-1

734 14 0
                                    


***

"What happened to her?"

"Bakit siya pinatawag?"

"Bakit siya umiyak?"

"Hindi ko alam"

"Wala akong idea"

Ilan lamang iyan sa ingay na maririnig mo sa loob nag silid aralan nila Levi, lahat ay nagtataka kung bakit ipinatawag si Agatha ng kanilang propesor.

Matapos bumalik kanina ni Agatha na mugto ang mga mata at bigyan siya ng masamang tingin ay kinuha lang nito ang bag at lumabas ulit ng silid, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

Hanggang ngayon ay palatandaan parin kay Levi kung bakit ganun na lamang ang trato ng kaklase sa kanya. Wala siya ka ide-idea kung bakit ito ganito sa kanya.

Si Agatha ay kilala sa kanilang unibersidad dahil sa pagiging maganda nito, mayaman subalit kinulang lang sa talino. Pinsan din nito ang leader ng isang grupo or gang na kilala din sa unibersidad, si Lloyd.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ng pumasok ng silid ang isa pang ka klase ni Levi, si Melvin, nag tatrabaho din ito sa Dean's office. Malaki ang katawan nito, matangkad din, brusko pero ang lambot, naka eye lashes extension pa ito!. Kulang nalang ay wig at mapagkakamalan na itong drag queen.

"People!!!" tawag nito sa atensyon ng iba pa niyang kaklase. Sabay palakpak "I have a chika, mainit-init pa!" eksaheradang sabi nito habang pina paypayan ang sarili. Namamawis din ito.

Sa una ay wala siyang paki sa chika nito not until ng marinig niya ang pangalan ni Agatha na main topic ng chismis. Pasimpleng lumapit si Levi at nakinig sa susunod na sasabihin pa ng chismosang kaklase.

"So yun na nga! while nag aayos ako kanina ng mga dukomento sa opisina, I heard professor Ponce and Agatha talking!" panimula nito. Mas lumapit pa ang ibang kaklase niya para mas marinig ang susunod na chika. Kahit si Levi ay mas lumapit din. "Aaand!!! nahuli ni Ponce si Agatha na nag checheat!" dugtong pa nito, nanlalaki ang mata.

"What?" "ano?" yan ang halos reaksyon ng mga kaklase niya. Kahit si Levi ay nagulat din.

Oo, maypagka mahina nga ang ulo ni Agatha pero hindi ito ang uri ng tao na mag checheat makapasa lang.

"And theres more! may nag sumbong daw kay Ponce about dito. Kaklase din natin. and that's the thing na inaalam ko pa ngayon. Sooner or later malalaman ko din kung sino siya, and gosh! baka kung malaman to ng pinsan ni Agatha hindi lang bugbog ang aabutin ng sumbongera na yun!." pag papatuloy pa ni Melvin.

"Kawawa naman si Agatha" ani ng isa niyang kaklase.

Dumaan ang ilang minuto at dumating na ang kanilang propesor sa susunod nilang klase. Pero hindi parin mawala ang bulungan tungkol sa nangyari kanina.

Hindi makapag concentrate si Levi, na'kay Agatha parin ang isip niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Biglang na alala ang sinabi ni Melvin.

"And theres more! may nag sumbong daw kay Ponce about dito"

Lumakas bigla ang kabog nag dibdib niya at unti-unting nag sink in sa kaniya kung bakit ganoon na lamang ang tingin ni Agatha sa kaniya kaniya.

"No, hindi ako. Wala akong sinabe. Hindi ako ang nag sumbong" aniya sa kanyang isip. "I need to find her, kailangan ko siyang maka usap."

...

Matapos ang klase niya ay agad siyang lumabas upang hanapin si Agatha. Ngunit agad din siyang natigilan nang maalalang di niya alam kung nasaan ito ngayon. Hindi niya ito gaanong kilala, at di niya alam kung saan ito tumambay.

Bigla niyang na alala na friend niya pala ito sa facebook kaya naman agad niyang kinuha ang cellphone upang echat ito. Hindi ito online subalit nichat niya parin. Kailangan niya itong maka usap nang sa ganun ay makapag paliwanag siya at malinis ang kanyang pangalan.

Huling taon na niya sa kolehiyo at ayaw niyang magulo ang tahimik niyang pag aaral. Lalo na't ma empluwensiya at kilalang tao ang pamilya si Agatha, mga uri ng tao na ayaw makahalubilo ni Levi.

Pumunta siya nang parking lot sa pagbabaka sakaling nandito pa ang sasakyan nito ngunit bigo siya. pumunta din siya ng cafeteria at library ngunit wala talaga. Hapon na at malapit nang dumilim ang paligid.

Patapos na halos lahat ng klase at iilan nalang ang mga estudyante na makikita sa loob ng campus. Nalibot na ni Levi ang halos buong university ngunit hindi niya talaga ito nakita.

Pagod na umupo siya sa isang upuan malapit sa gymnasium ng unibersidad habang pinupunasan ang pawis ang sarili gamit ang panyong dala niya. Inilagay din niya sa mesa na kaharap lang niya ang kanyang gamit.

Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago uminom sa bottled water na dala-dala. Habang umiinom ay inililibot din niya ang paningin sa paligid, nagbabaka sakaling makita pa niya si Agatha.

Pero wala talaga. Hindi niya ito nakita miski anino nito. Gusto niyang grumaduate nang walang gulo, maayos at may malinis na record.

Sa halos apat na taon na pag aaral ay pinilit niyang mag aral at huwag makipag halubilo kung kani kanino, lalo na sa mga kagaya ni Agatha. May mga kaibigan din naman siya pero iilan lang din. Hindi siya loner or introvert mas gusto niya lang talaga nang tahimik na uri ng pag aaral.

Kaya mas lalong lumalim ang kagustuhan niyang kausapin si Agatha tungkol sa isyong ito, mas maaga mas mabuti nang sa ganoon ay mapanatili niya ang simple at tahimik na buhay habang nag aaral.

Nawalan na siya ng pag asa na makita ang taong hinahanap niya ngayon, kaya naman napag desisyonan niyang bukas nalang ito kausapin. Naisipan din niyang pumasok ng mas maaga bukas. Hindi talaga siya mapakali hanggang hindi niya ito nareresolba.

Nakasalalay ang katahimikan ng pag aaral niya dito.

Uminom siyang muli sa tubig na dala niya nang bigla na lamang may lumabas na mga kalalakihan sa gymnasium. Halos lumuwa ang mata niya at bigla na lamang naibuga ang tubig na iniinom ng makita ang pinsan ni Agatha, si Lloyd.

Basa pa nang pawis ang buhok nito, may hawak na bola sa isang kamay habang nakikipag usap sa isa pang lalaki na kasama. Kakatapos lang mag basketball. Matangkad ito, mga nasa 5'10 or 5'11 ang tangkad, maputi halatang anak mayaman at kahit na sa malayo ay makikita mo talaga kung gaano ito ka gwapo.

Halos lahat ng estudyante ay takot kay Lloyd, sino ba naman ang hindi eh napaka basagulero nito. Walang pinipili mapa babae man o lalaki. Walang sinasanto. Palibhasa anak ng gobernador eh.

Bigla na lamang lumingon ang lalaki sa pwesto ni Levi. Sa sobrang takot ay bigla na lamang niyang kinuha ang bag sa taas ng mesa at tumakbo nang pagkabilis-bilis. Animo'y hinahabol ng pitong demonyo.

Bigla siya natakot sa posibilidad na nag sumbong na si Agatha sa pinsan at siya na naman ang sunod na targetin nito.

"No, my peaceful life. Lord help me!!!" aniya sa isip habang mabilis na tumatakbo papunta sa paradahan ng mga tricycle. Walang lingon-lingon.

Pagdating at pagsakay sa tricycle ay namumula ang maputing pisnge niya. Malakas din ang tahip ng kanyang dibdib.

"Manong, block 50 po, special!" aniya sa driver. Kahit na naguguluhan ay nag umpisa nang mag maniho ang mama.



...to be continued.


LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon