-10

296 13 0
                                    


***

Matiwasay na natapos ang gabe. Hindi rin naman nag tagal si Lloyd doon. Matapos nilang maghapunan kasama ang mga magulang ni Levi at makipag kwentuhan dito ay umuwi din siya kaagad. Pinilit pa siyang doon nalang matulog dahil gabing-gabe na at basa pa ang daan pero tinanggihan niya ito.

Ang totoo ay gusto niyang doon nalang matulog, pero dahil nag aalala siya na baka may magawa siya kay Levi ay pinili na lang niya na umuwi na lamang. Tama na muna sa ngayon ang halik na pinagsaluhan nila kani-kanina lang.

Agad na nag kulong si Levi sa kwarto niya ng maka alis na si Lloyd. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na hinalikan niya pabalik ang lalaki. Hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang mga labi nito, ang halik sa kanyang pangga at tenga.

Kanina ay hindi siya maka usap ng maayos ng mga magulang niya. Masyado siyang balisa, ni ang tumingin kay Lloyd ay 'di niya magawa.

Paano nga ba humantong sa ganito ang sitwasyon?. Ang gusto niyang mangyayari ay maka usap ang pinsan nito kaya niya pinuntahan at inantay si Lloyd, hindi 'yong ganito.

Nanghihinang napahiga siya sa kanyang kama. Iniisip parin ang nangyari kanina. Habang iniisip kung paano siya hinalikan ni Lloyd ay namumula ang kanyang mukha.

Hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ito. Hinawakan niya ang parte ng mukha kung saan siya hinalikan ni Lloyd, kung saan niya naramdaman ang ekspertong dila nito na kung dilaan siya ay para bang isa siyang napakasarap na ice cream.

Ang plano pa naman niya kanina ay dapat bukas maka usap na niya si Agatha pero parang kailangan niya munang e postpone iyon dahil sa nangyari. Naisip niyang kailangan niya munang e-distansiya ang sarili sa lalaki at baka tuluyan siyang mahulog rito.

Kinaumagahan pagpasok niya ay mga parinig agad ni Melvin ang sumalubong sa kaniya. Kesyo pabida daw siya, epal at pa inosente. Hindi naman ito pinansin ni Levi dahil alam niya na pag pinatulan niya ito ay mas lalo pang lalaki ang isyong 'to. Isa pa alam naman niya na pag pinatulan niya si Melvin ay siya lang din ang matatalo, he doesn't know how to defend himself at sa dulo ay iiyak lang siya, baka masabihan pa siya nitong pabebe.

Hindi nga niya alam kung bakit ganoon nalang kagalit sa kanya ang kaklse. Natigil lang ito sa pagpaparinig ng dumating na ang kaibigang si Edda.

"May dala akong suman, lumpia at pancit. Kainin natin mamaya" anito nang maka upo na sila. Kaya pala ang laki ng dalang bag nito dahil may mga pagkain sa loob. "Ikaw na bahala sa pantulak mamaya ha".

Hindi niya napigilan na matawa. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa sinabe ng kaibigan. Sa apat na taon niya sa kolehiyo ay tanging si Edda lamang ang naging kaibigan niya. Tanging ito lamang ang nag lakas loob na lumapit at makipag kaibigan sa kaniya. He's friendly din naman pero hindi niya alam kung bakit mabibilang lang sa daliri ng kamay mo ang naging kaibigan niya simula noong kindergarten siya hanggang college.

Nang matapos na ang pang umaga nilang klase ay inutusan siya ng kaibigang bumili ng maiinom sa labas ng campus. May itinitinda rin namang inumin ang cafeteria pero hindi ito gusto ng kaibigan, maliban kasi sa may kamahalan ang presyo ay kunti pa ang serving. Masyadong bitin ito para sa kaibigan.

Mag isa siyang naglalakad, tanghaling tapat na at masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya naman binibilisan niya ang bawat hakbang nang bigla na lamang may humila sa isa niyang kamay papasok sa isang bakanteng silid. Sa sobrang pagka gulat ay hindi agad siya nakapag react, kahit na ang pag sigaw ay hindi niya nagawa.

Nang tuluyang makapasok ay agad na isinarado ng taong humila kay Levi ang pintuan at agad siyang isinandal dito. Nagpumiglas siya at akmang sisigaw ng maamoy niya ang pabango ng taong humila sa kanya.

Gamit ang liwanag na nagmumula sa labas ay agad niyang nakilala ang taong may pakana ng lahat ng ito. Naka ngisi itong naka harap sa kanya, at kahit na may kadiliman ang silid ay kita niya kung gaano ito kagwapo.

"L-Lloyd, what are you-" agad na naputol ang sasabihin sana niya ng bigla na lamang siyang halikan nito. Pinilit niyang maka wala sa lalaki ngunit hinawakan lamang nito ang dalawa niyang kamay gamit lamang ang isang kamay nito at dinala sa taas ng ulo niya.

Patuloy siyang hinalikan nito, pilit na pinapasok ang dila sa loob niya at sinisipsip ang pang ibaba niyang labi. Napa singhap siya ng maramdaman ang kamay ng lalaki sa likod niya, hinihimas pataas pababa. Nagdala ito ng kakaibang init at kiliti sa buo niyang katawan.

"L-Lloyd" ungol niya sa pangalan ng lalaki. Bago sa kanya ang ganoong pakiramdam kaya naman hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon.

"Shhh... someone might hear us if you moan like that" wika ng lalaki habang magka dikit parin ang mga labi nila.

Muli niyang pinagdikit ang mga labi nila. Kinakabahan man na baka may makakita at makarinig sa kanila ay gusto niya paring marinig na umungol si Levi. Para itong napakagandang musika sa tenga niya.

Nang gigigil na hinalikan niya itong muli. Sa dami ng babaeng nahalikan niya ay tanging kay Levi lamang siya nabaliw ng ganito. Kakaiba at kaysarap nitong halikan kahit na hindi ito marunong humalik. The taste of Levi's lips is like heaven, hindi niya kayang e explain. Hindi niya rin maiwasan na sipsipin at kagatin ang ibabang labi nito.

Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang si Lloyd na mismo ang pumutol sa halikan nila. Alam niyang may gagawin pa si Levi at ayaw din naman niyang sayangin ang oras para sa lunch break nito kaya tutol man ay pinilit niya parin ang sarili na tumigil na... muna.

"See you around" nakangising wika niya. Tinapik-tapik ng dalawang beses ang pang upo ni Levi bago siya lumabas ng silid. Naiwan namang naka nganga sa loob si Levi.

'so cute'

Hinihingal at habol ang hiningang tinanaw ni Levi si Lloyd na lumabas ng silid. Sobrang bilis ng pangyayari na kahit siya ay di na matandaan ang naging reaksyon niya.

'yun na 'yon? matapos niya akong halikan 'see you around lang sasabihin niya'. aniya sa sarili.

Ilang minuto pang nanatili doon si Levi hanggang sa maalala nitong inutusan pala siyang bumili ng inumin sa labas. Agad siyang kumilos,  siguradong patay siya sa kaibigan pag balik niya.

to be continued...

sorry medyo sabaw, hehe.

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!.




LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon