umiiyak pero ginugusto naman kasi bakla siya, na kesyo gusto rin naman daw kasi ng mga bakla na makakita ng ano ng lalaki, na kesyo ginusto ni Apollo na marape, na kesyo ginusto niyang mabastos, ganito na ba kakikitid ang utak ng mga tao? Ganito na ba kaliliit ang pag-intindi nila, na kahit halatang nanlalaban si Apollo sa video ay mas pinili pa nilang ibash ito?

Alam kong lahat ng mga sinabi nila ay nababasa ni Apollo na siya pang nakapag-ti-trigger sa nararamdaman nitong sakit at depression, alam kong sa bawat post nila ay hindi nila nakikitang may humahagulgol, may hindi makatulog, may
natotrauma, may nadedepress sa mga sinasabi nila, iniisip lang nila ang pansarili nilang perspectives pero hindi nila tinitingnan ang pananaw ng iba. They do judge someone without reading its own Point of View.

“They are bashing me, I am ashamed, ang dumidumi ko na,” sabi ni Apollo na siyang muling nagpaluha sa akin.

“Please, don’t say that, they will value you base on their own perspective, but remember that you’re worth enough, you are worth than the diamonds or golds, you’re worth for me, huwag mo silang intindihin, sila 'yong marumi dahil hindi nila maintindihan ang nararamdaman ng iba,” sabi ko bago siya muling patahanin. 

    
    
    

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon