-19

206 8 1
                                    


***

Pasado alas-sinko na nang madaling araw umuwi si Lloyd. Gusto pa sana nitong manatili at matulog kasama si Levi ngunit pinapa uwi na siya ng isa. Ayaw kasi ni Levi na maabutan ito ng mga magulang niya at baka mag isip ang mga ito ng kung ano-ano.

Nang maka-uwi ito ay saka pa lamang nakatulog si Levi at mag aalas-katro na ng hapon nang ito ay magising dahil na rin sa isang masamang panaginip.

Tahimik ang kabahayan, marahil ay nasa talyer pa ang mga magulang ni Levi sa mga oras na ito. Nanghihina man ang mga tuhod ay pinilit niyang tumayo at pumunta ng c.r upang makapag hilamos. Puno ng pawis ang makinis niyang mukha, ang dati nang maputing kutis ay mas lalo pang kumikinang dahil narin sa pawis at sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kanyang banyo.

Muling sumagi ang masamang panaginip sa isipan niya. Ang nanunuyang mukha ni Agatha, at ang may bitbit na baseball bat at nakangising si Lloyd. Those images are haunting him making his legs weaker even more.

Isang masamang panaginip lamang iyon pero para bang may nais itong iparating kay Levi, at kahit na anong pilit niyang kalimutan at huwag itong isipin ay hindi niya magawa.

Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang maka usap si Agatha pero sa tuwing naiisip niya si Lloyd ay agad din itong nawawala. In some reason, Levi using the situation as an excuse para mas lalo pang mapalapit kay Lloyd, para mas makilala pa ang lalaki and he fear na baka pag nakausap na niya si Agatha at maayos ang issue nilang dalawa ay baka mawalan na rin ng rason si Lloyd to stick around with him and he's not ready for that, not yet. Nag uumpisa palang sila at gusto pa niyang makasama nng matagal ang lalaki.

Hindi man aminin ni Levi but he's somewhat thankful about this issue. Maybe for others na hindi alam ang buong isturya ay magmumukha siyang bida-bida, sip-sip at epal, there's a part also in him na nagi guilty sa kinahinatnan ng kaklase niya kahit wala naman siyang ginawang masama.

The reason why na he is thankful kasi because of it ay nakilala niya si Lloyd, napalapit siya dito and they are doing the 'thing' na kahit kailan ay hindi niya na isip na magagawa nila and he's happy with it. And this is the reason why kung bakit siya nagi guilty, dahil naging masaya siya sa isang bagay na bunga lamang ng isang pagkakamali. Bagay na dapat noon pa man ay inareglo at nilinaw na niya sa kaklase.

Maraming pagkakataon na ang pinalagpas niya. Kung tutuusin ay dapat last week pa niya naka usap si Agatha, pwede niyang tanungin si Lloyd kung naasaan ito o kaya ay magpahatid siya kung nasaan ang pinsan nitong babae nang sa ganun ay maayos na nila ang isyung ito ngunit hindi niya iyon ginawa, mas pinili pa niyang mag landi kaysa ayusin ang gulong kinasasangkutan.

Madaming bagay ang pumapasok sa isipan niya sa mga oras na iyon at isa na roon ang napana ginipan niya kagabe, mas lalo pa iyong lumala dahil narin sa sobrang tahimik na kapaligiran.

Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ka agad ng kanyang silid. Ang tahimik ng paligid ay hindi nakakatulong sa kung ano man ang nadarama niya ngayon, bagkus ay mas pinapalala pa nito ang pagka praning niya. 

Pinili niyang pumunta nalang din ng talyer, sa ganoong bagay ay makakatulong pa siya sa negosyo ng nakakatanda niyang kapatid.

Palabas na siya ng bahay nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Notification iyon galing sa Facebook, letting him know that Agatha accepted already his friend request. 

Matagal siyang nakatitig sa screen ng telepono. Hindi alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon dahil sa notification na natangap. Kung baka noon pa nito in-accept ang friend request niya ay baka masiyahan pa siya dahil sa wakas ay moko-contact na niya ito, pero iba na ngayon, ayaw pa niya itong maka usap. Kung pwedeng iwasan ay iiwasan niya ito nang sa ganoon ay masolo pa niya si Lloyd ng mas matagal. Hindi na nga niya maalala kung kailan niya in-add sa Facebook si Agatha. 

Mabilis na ibibalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa ng suot niyang short at deritsong tinungo ang gate ng bahay. Pilit na dinedma ang mensaheng natanggap.

Malapit lang naman ang talyer mula sa bahay nila kaya naman napag pasyahan niyang lakarin na lamang ito. Hapon na ngunit masakit pa rin ang sikat ng araw, mabuti na lamang ay may dala siyang payong.

On his way papuntang talyer ay hindi niya maiwasan na isipin ang ginawa nila ni Lloyd kagabe. Sa simpleng pagkain nila sa labas ay talaga namang napasaya siya nito. Isa iyon sa masasayang pangyayari sa buhay niya na hinding-hindi niya makakalimutan. Hindi niya inaakala na ang pagkain ng takoyaki at ibat-ibang street food ay ganoon pala ka saya at enjoyable, bunos nalang ang sarap ng mga lasa nito. Simpleng mga pagkain pero naging especial dahil sa kasama niyang si Lloyd. And he'll do anything, everything maulit lamang iyon. 

Napangiti  na lamang siya dahil sa kanyang naiisip. Medyo malayo pa siya sa talyer ngunit kita na niya kung gaano ka busy at karami ang mga tao doon. Hindi niya nakikita ang mga magulang, marahil ay nasa loob ang mga ito. Maraming nakahelerang sasakyan na sa hula niya ay mga sira pa at ipinapaayos.

Paroon-parito ang mga tauhan ng kuya niya na halatang sobrang busy dahil sa dami ng sasakyan na aayusin. Agad na nawala ang mga ngiti sa labi niya ng makita kung sino ang tao na sa kasalukuyan ay kausap ng kuya niya, agad siyang nag taka kung ano ang ginagawa niya dito?.

Kinabahan siya, mukhang hindi talaga nakikisama ang panahon sa kanya dahil sa bigla na lamang tumingin sa kinaruruunan niya si Agatha. Agad niyang itinago ang sarili sa dala niyang payong at nagtago sa poste malapit sa kinatatayuan niya. Nanginginig at namamawis ang palad niya dahil sa sobrang kaba. Kaba na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Bigla ay na guilty siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa.

Matagal siyang nanatili sa tinataguan niya at lumabas lang ng hindi na makita ang taong iniiwasan niya. Hes contemplating kung tutuloy pa ba sa talyer o kung uuwi nalang. He's afraid na baka bigla na lamang sumulpot si Agatha roon and he is not ready pa to talk and face her. Not now.

He's wondering kung ano ba ang ginagawa ni Agatha doon at kung ano ang pinag uusapan nila ng nakakatanda niyang kapatid. He need to know, kaya kahit na nag dadalawang isip ay tumuloy pa rin siya sa talyer.


to be continued...

Hello everyone, sorry sa sobrang tagaaaaaaaaal na update😩. Sobrang busy ko this past few weeks dahil na rin sa trabaho but I promise na mag uupdate parin ako everytime na magkakaroon ako ng time. Thank you and happy 5K+ reads peps. Lablots!.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon