-6

348 11 0
                                    


***

Mag aala-sais na ng hapon ngunit nasa university parin si Levi, dahil sa malakas na ulan ay hindi agad siya maka uwi. Wala siyang dala na payong at kailangan din niyang mag lakad ng ilang minuto bago makarating sa sakayan ng mga tricycle. At dahil sa ayaw niyang mabasa ng ulan ay mas pinili niyang tumambay na lamang sa gymnasium hanggang sa tumila ito.

1st year college siya during that time, taking BS Business Administration. Gusto niyang mag tayo ng sariling negosyo kaya naman ito ang napili niya.

Kaka unti na lamang ang tao sa campus, halos lahat ay naka uwi na. Dahil sa papadilim na ang paligid ay naisipan nalang niya na suungin ang malakas na ulan.

Papalabas na sana siya ng gymnasium at handa ng suungin ang malakas na ulan ng bigla siyang may narinig.

Halos tumayo lahat ng balahibo niya dahil sa ingay na kanyang narinig. Nag mumula ang ingay sa likod mismo ng gymnasium. Boses ito ng isang lalaki, umiiyak, humihingi ng saklolo  at nag mamaka awa. Ramdam din sa boses nito ang sakit na dinadanas ngayon.

Sandaling natigilan si Levi dahil dito, nag dadalawang isip kung pupuntahan ba ito or lumabas nalang para maka uwi na agad. Sa huli ay napili niyang tingnan ang pinag mumulan ng boses.

Habang papalapit sa likod ng gymnasium ay palakas din ng palakas ang boses na naririnig niya. Hindi ito nag iisa, may mga kasama ito pero hindi katulad nang nauna na umiiyak ay nag tatawanan ang mga ito.

Dahan-dahan ay binuksan niya ang pinto na nakakonekta sa likod ng gymnasium, at hindi pa niya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay halos lumuwa na ang mata niya ng makita ang nangyayari.

Unang dumapo ang paningin niya sa lalaking naka sandal sa pader, umiiyak ito, puno ng sugat ang katawan at naliligo sa sariling dugo. Napapalibutan ito ng tatlo pang lalaki na parehas na nakatalikod sa pwesto niya. Isa sa mga ito ang may hawak na baseball bat na tumutulo pa ng dugo. Ito marahil ang ginamit pang hampas sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

Ilang sandali pa ay may isa pang lalaki ang dumating, si Lloyd. May sinabe dito ang lalaking may hawak ng baseball bat na siya namang tinanguan ni Lloyd. Kinuha nito ang baseball bat sa kasama at lumapit sa lalaking naka handusay na ngayon sa sahig. Halos hindi na ito makilala dahil sa mga sugat at dugo sa mukha ngunit patuloy parin ito sa pag iyak.

Humithit muna si Lloyd sa hawak na sigarilyo at dahan-dahang ibinuga ang usok bago ito tinapon at apakan. Hindi inaasahan ni Levi ang mga sumunod na pangyayari. Itinaas ni Lloyd ang hawak na baseball bat at handa ng ihampas sa kawawang lalaki.

Hindi pa man tumatama sa lalaki ang bat ay agad nang tumakbo si Levi. Sigurado siya na ang susunod na mangyayari ay hindi niya kakayanin. Wala siyang paki alam kung mabasa man siya ng ulan. Sa mga oras na'yon ay ang tumakbo palayo ang tanging na iisip niya.

Takot at parang basang sisiw habang sinusugod ang malakas na ulan.

Simula ng masaksihan ni Levi ang pangyayaring iyon ay talaga namang ginawa niya ang lahat maka iwas lamang sa lalaki. Laking pasalamat din niya na hindi siya nakita o nahuli ng mga ito kung hindi marahil ay pati siya ay bugbug din ang inabot.

Kina umagahan noon, habang kumakain siya mag isa sa cafeteria ay pumasok si Lloyd para bumili ng tubig. Sandaling nag tama ang mga mata nila ngunit agad din siyang umiwas ng tingin. Medyo basa pa ito ng pawis, katatapos lang siguro mag basketball.

Talaga namang gwapo ang lalaki. Hindi mapagkakaila na kahit na ganito ang reputasyon nito ay marami paring babae ang humahabol dito.

Pasimple niyang tiningnan ang lalaki habang nag babayad ito sa counter. Halos lahat ng makasalubong nito ay nginingitian siya o kung hindi naman ay bumabati sa kanya.

Isa sa mga pinagtataka ni Levi ay kung bakit nila ito nagawa sa taong walang kalaban-laban sa kanila at hindi man lang kumalat ang balitang ito. Marahil ay sa kagagawan narin ng pamilya ni Lloyd.

Habang tinitingnan ni Levi si Lloyd ay hindi niya napigilan ang sarili na maalala na naman ang isang pangyayari na naging rason kung bakit niya ito iniiwasan. Unti-unti na namang bumabalik ang mga alaala na pilit niyang kinakalimutan at ang nararamdaman na  pilit na tinatakpan.

"K-kailangan ko ng pumasok. Ikaw din, kailangan mo ng umuwi. Anong oras na rin naman." pilit niyang iniiba ang usapan. Tama na yung narinig niya itong nag sorry dahil sa ginawa.

"Yeah, I'm sorry to bother you again. I promise, after this ay lalayuan na din kita."

Tinanguan niya lang si Lloyd, matapos ilapag ang plastic ng basura ay agad na din siyang pumasok. Bago tuluyang maisara ang gate ay nakita pa niya ang lalaking nakatingin sa kaniya. Nang mahuli niya itong naka tingin sa kanya ay agad din itong nag iwas ng tingin bago inayos ang pagkaka suot ng helmet.

Na e-lock na niya ang gate ngunit hindi niya magawang umalis sa likuran nito. For some reason ay gusto pa niyang makita si Lloyd. Hindi pa umaandar ang motor ng lalaki kaya naman alam niyang nasa pwesto parin niya ito hanggang ngayon.

Hindi niya napigilan ang sarili na mapasandal sa likod ng kanilang gate ng marinig na tumunog na ang motorsiklo ni Lloyd, naghahanda na para sa pag alis. At ilang segundo nga ay umalis na ang isa, papalayo na ang tunog ng motorsiklo nito.

Dahan-dahan siyang sumilip sa siwang ng kalawangin nilang gate at sandali nalang na nakita ang lalaki bago ito tuluyang mawala sa paningin niya.

Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdid. Hindi niya inaasahan na sa loob lamang ng isang linggo ay babalik ang nararamdaman niya para sa lalaki na halos apat na taon niyang itinago at ibinaon na sa limot.

Umpisa pa lang ay alam na niyang wala siya ni-isang katiting na chance sa lalaki at masasaktan lamang siya sa huli. Kaya hindi pa man nangyayari ang bagay na iyon ay kanya na itong iniwasan at pinili na kalimutan na lamang ang nararamdaman para dito.

Inakala niyang nakalimutan na niya ang lalaki pero nagkamali siya, dahil talaga namang hindi nakakalimot ang puso sa mga bagay na pilit na kinakalimutan ng isip.

Sa kabilang banda ay hindi niya napigilan ang sarili na malungkot. Talaga bang lalayaun na siya ng lalaki after ang imbestigasyon nito?

to be continued...


LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon