-18

236 14 2
                                    


***

Gabi na at anong oras na rin ng nakaramdam ng gutom si Levi. Hindi siya nakapag hapunan dahil nawili siya kakapanuod ng k-drama kaya naman nag a alburuto na ang kanyang tiyan dahil sa gutom. He crave something korean food kaya naman napili niyang lumabas nalang muna para maka bili ng gusto niyang kainin.

Sa may labasan hindi kalayuan sa bahay nila ay may isang korean store na nag titinda ng mga authentic korean food. Doon niya napiling bumili kahit na medyo may kamahalan ang presyo ng mga tinitinda nilang pagkain doon.

Bitbit ang paper bag na naglalaman ng mga pinamili niya ay masaya siyang lumabas ng store, hindi ganoon karami ang tao marahil ay dahil sa anong oras na rin.

Mag isa niyang tinatahak ang daan pauwi ng maramdaman niyang tila ba ay may sumusunod sa kaniya. Agad siyang sinalakay ng kaba, hindi ganun kaliwanag sa dinadaanan niya at wala na ring tao na dumadaan doon maliban sa kaniya.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa dalang paper bag at mas binilisan pa ang paglalakad. He heard it, ang mga yabag ng taong sumusunod sa kaniya at alam niyang hindi ito nag iisa. He's about to run ng bigla na lamang may humigit at humawak ng mahigpit sa dalawa niyang kamay. Nang dahil sa pagka bigla at takot ay nabitawan niya ang dalang paper. Kumalat sa kalsada ang mga laman noon.

Nagpumiglas siya para makawala pero sadyang malakas ang dalawang tao na nakahawak sa kaniya. Compare to his size, 'di hamak na mas malaki ang mga ito. He tried to shout for help pero ni isa ay walang nakarinig sa kanya. Tinakpan ng isang lalaki ang bibig niya para pigilan siya sa pag sigaw habang ang isa naman ay naka assist lang dito.

Hindi napigilan ni Levi ang maiyak, nag halo na rin ang luha at laway niya dahil narin marahil sa sobrang takot na nadarama. Kahit anong pagpumiglas niya ay hindi siya makawala. Mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya. Pinilit niyang maka sigaw para sana muling humingi ng tulong sa makakarinig sa kanya ngunit isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa lalaking pilit na tumatakip sa bibig niya gamit ang mabahong palad nito.

Napabaling sa kabila ang ulo ni Levi dahil sa lakas ng pagkakasampal nito, ilang minuto lang ay nalasahan na niya ang sariling dugo na lumalabas mula sa sugat sa kanyang labi.

Ang mala kalawang na lasa ng kanyang dugo ay mas lalong nagpahina sa tuhod ni Levi hanggang sa mapaluhod siya. May kakaibang tunog din na nagmumula sa isa niyang tenga, masakit sa ulo, nakakangilo at nakakabingi.

Pinilit siyang patayuin ng dalawang lalaki at dinala sa madilim na bahagi ng lugar na iyon. Dahil na rin sa matataas na pader at sirang poste ng ilaw ay mas lalong naging nakakatakot ang nasabing lugar.

Binitawan siya ng mga ito ng hindi niya inaasahan. Agad na nawala ang kanyang balanse kaya naman ay natumba siya. Nanginginig man ang mga kamay ay pilit niyang itinayo ang sarili.

Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakaka angat mula sa pagkaka subsob ay may isang pares ng sapatos ang tumigil sa harapan niya. Ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inaasahan. Mabilis na lumapat ang itim na sapatos sa mukha niya rason upang muli siya matumba.

Kung kanina ay ang labi lang niya ang dumudugo ngayon ay pati na rin ang kanyang ilong. Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa pagkaka sipa ng taong may suot ng itim na sapatos.

"You deserve that bitch!" nang hihina man at masakit ang kabilang tenga ay klaro niya paring narinig ang sinabe nito.

Pilit niyang ini angat ang paningin patungo sa mukha ng taong sumipa sa kanya. Agad na sumalubong sa kanya ang maganda ngunit may demonyong ngiti na mukha ni Agatha. Naka ngiti ito habang may hawak na isang baseball bat.

Levi tried to talk and say something to her pero hindi niya nagawa. Sa hindi malaman na kadahilanan ay para bang nanunuyo ang lalamunan niya. Patuloy lang siyang naka tingala rito.

"Red looks good on you huh. What if lagyan ko pa ng maraming blood ang mukha mo? Would you still look beautiful kaya?" Parang baliw na sabi ng babae sa kanya. Para na itong baliw habang nakahawak ang isa niyang kamay sa labi nito sabay tawa.

"N-no p-please Aga-Agatha" Levi already have an idea kung ano ang gagawin ni Agatha sa kanya. At hindi pa man nangyayari ang bagay na iyon ay natatakot na siya. Hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang mabuhay o mabubuhay pa kaya siya pagkatapos ng gagawin nito sa kanya.

"Which part of your head kaya ang masarap hampasin gamit nito?. Sa kaliwa ba or sa kanan, hmn?" Nag akto pa ito na para bang nag iisip habang nilalaro ang baseball bat. "Well that doesn't matter though, any part of your head naman can provide blood so it's okay."

Halos takasan na ng kulay ang balat sa mukha ni Levi ng marinig ang sinabe ng babae. He tried to call the girl name. Gusto niyang mag paliwanag dito, na wala siyang kasalanan, na he's innocent, na nagkakamali lang si Agatha pero para bang wala itong naririnig. Patuloy lang nitong nilalaro ang baseball bat hanggang sa iniangat ito sa ere.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nasusundan pa ni Levi ang lahat. Naramdaman nalang niya ang pag tama ng baseball bat sa kanyang ulo. Pain slowly scattered throughout his body together with his blood. Mas lalong lumakas ang nakakabinging tunog na nililikha ng kanyang tenga.

His vision started to get blurry, ang dugo na nagmumula sa kanyang ulo papunta sa kanyang mata at mukha ay mas nakapag pahirap pa sa kanya. Unti-unti naring nawawala ang lakas niya at alam niyang ano mang oras ay mawawalan na siya ng ulirat. Pero sa kabila ng lahat na nararamdaman niya ay pinilit parin niyang makatayo o kahit maka upo man lang pero hindi niya kaya.

Isang malakas na pag tawa ang narinig niya mula kay Agatha. She enjoyed it. Seeing Levi na naliligo sa sarili nitong dugo ay mas nakakapag paligaya sa kanya. She look like a psychopath, a lunatic. Malayong-malayo ito sa Agatha na halos apat na taon din na naging kaklase niya.

Levi's body starting to numb, nahihilo na rin siya. Ang malakas na pag tama ng baseball bat sa kanyang ulo really made a big impact sa buo niyang katawan. Sa kabila ng lahat ng nadarama niya ay pilit parin niyang ginigising ang sarili hanggang sa hindi na lamang si Agatha ang nakikita niya.

Mula sa likod ng babae ay lumabas ang isang lalaki na sobrang pamilyar sa kanya. Ang tindig at pustora nito ay kailan man hinding-hindi makalimutan ni Levi. Kahit na nasa ganoong sitwasyon si Levi ay hindi parin niya napigilan ang sarili lalo na ang kanyang puso na tumibok para sa lalaki. Katulad ni Agatha, naka ngisi ring nakatingin si Lloyd sa kanya.

Mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ni Levi, both physical and mental. The betrayal that he feel right now is too much for him to handle and he's crying, slowly dying inside.

"Hanggang dito nalang my friend, see you in hell" wika ni Agatha at muling hinataw ng baseball bat si Levi.

---Agad na napabalikwas ng bangon si Levi. Ang kanyang noo ay basa ng pawis, sobrang bilis din ng tibok ng kanyang puso.

Agad niyang nasapo ang noo ng mapagtantong panaginip lang ang lahat. A bad dream that he never wish  na mangyari ulit. Mula sa kanyang side table ay kinuha niya ang tumbler na may lamang tubig at ininom ang lahat ng laman n'un.

Bigla ay naisip niya na baka ang panaginip na iyon ay bunga ng pag iwas niya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan at isinasan-tabi, ang pag uusap at pagkompronta kay Agatha. But he only doing this dahil gusto pa niyang pahabain ang oras na magkasama sila ni Lloyd. Masama ba ang pag hangad ng kukunting oras na makasama pa niya ang lalaki?.

to be continued...



LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon