Chapter 13

42 4 0
                                    

“Gavin, gising na si Apollo,” pagtawag ni Tita Krisa dahilan upang pumasok ako sa kwartong pinasukan kay Apollo.

Nakita ko ang mukha niyang talagang hindi inawaan, puno ito ng pasa, sugat, at namamaga ang mata. Habang tinitingnan ko siya ay kusang kumakawala ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit sa pakiramdam, 'yong tipong hinihiling ko na sana ako na lang 'yong nasa lagay niya, at least sana hindi siya nasasaktan ngayon.

Nakatulala lang ito sa kisame, walang emosyon ang mukha, tila ba maraming bumabagabag sa isipan.

“Anak, kilala mo ba kung sino 'yong mga gumawa sa iyonito?” tanong ni Tita habang hawak ang kamay ni Apollo, ngunit wala siyang narinig na kahit anong sagot mula rito, nanatiling tahimik ang paligid, tanging impit na hikbi lang ni Tita ang rinig sa silid ni Apollo. Maging ako ay naluluha na rin, sobrang nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang nagkakaganito.

Nakipag-coordinate na ako sa NBI at may isang nahuli ang gusto raw magsalita tungkol sa nangyari para mabawasan ang mga kasalanan niya. Dahil sa natanggap na information ay dali-dali akong pumunta sa police station para marinig mula sa bibig ng suspect kung sino ang puno’t dulo ng kasamaan nila.

“S-Si Boss Kenneth po, siya 'yong nakipagtransaksyon sa amin na para daw mabayaran na nila ang utang ng kumpanya nila ay babayaran namin sila kapalit ng parausan at bading ang pinili namin para iwas buntis, kung gusto niyo ng ebidensya, naroon sa bahay malapit sa abandonadong lote 'yong kontratang pinirmahan ng tatay ni Boss Kenneth. Doon niyo masasabing nagsasabi ako ng totoo,” sagot ng suspect dahilan upang kumunot ang noo ko.

“Binenta?!” gulat na tanong ko bago tumayo sa upuan, dali-dali akong naglakad papunta sa sasakyan para puntahan ang bahay na tinutukoy ng suspect, kasama ko ang mga police papunta rito para mag-imbistiga. 

Nakita namin ang bahay sa likuran ng abandonadong lote na pinagdalhan nila kay Apollo, agad naming pinasok iyon at nag-umpisang maghanap ng ebidensiyang magagamit sa pamilya ni Kenneth. Hindi ko matanggap na pinagpalit niya si Apollo sa isang milyon para ipambayad sa laos nilang kumpanya.

Di ko rin maisip na sa isang iglap ay magkakaganito ang buhay ni Apollo, mahal ko siya at nasasaktan ako kapag nakikita siyang nasasaktan. I knew it! Simula palang no’ng una hindi na maganda ang kutob ko sa lalaking ‘yon, para siyang spoiled brat na kayang makuha lahat ng gustuhin niya para sa pera o dahil sa pera.

Narating namin ang isang kwarto at binungkal ang cabinet sa ilalim ng kama, may lock pa ito kaya napilitang sirain na lang ito ng mga pulis. Kita ko ang ilang mga papeles na nakasilid sa loob ng cabinet pagkasira nila rito.

Nasa unahan ang isang kontrata na nang basahin ng mga pulis ay nakumpirmang pinirmahan nga ito ng nagngangalang Mr. Alfred Divino Torres— Owner, and CEO of Torres Incorporated. Nabasa rin ng mga pulis na nakapaloob dito ang utang na mahigit isang milyon dahil sa bankruptcy ng kumpanya. Nakita rin ng mga pulis ang isang USB na agad naman nilang kinuha dahil baka magamit pa bilang ebidensya.

Kinuha narin nila ang mga papel ng makitang lahat ng ito ay kontrata sa ilegal na mga transaksyon ng pera hindi lamang sa loob ng bansa kung hindi pati na rin sa ibang bansa, nakakita rin sila ng bultobultong pera na nasa ilalim ng bed mattress at ilang pack ng hinihinalaang shabu.

Lahat ng ito ay dinala ng mga pulisya sa opisina para gamitin bilang ebidensya, dahil na rin sa iba pang mga nakuha nila ay mas nagkapatong-patong ang mga kaso sa anim na lalaking kinilalang sina Rico, Luis, Miguel, Antonio, Florentine, at Crispin.

Patuloy lang sa paghalughog ang mga pulisya hanggang sa ma-clear na nila ang lugar. Agad din kaming umalis at dinala ang mga nakuhang ebidensya, Lahat ng ito ay pinakita nila sa anim na suspect at tinanong kung sino pa ang kasamahan nila rito.

“Wala, wala kaming alam,” tanging sagot ng isang nagngangalang Luis, pero hindi agad naniwala ang mga pulis, patuloy sila sa pag iimbestiga sa anim ng lalaki hanggang sa mapaamin nila ito na kakuntsaba nila sa mga transaksyon ang drug lord na tinatawag nilang Boss R, nagturo sila ng iba’t ibang lugar na sabi’y doon daw makikita ang Boss R na kanilang sinasabi pero tila ba nililito lang nila ang mga pulis. Lahat ng sinabi nila ay hindi nagtutugma sa isa’t isa tanging ang pangalang Boss R lamang ang nasabi nila ng parepareho.

Nagpatuloy sa pagiimbestiga ang kustudiya, hanggang sa lumabas ang katotohanan.

Si Boss R na kanilang sinasabi ay ang isa sa pinakamalaking personalidad sa bansa na may hawak sa mga transaksyon sa bansa at maging sa ibang bansa. Marami rin daw silang grupo na ikinalat sa iba’t ibang parte ng bansa para hindi matibog ang kanilang samahan.

Natukoy rin ng mga pulis na nangutang si Mr. Torres kay Boss R ng mahigit sa isang milyon para sa pagpapaganda ng kumpanya at makalipas ang ilang taon ay hindi pa rin ito nababayaran, napagusapan nila Luis at ang lima pa niyang kasamahan na katawan na lamang ang pambayad sa kanila para pagkasayahan at ibenta ito sa ibang bansa bilang gawing pampasigla o pamparaos.

In short, ginamit ni Kenneth si Apollo para ibigay sa grupo nila Luis habang sina Luis naman ay ibebenta si Apollo sa ibang bansa at ang perang makukuha nila ay ang magiging kabayaran sa utang ng ama ni Kenneth sa drug lord na si Boss R. Komplikado ang pangyayari pero malinaw na si Kenneth at ang tatay niya ay isa sa mga dapat managot kasabay ng grupo ni Luis at ng boss nila na si Boss R.

Naki-coordinate na rin ang mga pulis sa iba’t ibang opisina ng PNP sa buong bansa para matimbog ang grupong nagkalat sa buong bansa na hinahawakan ni Boss R kuno.

Hindi ko matanggap ang bawat pangyayaring ito, 'yong mga pinagsasabi ng mga suspect ay nagbibigay ng dahilan para manggilid ang luha sa mga mata ko.
Nanlulumo ako kapag naririnig ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Apollo, halos gusto kong pumatay kapag naririnig ko ang paghingi nila ng tawad.

Sa labing-siyam na taong pagsasama namin ni Apollo ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari sa totoong buhay ang dati ay napapanood lang namin sa pelikula.

“Pasensya na talaga mga, Sir. Hindi na po mauulit,” nakaluhod na paghingi ng tawad ni Miguel — isa sa anim na suspect na nambaboy kay Apollo.

“Sana bago niyo binaboy at ginawang tuta ang kaibigan ko ay naisip niyo na ‘yan! Mabubulok kayo sa kulungan, mamamatay kayo sa kulungan tandaan niyo yan!” pasigaw at galit na sabi ko sa kanila habang dinuro-duro sila isa-isa.

Nakahawak naman ngayon sa isa kong braso ang pulis at pinipigilan akong gawin ang mga bagay na pwedeng ikamatay ng lalaking ito.
Kung pwede lang pumatay ng tao ay nagawa ko na sa sobrang galit ko sa mga lalaking ‘to, parang lalabas ang tila ba tigre kong pagkatao na ayaw kong ilabas kapag nariyan si Apollo. Mabait ako sa taong mabait pero tigre ako sa taong nambababoy sa kaibigan ko.

Kung pwedeng ibalik ang Death Penalty ay itutulak ko para lang isampa sa anim na ‘to. Nandidilim ang paningin ko sa tuwing nakikita sila, sa tuwing naririnig sila, sa tuwing nararamdaman ko ang presensya nila. Gusto ko silang itapon sa impyerno at nang magreunion na sila ni Satanas doon.

“Sir, patawarin nyo po kami, sinabi naman na po namin 'yong ibang ebidensya,” paghingi pa rin ng tawad ng isa sa anim na nambaboy kay Apollo pero hinila lang siya ng pulis para dalhin na sa kulungan.

Nakipag-usap na rin ako na arestuhin ang magtatay na Torres bago pa man sila makatunog at makatakas. Kilalang kumpanya rin kasi ang Torres incorporated at marami silang koneksyon sa bansa kaya imposibleng hindi pa sila nakatutunog na nakulong na ang anim na binayaran nila ng utang.
Sikat ang pangalang Alfred Divino Torres dahil sa angking yaman nito, siya rin ang naging awardee ng isang organization internationally dahil sa mabilis nitong pagpapalago ng kanyang kumpanya, pero sa likod ng angking yaman nito ay ang madilim at maitim nitong mga sikreto.

Umalingawngaw rin ang balitang bumibili rin ng mga babae si Alfred para maging pampasigla at pamparaos din nito, lumapit din kasi sa amin ang ilang mga kababaihang nagpakilalang biktima ng pagbibili ni Torres sa kanila at ilang beses na inalipin at ginahasa. Natakot daw silang magsumbong dahil pinagbantaan sila nitong ipopost ang video ng panggagahasa nito at ipapahiya ang buong pamilya ng bawat babaeng magsususumbong, pero ngayon dahil sa kaso ni Apollo, ay naglakas loob silang ibulgar ang baho ng mga Torres upang maging patong-patong ang kaso nito. Mahigit sampung babae ang lumabas sa kanilang mga lungga, para ibulgar ang sikreto ng mga Torres. Lahat ng sampung iyon ay nagsampa ng kaso.

Stellar Serendipity [Boys' Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon