-2

498 17 0
                                    


***

Mag aala-syete palang ng umaga pero nasa campus na si Levi, inaabangan niyang dumating si Agatha. Medyo nag tatago din siya baka makita siya ni Lloyd. Mahirap na.

Panay ang tingin niya sa labas ng bintana. Unti-unti nang napupuno ang classroom nila. Alas-otso ang umpisa ng klase nila pero hindi parin dumadating si Agatha.

"Nasa'n na ba ang babaeng 'yun?" bulong niya sa sarili.

Nag umpisa na ang pang umagang klase nila, hangang sa natapos ito ay hindi parin dumadating ang hinihintay niya. Laman parin ng usapan sa loob ng classroom nila ang nangyari kay Agatha kahapon. At hanggang ngayon ay wala parin silang idea kung sino ang nag sumbong dito.

"Lev, tara na sa labas tayo kakain" yaya sa kanya ng kaibigang si Edda.

Lunch break na, ngunit wala parin si Agatha. Baka nga hindi talaga ito papasok.

Tumayo na siya at sabay sila ng kaibigang lumabas ng silid.

Panay kwento ang kasama niya ngunit wala dito ang kanyang atensyon. Pasimpleng nilibot niya ang paningin sa buong campus. Chini-check kung nandyan pa si Lloyd.

"Tapos ayon nga, nasaktan talaga ako para kay Lucy. Naiyak talaga ako" panay kwento parin ang kasama tungkol sa movie na pinanuod nito. Hunger Games. "Nainis talaga ako kay-huy san ka pupunta!?" naputol ang kwento nito ng bigla na lamang kasi nag tago sa may pader si Levi. Paano ba naman, nakita niya si Lloyd sa di kalayuan.

"Ed, d-dito nalang pala ako kakain." aniya. Ang mata ay nasa kay Lloyd parin.

"Ha? huy bakit?" naguguluhang tanong ng kaibigan sa kanya.

Nagtataka ito kung bakit ganun nalang ang eni akto ng kaibigan. Inilibot din niya ang kanyang paningin.

"May kaaway ka ba? May tinataguan?"

"Ha? W-wala naman. Bigla kong naalala na busog pala ako. Sige balik na ko sa taas. bye!" bigla na lamang siyang tumakbo pabalik sa taas kung nasaan ang classroom nila.

"Huy lebaaay!!!" tawag pa sa kanya ng kaibigan pero hindi na siya lumingon pa. Deritso lang itong umakyat pataas ng building.

Ito na nga ba ang pinaka ayaw niya, yung napapraning siya, dahil hindi talaga siya maka concentrate sa kanyang ginagawa.

Gutom na siya, pero dahil sa ayaw niyang makita siya ni Lloyd sa takot na baka may masama itong gagawin sa kanya ay titiisin na lamang niya ang gutom. Mabuti na lamang at may biscuit siya sa kanyang bag, isang sky flakes ito na lamang ang kakainin niya.

Naisipan niyang dumeritso nalang sa rooftop. Doon nalang niya naisip na tumambay. Total ay lunch break naman siguradong walang tao doon.

Habang nag lalakad sa hagdan mag isa ay bigla na lamang may umakbay sa sa kaniya. Agad na naamoy ni Levi ang mabangong pabango ng taong umakbay sa kaniya. Matangkad ito, matankad din naman si Levi, nasa 5'9 ang tangkad niya ngunit higit na mas matangkad ang kasama niya ngayon.

Gusto niyang pumiglas pero agad din siyang natigilan ng marinig niya ang boses nito.

Agad na nagtayuan ang kanyang balahibo sa katawan dahil sa sobrang takot. Dahan-dahan niyang ini angat ang paningin. And there he is, smiling, grinning at him like a lunatic.

"It's nice to meet you, Levi Mercado" gustong tumakbo ni Levi, pumalahaw ng iyak at mag lumpasay sa sobrang takot ngunit di niya magawa. Ang dati na niyang maputi na balat ay mas lalong namutla dahil sa takot. Hindi niya alam ang sasabihin at hindi niya din mahanap ang kanyang lakas. literal na nanghihina siya.

"Heading to the rooftop?. Nice, I'm planning to stay there to." naka ngiti parin na wika nito. Nag umpisa na silang mag lakad. Di pa man sila umabot sa rooftop ay nagsalita na si Levi.

"W-what do you want from m-me?" hindi makatingin na tanong niya. Napatigil na rin siya sa pag lalakad.

"hmn?" nag isip pa kunwari ang kasama at muli na naman itong ngumiti. "Nothing" dugtong pa nito.

"Then leave me alone!" hindi na napigilan pa ni Levi ang sarili. Hindi niya din alam kung saan galing ang tapang niya ng sabihin niya iyon.

"Chill, masyado ka namang hot eh. May gusto lang akong malaman."

"And what is that?" di makatingin na tanong niya.

Bigla naging seryuso si Lloyd. Tiningnan nang deritso si Levi sa mata, seryuso at gustong manakit.

"First of all, I dont want to see any member of my family being aggravated by other, And just yesterday I saw Agatha crying, and someone told me its because of you. care to explain mister?" seryuso at madiin na wika nito. Ang kaninang kamay na naka akbay kay Levi ay ngayon nakahawak na sa balikat ng isa, mahigpit na nakahawak at ano mang oras ay pwede niyang durugin.

Napangiwi si Levi dahil sa sakit na dulot nito, ito na nga ang kinakatakutan niya. Ang makarating ang isyong ito kay Lloyd.

"N-no, hindi a-ako yun. Kahit kailan ay di ko magagawa ang mga bagay na yun" pinilit niyang maka sagot, ang isang kamay ay pilit na kinakalas ang kamay ni Lloyd.

Levi is wishing na sana ay may dumaan at makita sila, pero hindi talaga nakikisama sa kanya ang panahon ngayon.

"You better be sure mister" Inilapit ni Lloyd ang mukha sa nahintatakutang si Levi, amoy na nang huli ang hinanga niya "because the moment na malaman ko kung nag sisinungaling ka, I wont hesitate to punch that small face of yours until it's bleeding and broken!." Napapikit nalang si Levi dahil sa sinabi ng isa at dahil na rin sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

Sobrang lakas ng kabog nang dibdib niya. At hindi niya namalayan na napapakagat na pala siya sa kanyang labi.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Lloyd, He saw it, kung paano kagatin ni Levi ang mapula nitong labi. Bigla na lamang natigilan si Lloyd, hindi maalis ang paningin sa labi ng isa. He fwlr this sudden urge na tikman iyon, lick it, bite it and explore kung ano man ang sa loob nang mapulang labi ng kasama.

Hindi niya mapigilan ang mapa ngit-ngit. Agad niyang binawi ang paningin bago pa man siya makagawa ng bagay na sigurado siyang pagsisisihan niya.

"We're not done yet softy!, I have my ways to know the truth." tanging nasabi na lamang niya at biglang umalis sa harapan ni Levi. Na iwan naman ang isa na nakapikit parin habang kagat-kagat ang pang ibabang labi.

Dahan-dahang binuksan ni Levi ang mga mata, nang makitang wala na si Lloyd ay bigla na lamang siyang napa upo. Nang hihina ang mga tuhod at ang lakas parin nang tibok ng puso niya.

Gusto niyang umiyak pero di niya magawa, napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib.

"Bakit ako? wala naman akong ginawa ah!" aniya at bigla na lamang niyakap ang mga tuhod.



...to be continued.

LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon