-14

258 12 1
                                    


***

Freshman noong unang makapasok si Levi sa library ng pinapasukang university. Malaki ang nasabing library, malawak at nakakalula ang dami ng librong naroon. Halos yata lahat ng libro na kakailanganin mo ay nandoon na. Hindi palabasa or mahilig sa libro si Levi pero ang gatambak na libro na naka display sa loob ay talagang nakapag pamangha sa kanya.

Nilibot niya ang kabuoan ng library, tiningnan ang bawat estante ng libro na madaanan. Kakaunti lamang ang tao doon kaya naman malaya siyang nakakapaglibot doon.

Nasa dulong bahagi na siya ng library ng may mahagip ang paningin niya. Isang kulay yellowish at lumang libro ang umagaw ng kanyang atensyon. May kataasan ang estanteng pinaglalagyan nito kaya naman pilit niya itong inaabot sa pamamagitan ng pag lundag.

Naka ilang lundag na siya ngunit hindi niya parin ito nakukuha, mabuti nalang ay agad siyang naka isip nang iba pang paraan. Kinuha niya isa-isa ang mga librong naka display sa may pinaka babang estante at isa-isang nilapag sa sahig ng walang ingay.

Pinagpatong-patong niya ang mga ito hanggang sa taas na gusto niya. Sandali niyang inililibot ang tingin sa loob ng library, naniniguradong walang makakakita sa kanya at baka siya ay mapagalitan. Nang makitang wala masyadong tao sa kinaroroonan niya ay dahan-dahan siyang pumatong sa mga libro upang abutin ang librong gusto niyang kunin at basahin.

Akmang huhugutin at kukunin na sana niya ang libro ng bigla na lamang may isang kamay ang humawak at humugot nito. Sa sobrang gulat ay agad siyang napalingon sa likod niya, at dahil sa naging reaksyon niya ay bigla na lamang umuga ang mga librong inaapakan niya, nawalan siya ng balanse, matutumba siya.

Handa na sana si Levi na matumba at humalik sa sahig. Madiin na ipinikit ang kanyang mga mata at hinintay ang sakit na maramdaman sa oras na tumama ang sarili niya sa matigas na semento, ngunit hindi ganoon ang nangyari, matagal na siyang nakapikit ngunit hindi parin siya natutumba.

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay agad na tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaking minsan pa lamang niya nakita, Si Lloyd Magno. Naka hawak ito ng mahigpit sa baywang niya habang ang isang kamay ay hawak naman ang librong balak niya sanang abutin, naka taas pa ito sa ere.

Agad na kumalas si Levi sa hawak nito. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin man lang. Bigla siyang sinalakay ng kaba kaya naman mas pinili na lamang niyang magbaba ng tingin. Ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib, epekto ito marahil ng takot niyang matumba at mahuli ng librarian o dahil mismo sa lalaking kaharap niya ngayon?.

Mula sa kanyang pwesto ay nakita niyang iniabot sa kanya ng lalaki ang libro. Nanginginig man ay kinuha niya parin ito gamit ang dalawang kamay na hindi manlang nagtataas ng tingin sa lalaki. Gamit ang nanghihinang boses ay nagpasalamat siya rito. Hindi naman sumagot ang lalaki at nananatiling nakatayo lang sa harapan niya. Bago ito tuluyang umalis ay narinig niya itong nag salita.

"Be careful next time" wika nito bago umalis  sa harapan niya.

Naiwan siya roong nakatayo lang, hindi sigurado kung tama ba ang pagkakadinig niya sa sinabe nito. Pinag-iingat siya?. Hindi niya alam pero parang may kung ano ang gumagalaw sa loob niya dahil lamang sa sinabe ng lalaki. It feels weird, para bang may mga paro-paro siya na nagliliparan sa kanyang tiyan.

Dumapo ang kanyang paningin sa kanyang hawak na libro. Mula sa cover nito ay may dalawang tao, isang babae na nakatayo sa terasa, ang isang kamay ay hawak ng isang lalaki na nakatayo sa baba nito.

'Romeo and Juliet' basa niya sa titulo ng libro. Nabasa na ni Levi ang kwentong ito,  ngunit dahil sa nangyari kani-kanina lang ay mas tumudo pa ang kagustuhan niyang basahin ito muli. Umaasa na baka ang lalaking kasama niya kanina ay ang kanyang magiging Romeo.

Mabilis na inangat niya ang kanyang tingin, at mula sa malayo ay natanaw niya ang lalaki, sandali niyang natitigan ang likod nito bago tuluyang lumabas ng library at mawala sa paningin niya.

...

"Ed, nakita mo ba cellphone ko?" tanong niya sa kaibigan ng makapasok na sila sa kanilang classroom.

"Ha? Hindi ah. Hawak mo kanina yun diba?"

"Oo nga. Pero wala talaga sa bag ko" muli niyang hinalungkat ang laman ng bag niya. Isa-isang kinuha palabas lahat ng laman. "Wala talaga eh"

"Sigurado ka bang nailagay mo 'yon sa bag mo?" pati ang kaibigan nito ay tumulong narin sa paghahalungkat sa bag niya "Baka naiwan mo sa library!" anito matapos ma check ang lahat ng laman ng bag niya.

"Baka nga, segi, babalik ako doon" matapos maibalik lahat ng gamit niya sa kanyang bag ay lumabas na siya ng kanilang silid, pinabantayan naman niya ang bag sa kaibigan na naiwan doon. Hindi pa naman dumarating ang kanilang propesor para sa panghuling klase nila kaya naman pwede pa siyang bumalik sa library upang echeck kung naiwan nga ba niya ang cellphone doon.

Lakad takbo ang ginawa niya makarating lang agad sa library, at nang makarating doon ay agad siyang tumungo sa pwesto niya kanina, chenick ang lugar ngunit wala doon ang kanyang cellphone, nasa kasalukuyan nagtitingin-tingin siya sa ilalim ng mga mesa ng may isang lalaki ang lumapit sa kanya.

"Hey, Sayo ba 'to" ani ng lalaki sabay pakita ng isang cellphone.

Agad na napalingon si Levi sa deriksyon nito. Agad siyang nakahinga ng maluwag ng makita ang cellphone na hawak nito. Agad siyang umayos ng tayo at humarap sa lalaki.

Matapos makomperma na sa kanya nga ang nasabing telepono ay agad naman itong ibinibigay sa kanya. Agad siyang nagpasalamat sa lalaki dahil kung hindi dito ay malamang hindi parin niya nakikita ang cellphone niya.

"Btw, ako nga pala si Troy, ikaw?" pagpapakilala sa kanya ng lalaki. Ngayon pa lamang niya natitigan ang mukha ng kaharap niya. Gwapo ito, matangkad at chinito.

Agad niyang inabot ang kamay nito na nakalahad sa harap niya bago nagpakilala.

"I'm Levi, It's nice to meet you Troy, at salamat talaga sa pag sauli nito"

"No problem. Uhm, pwede ko bang hingin number mo?" mukhang nahihiya pa ito ng magtanong para sa numero niya. Agad namang ibinibigay ni Levi ang numero dito. Wala naman sigurong masama kung ibigay niya ang kanyang number diba.

Bago tuluyang lumabas ng library at bumalik sa classroom nila ay muling nagpasalamat si Levi kay Troy na siya namang nginitian ng isa. Hindi pa man siya nakakarating sa kanyang classroom ay nag vibrate ang cellphone niyang. Text ito galing sa isang unknown number.

"It's nice to meet you too Lev." basa niya sa mensahe. Hindi man ito nagpakilala ay alam niya na kung kanino ito galing.

Hindi na siya nag abala pang mag reply, basta na lamang niya inilagay sa kanyang bulsa ang cellphone bago tuluyang pumasok sa kanilang silid. Gusto ng umuwi ni Levi, ang nangyari kanina sa library kasama si Lloyd at ang muntik ng pagkawala ng kanyang cellphone ay talaga namang nakapag paubos ng lakas niya.

to be continued...

Hello mga bebs! Close to 1k reads na tayo. Thank you sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay sa kwento ni Levi. Currently, Levi story is number 1 in boytoboy category. yehey!

ps: 3 days na walang kuryente dito samin. skl. mwah!.

LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon