Now playing: Comets by Ben&Ben
—“Kenneth, I think, I like you… Arghh—!” hindi ko na natapos 'yong mga salitang bibitawan ko nang biglang may magtakip sa bibig ko ng kung anumang bagay. Sinubukan kong kumalas pero masyado itong malakas, sinubukan kong tumakas, pero wala akong ibang magawa kung hindi ang magtanong sa sarili, umiyak, at humagulgol.
Tanong ako nang tanong sa sarili ko, kung bakit ganito? Si Kenneth ba lahat ang may pakana nito? Bakit? Anong nagawa kong mali sakanya?
Ramdam ko ang bawat butil ng luha na tumutulo sa pisngi ko mula sa mga mata ko, 'yong kaninang kilig ay napalitan ng pighati at takot.Sa ilang minutong gano’n lang ang posisiyon namin, napagtanto ko na mali ang matatanda, na hindi totoo ang mga sabi-sabi na matutupad ang ‘yong hiling kung imutawi ito sa bulalakaw. Walang natutupad na hiling sa bulalakaw, ang totoo niyan ay mas napahamak pa ako dahil sa pagbabakasakaling magkakatotoo 'yong hiling ko.
Meteor is just a normal astronomical stone. Nothing more special. Walang bulalakaw na makapagpapatupad ng mga hiling ko… nating mga tao. Only God can do such things. Sobrang desperado lang talaga ako.Bigla na lang dumilim ang paligid, bigla na lang akong nanghina at nawalan ng lakas na magpumiglas. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko, hanggang sa tuluyan nang hindi makaramdam.
Naggising ako sa tawanan ng mga kalalakihan. Takot ang siyang unang sumagi sa isipan ko, ngunit imbis na sumigaw at humingi ako ng tulong ay mas pinili kong hindi magpahalatang gising na, mas pinili kong umakto na wala pa rin akong malay.
Nang makita ko ang sarili ko na nakagapos at napapalibutan ng mga kidnappers, takot ang siyang yumapos sa katawan ko, ang siyang dumaloy sa mga ugat ko. Bawat minutong dumadaan, ay ang walang-kasuguraduhan kung tuluyan pa ba akong mabubuhay.
Hindi ko maipaliwanag ng detalyado ang lugar kung saan naroon ako pero sigurado akong abandonadong gusali ito dahil sa mga butas na pader na naka-palibot sa akin, isang ilaw lang ang umuungaw sa paligid at iyon ay ang ilaw sa gawi ng mga lalaking nag-iinuman at nag-tatawanan, isa rin itong kamang hinihigaan ko sa patunay na abandonadong lugar na ang pinagdalhan nila sa akin. Gulat akong napapikit nang mapansing may papalapit sa gawi ko.“Apollo, I am really sorry for what I have done. I totally don’t like you, and I will never like you. Ginamit lang kita para mabayaran ang utang ng kumpanya ni Dad. They agreed na katawan na lang ang kapalit ng isang milyon. Hindi ko nga alam kung bakit pinili pa nila ang katawan ng bading na gaya mo kahit marami namang sexy-ng babae sa paligid, siguro ay ayaw rin nilang makabuntis. I don’t know where to find a piece of shit like you, but I am glad na uto-uto ka. Akala ko pa naman mahihirapan akong mapagusto ka dahil sabi ng source ko matalino ka raw, but then, gaya ka lang din ng ibang bakla na kilala ko, na pakitaan lang ng poging lalaki ay bibigay na. Salamat sa one million pesos,” it was Kenneth, confessing his real agenda. Dahil sa mga binitawan niyang salita ay biglang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Dahil sa mga binitawan niyang salita ay tila ba nabiyak sa milyon ding piraso ang puso ko.
Paano 'yong mga sinabi niya kaninang hindi siya mabubuhay na wala ako, na hindi niya kayang huminga nang wala ako, na mahal niya ako? Lahat ba ng iyon ay pagsisinungaling lang? Paano 'yong mga surprise niya, ‘yong mga regalo, 'yong panlilibre? Suhol ba 'yon?Nabasag sa milyong piraso ang mundo ko. Iyong sakit na nadarama ko, hindi ko maipaliwanag, para bang mapupunit na ‘yong dibdib ko para makawala lang ‘yong sira-sira ko ng puso. Ayoko na.
So all this time ginagamit niya lang 'yong feelings ko? All this time binebenta na niya pala ako para lang mabayaran ang utang ng kumpanya nila? How could someone I loved so deeply turned against me?
Bakit ako pa? Bakit hindi na lang ang iba? Anong nagawa ko sakanya? Anong kasalanan ang nakasakit sakanyang ginawa ko para gawin niya 'to sa'kin?
Nag-uunahang bumuhos ang luha ko, gustuhin ko mang humagulgol ngunit hindi ko magawa dahil kapalit ng bawat impit kong hagulgol ay ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Stellar Serendipity [Boys' Love]
Fiksi RemajaIn a world where stars hold the secrets of destiny, Apollo and Gavin find themselves drawn together on a magical Christmas night. As they gaze at the shimmering sky, their hearts intertwine, igniting a love that transcends time and challenges. With...