***Tatlong araw na ang nakalipas mag mula ng halikan siya ni Lloyd sa loob ng bakanteng silid aralan. At mag mula nang araw na iyon ay palagi niyang nakikita si Lloyd na nakatambay malapit sa departamyento nila, minsan ay nasa pathwalk talaga ito nakatambay kasama ang mga barkada.
Ang pathwalk ay kaharap lamang ng classroom nila kaya naman minsan ay hindi siya makapag concentrate sa inaaral. Sino ba naman kasi ang makaka concentrate kung panay hagikhik at pagpapapansin ang ginagawa ng mga kaklase niya. Naiirita tuloy si Levi.
"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Edda sa kanya. Kahit ito ay naiirita na rin sa mga kaklase. "Wala bang klase yan at dito napiling tumambay?"
Buong mag hapon yata ay doon lang nakatambay sina Lloyd na siya namang kinagusto ng mga kaklase ni Levi na animoy mga bulate na winisikan ng asin. Nawalan na tuloy ng gana na mag aral ang isa dahil dito.
Ang speculation ng iba ay naroon si Lloyd para bantayan ang kung sino man ang may kasalanan sa pagkakahuli ni Agatha.
"Parang araw-araw na iyang nakatambay dito ha. Akalain mo, sa layo ng department nila ay dito talaga nilang napili tumambay. Mga papansin ba iyan?" ani Edda na ang paningin ay nasa labas, sa mga lalaking nakatambay doon. "Tingnan mo 'tong si Melvin, kulang nalang ay magkala tanggal ang eye lash extension sa sobrang pa cute oh. Eh di-hamak na man na mas malaki at mas barako katawan niya, baka nga siguro pati burat niya ay mas malaki pa sa mga iyan."
Hindi napigilan na matawa ni Levi dahil sa sinabe ng kaibigan. Napaka taklesa talaga nito kahit kailan at walang preno ang bibig kung makapag salita.
Hanggang mag uwian na ay nandoon padin sina Lloyd. Halos lahat ng mga estudyanteng napaparaan ay napapatingin sa pwesto nila. Sino ba naman kasi ang hindi kung halos lahat sa grupo nila ay gwapo at may magandang katawan. Tindig palang ay palong-palo na.
Pero para kay Levi ay talagang litaw ang gandang lalaki ni Lloyd, kahit noon pa man ay naga gwapuhan na siya sa lalaki pero nitong mga nakaraang araw ay parang mas gumugwapo pa ito sa paningin niya lalo.
Hinintay muna nilang maka labas ang mga kaklase nila bago lumabas ng silid, sa laki ba naman kasi ni Edda ay siguradong mahihirapan itong makipag siksikan.
Habang naghihintay ay pakiramdam ni Levi ay parang may nakatingin sa kanya. Nang inangat niya ang kanyang tingin ay agad na sumalubong sa kanya ang mga titig ni Lloyd. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot kundi dahil sa kakaibang pakiramdam. Parang may kung ano ang nasa loob nang tiyan niya ang nagkakagulo.
Agad siyang nag iwas ng tingin. Ramdam niya ang paggapang ng init mula sa kanyang leeg papuntang tenga at mukha.
"Hoy! ba't ka namumula?" tanong ng kaibigan ng mapansin nito ang pag bago ng kulay nang mukha niya. Sa taglay na kaputian ng balat niya ay siguradong mapapansin ng kung sino man ang pagbabago ng kulay nito.
"A-ang init kasi. Pinatay na ang aircon." pag dadahilan niya na siya namang sinang ayunan ng kaibigan.
Lumabas na sila ng silid. At nang tingnan niya si Lloyd ay wala na ito sa pwesto niya kanina. Nagtataka man kung saan na ito nagpunta ay nagpapasalamat parin si Levi na wala na ito. Kahit papano ay makahihinga siya ng maluwag.
Magkaiba ang deriksyon ng inuuwian nila ni Edda kaya naman solo siyang naglalakad papuntang sakayan ng tricycle. Tahimik siyang naglalakad habang nakahawak sa strap ng suot niyang tote bag ng may isang motor ang tumigil sa harapan niya. Sa sobrang pagka bigla ay muntik na siyang matumba mabuti nalang ay agad niyang nabalanse ang katawan.
Galit at nakakunot ang noo niyang hinarap ang kung sino man ang muntik nang makasagasa sa kanya.
"Are you okay? I'm sorry to startle you" bakas ang pag aalala sa boses ni Lloyd. Akala niya kasi ay napansin na siya ni Levi habang papalapit siya. Iyon pala ay hindi.
Biglang nawala ang galit at inis sa katawan ni Levi nang marinig niya ito. Kahit kasi ang mukha nito ay kakikitaan mo ng pag aalala. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Levi bago tumingin ng deritso sa lalaki.
"I-I'm okay. Don't worry" maikling sagot niya sa lalaki. Agad siyang nag bawi ng tingin dito sabay talikod, akmang aalis na ngunit agad ding huminto ng marinig na magsalita ang lalaki.
"Ihahatid na kita" In short span of time ay napansin niya na para bang nahihiya ang lalaki, pero agad din iyong nawala ng mag iwas ito ng tingin sa kaniya.
Just because of that simple gesture na nakita niya'y bigla na namang bumalik ang kakaibang pakiramdam sa loob-loob niya. It seems that nagkakagulo lahat ng laman-loob niya. Nagwawala at parang nagkakarambula.
"Hindi na, promise okay lang ako" pinilit siyang ngumiti sa harap ng lalaki. Pilit na itinatago ang kung ano mang nangyayari sa systema niya.
"No, I insist. Isa pa ay doon din naman ako dadaan, there's an event kasi na malapit lang sa place mo na need kung um-attend."
Hindi na nagpa pilit pa si Levi. There's something inside of him na nagsasabing umangkas na, na huwag na magpa tumpik-tumpik pa at e grab na ang opportunity to get a hold kay Lloyd, na ito lang ang tanging gamot para mapakalma ang nagwawalang systema niya.
At sa hindi malaman na dahilan ay para ngang kumalma ang mga laman niya nang masamyo ang mabango at preskong amoy ni Lloyd sa helmet na suot-suot niya ngayon.
Tahimik lang ang byahe, parehas na ninanamnam nang bawat isa ang pagkakataon habang magka dikit pa ang mga katawan nila. They dont need to talk para lang hindi maging awkward ang ambiance ng paligid. There presence are enough already just to make them comfortable.
Matapos siyang maihatid ni Lloyd ay agad din itong nag tungo sa event na pupuntahan.
Mag aalas-diyes na ng gabi at nakahiga na si Levi sa kama niya ng mapansin nitong umiilaw ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table niya. Agad niya itong kinuha at tiningnan ang kung sino man ang tumatawag sa kanya.
Nangunot ang noo niya nang makitang si Lloyd ang tumatawag. Nagtataka man ay singot niya parin ang tawag nito.
"H-Hey" anito sa kabilang linya. Hindi agad siya sumagot "tulog ka na ba? sorry to disturb you, it's just that..." sa uri nang pananalita ng lalaki ay halatang lasing ito.
Hinintay niyang matapos ang sasabihin nito pero nakalipas na ang ilang segundo ay tanging pag hinga lang ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Inakala niyang nakatulog na ito dahil sa kalasingan.
"...nasa labas ako... ng... bahay mo"
Agad na napabalikwas siya ng bangon dahil sa narinig. Mabilis na tinungo ang bintana at hinawi ang kurtina nito. And then he saw him, sitting on his motorcycle while waving at him. Para itong batang naghihintay na pagbuksan ng gate.
Wala siyang idea kung ano ang kailangan ng lalaki kung bakit ito naroon, ang tanging nasa isip lang ni Levi during that time ay babain ito, kausapin at titigan ng malapitan.
"Diyan ka lang. Huwag kang aalis bababa ako" aniya. Nakita naman niyang tumango ang lalaki. At mula sa kaka unting liwanag ay nakita niyang napa ngiti ito.
to be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/357253209-288-k861112.jpg)
BINABASA MO ANG
LEVI (BxB)
Romance(SPG)*** this story contains strong language and sexual content. Read at your own risk.***