-9

285 9 0
                                    


***

Talaga nga namang pinaglalaruan si Lloyd ng panahon. Kung saan malapit na sila sa bahay ni Levi ay saka namang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagulat pa ito ng makita ang ina ni Levi sa labas at naghihintay sa anak. Ang plano sana niya matapos ihatid si Levi ay aalis na, pero dahil inimbitahan siya ng ginang na pumasok muna ay pina unlakan niya ito. Ayaw niyang maging bastos sa paningin ng ginang.

Sa hindi malamang kadahilanan ay natuwa siya ng maisip na makakapasok siya sa bahay ni Levi at makilala ang magulang nito. Gusto niyang magpa impress at the same time gusto niyang kakitaan siya nang mga ito ng maganda.

Pasekretong inilibot niya ang kanyang tingin sa sala ng tuluyan na silang maka pasok. Simple lang ang bahay, maaliwalas at tama lang ang laki ng sala. Ito yung tipo ng bahay na hindi man ganun kamahal ang mga gamit na makikita sa loob ay excited ka paring uuwi. Napaka 'homey' ng ambiance ng paligid at napakaraming mga picture frame na kung hindi man nakapatong sa mesa ay naka sabit naman sa ding-ding.

Mas lalo pang na excite si Lloyd ng malaman nitong makakapasok siya sa kwarto ni Levi. Maliligo siya roon at manghihiram ng damit nito. Pinigil niya ang sarili na mapangiti. Hindi niya alam pero ang saya-saya niya.

Umakyat na sila sa ikalawang palapag at tumigil sa harapan ng kulay brown na pinto. Maingat itong binuksan ni Levi bago siya inaya na pumasok. Malinis ang lugar, kagaya ng sa sala ay maaliwalas din ang kwarto nito, wala kang basura na makikita. Kahit na ang pagkaka tupi ng kumot nito na nakapatong sa kama ay napaka ayos din. Walang ka gusot-gusot.

Nauna siyang naligo, medyo nahirapan pa siyang gumalaw dahil sa may kaliitan ang banyo ni Levi. Magkasama na sa isang lugar ang kubeta at ang shower area. Kahit ang banyo ay napaka linis din. Maayos na naka salansan ang mga gamit pang ligo.

Matapos maligo ay isinuot nito ang damit na binigay ni Levi. Isang itim na t-shirt, boxer brief na halatang bago dahil may nakasabit pang tag at isang pajama. Tamang-tama lamang sa kaniya ang t-shirt at may kasikipan naman ang brief at pajama.

Hindi niya napigilan na amoyin ang sarili. Pakiramdam niya ay napakabango niya. Ang amoy niya at amoy ni Levi ay parehas na sa mga oras na iyon, nakaka adik at nakakapanindig balahibo.

Hindi niya napigilan na tigasan habang inaamoy ang sarili. May kung anong dulot sa kanya ang amoy ni Levi, para bang pinupukaw nito ang mga bagay na natutulog sa loob-loob ni Lloyd.

Bago pa may magawa siyang hindi maganda ay lumabas na siya ng banyo at doon niya naabutan si Levi. Basa parin ang buhok at katawan nito. Ang basang uniform ay nakadikit sa maputi nitong balat. Hindi nakaligtas sa bastos niyang mata ang nipple ni Levi na nakabakat sa basa nitong uniform. At ng tumalikod at pumasok na ito ng banyo ay dumapo naman ang mata niya sa ma umbok na pang upo nito na hindi kinayang itago ng suot nitong pantalon.

Habang naliligo si Levi at hinihintay ito ay naiisipan niyang mag tingin-tingin na lang sa mga frame na naka display sa kwarto nito. Isa sa mga litratong naka agaw ng pansin niya ay ang picture ni Levi na naka patong sa side table nito. Kuha ang picture noong high school pa lamang siya, naka suot ng uniform habang naka pout at naka harap sa camera. Parang napipilitan ito na kuhaan siya ng litrato. Napaka cute niyang tingan, ang sarap ilagay sa bulsa kasama ang mga coins at alug-alugin.

Hindi matanggal ni Lloyd ang paningin sa naka nguso nitong labi. Kahit na may katagalan at kalumaan na ang litrato ay kita mo parin kung gaano kaganda ang hugis ng labi nito, nakaka-akit.

Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang init na nadarama niya. Habang tumatagal ay mas lalo pa itong lumalala, mas nadadagdagan ito sa tuwing nasasamyo niya ang amoy ni Levi sa katawan niya at sa damit na suot.

Mula sa kanyang pwesto ay rinig niya ang pagragasa ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo. Agad pumasok sa isipan niya ang hubad na larawan ni Levi, habang naliligo at nililinisan ang sarili.

Bigla ay nakaramdam siya ng inggit sa tubig na dumadaloy sa katawan nito at sabon na gamit. Mabuti pa ang mga ito ay malayang nakapaglalakbay at humaplos sa katawan ni Levi. Pumasok bigla sa isip niya kung gaano ka bango ang balat ni Levi, kung gaano ito ka lambot at kakinis.

"Fuck!" hindi niya napigilan ang mapa mura. Nananakit ang gitnang bahagi ng katawan niya. Para na itong sinasakal dahil narin sa sikip ng suot niyang brief at pangbaba. Gusto nang kumawala.

Ang isipin lamang ang labi ni Levi at ang amoy ng balat nito ay binabaliw siya. Pilit tinatakpan ang isipan niya para hindi makapag isip ng tama. Sa sobrang pag iisip ay hindi niya namalayan na tapos na palang maligo si Levi.

Tuluyan siyang hindi nakapag isip ng makita si Levi. Basa pa ang buhok at naka suot ng puting oversize t-shirt. Litaw ang maputi nitong balat sa hita lalo na at naka short short lang ito.

Ang mga labi nito ay mamasa-masa pa. Nang e-enganyo, nang aakit, at dahil dito ay di na nakapag pigil pa si Lloyd. Sa mga oras na 'yon ay wala nang iba pang laman ang utak niya kundi ang mahalikan si Levi.

"Lev, can I kiss you?"

Hindi agad naka sagot ang isa. Para itong na estatwa dahil sa tanong niya. Inilang hakbang lamang ni Lloyd ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hindi na hinintay na maka sagot pa si Levi at agad nang sinakop ang labi nito gamit ang labi niya.

Hindi agad nakagalaw si Levi and Lloyd took the opportunity para mas pailalimin pa ang halik nito. Napasinghap si Levi at para bang nalulunod siya sa uri ng halik nito, nauubusan siya ng hangin. He open his mouth para maka hinga sana na mas nagpasaya pa kay Lloyd. Ipinasok niya ang dila sa loob ni Levi he roam around na para bang may hinahanap sa loob nito.

Nang makabawi ay pilit na itinulak ni Levi si Lloyd pero hindi man lang natinag ang lalaki. Hinawakan siya nito sa batok at lalo pa nitong pinalalim ang pag halik. Napa ungol siya, para siyang nalalasing hanggang sa hindi niya namalayan na naka pikit na pala siya at pilit na nilalabanan ang mapupusok at mainit na pag halik ni Lloyd.

Langit. Iyan ang nararamdaman ni Lloyd ngayon. Para siyang nasa alapaap ng marinig ang mumunting ungol ni Levi. Mas lalo pa siyang nag init at ginanahan ng maramdaman na hinahalikan siya pabalik ni Levi. Ang mga kamay nito ay mahigpit na naka hawak sa damit ni Lloyd.

Ang mga halik niya ay unti-unting bumaba. Mula sa labi, sa panga hanggang sa tenga. Wala siyang pinapalampas, lahat ng madaanan ay dinidilaan niya, nilalasahan. Tuluyan ng nawala sa sarili si Lloyd ng malasahan si Levi, ang isang kamay ay nasa pang upo habang ang isa naman ay naka alalay.

Nagulat sila pareho ng may kumatok. Agad siyang itinulak palayo ni Levi, nanlalaki ang mata at namumula ang mukha. Mula sa labas ay narinig nila ang boses ng ina ni Levi. Minamadali na sila para sabay na makakain.

Hindi niya napigilan na matuwa sa reaksyon ni Levi. Para itong bata na nahuli ng magulang na may ginagawang masama. Natatawa itong sumunod kay Levi palabas ng silid. Ang ngiti ay hindi na mawala pa sa mga labi.

Sa mga oras na iyon ay pinasalamatan niya ang masamang panahon. Nang dahil dito ay nadiligan ang nauuhaw niyang pantasya kay Levi. Kahit na papaano ay may magandang idudulot din pala ito.

to be continued...









LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon