-4

411 14 1
                                    


***

Mag aala-una na ng madaling araw, pero hindi parin makatulog si Lloyd. Pa ulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang nangyari kanina sa rooftop. Ang malalambot na labi ni Levi ay hindi na mawala sa kanyang isipan.

Bumangon siya sa kanyang kama at kinuha ang sigarilyo na nakapatong sa mesa na nasa gilid lang ng kanyang kama. Sinindihan niya ato bago lumabas patungong veranda.

Agad na sumalubong sa kanya ang malamig at preskong hangin pero hindi nito natanggal ang init na kanyang nararamdaman. Ilang beses na siyang naligo, pero sa tuwing maalala kung gaano kalambot at katamis ang labi ng taong hinalikan niya kanina ay agad na bumabalik ang init sa kanyang katawan na pansamantalang pinatay ng malamig na tubig.

Kilala na niya si Levi simula noong freshman palang sila, palagi niya itong nakikita sa hallway, cafeteria at minsan ay sa library pero ni minsan ay hindi siya lumapit or mag pakilala man lang dito, ngayon ay malaki ang pasalamat niya sa pinsan, kay Agatha dahil kung hindi sa kaniya ay ga- graduate nalang siya ng hindi man lang nakikilala si Levi.

First year nang una niyang makita si Levi. Nasa cafeteria sila, kakatapos lang nila mag basketball at bibili sana siya ng tubig ng makita si Levi sa isang upuan doon, mag isang kumakain.

Ang unang katangiang nakita at napansin niya kay Levi ay ang maputing balat nito, makinis, mamula-mula ang pisngi at para bang pinag kaitan ito nang sikat ng araw. Kung hindi nga lang sa suot nitong uniporme ay mapagkakamalan mo itong babae. Matangos ang ilong, itim na itim ang buhok at mapupula ang manipis na labi.

Sandali siyang natigilan dahil sa kanyang nasilayan. At mag mula ng araw na iyon ay palagi na niya itong hinahanap sa campus. Walang lakas ng loob na mag pakilala. At sa halos apat na taon ay nakuntento na siyang tanawin at tingnan ito sa malayo.

Araw ng lunes ng magkita sila ni Agatha. Mugto ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Tinanong niya ang pinsan kung ano ang nangyari at doon na ito nag kwento sa kanya tungkol sa pagkakahuli sa kanya ng isa nilang propesor na may ginawang hindi tama, nabanggit din nito na bago ito mahuli ay tanging ang kaklaseng si Levi lamang ang lumapit sa kanilang propesor.

Sa una ay nagalit si Lloyd, pinagalitan ang pinsan dahil sa ginawa nito.

Lloyd used this opportunity para mapalapit kay Levi, sa una ay indennial pa siya sa kanyang nararamdaman. He's straight, for fucking out loud. But, it only take one kiss to make him realize ang maling naiisip niya tungkol sa sarili. Maybe- just maybe, he's not straight at all.

Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ni Lloyd ngayon, he want more, not just kiss but more than that.

"Fuck!" tanging bulalas niya ng maramdaman ang pagka gising ng alaga niya.

Agad niyang tinapon sa labas ang hawak na sigarilyo. He'll need to take a shower again for the nth time, a very cold one.

...

Just like Lloyd, hindi rin makatulog si Levi, kanina pa ito balikwas ng balikwas sa kanyang kama. Ang kumot ay nasa sahig na pati ang ilang unan niya.

Hindi maalis sa isip niya ang ginawa ni Lloyd.  Agad na namula ang kanyang pisngi ng maalala kung papano siya halikan ni Lloyd, kung paano nito kagatin ang kanyang labi at kung paano gumalaw ang ekspertong dila nito papasok sa kanya. Hindi niya mapigilan na kagatin ang pang ibabang labi niya. Until now ay ramdam parin niya ang halik nito.

Bakit nga ba umiyak siya kanina?

Maybe dahil sa sobrang takot? Pagod?

Agad niyang nasapok ang sarili dahil sa kahihiyan.

Sumasakit na ang ulo niya hindi lamang dahil sa hindi siya makatulog kundi pati narin ng dahil sa halik. Feeling niya ay mababaliw siya, ni ang pag uwi kanina at kung ano ito oras nakarating ay d na niya maalala.

"aaaaaaahhhhhhh!!! gusto ko ng matulog!" sigaw niya habang naka subsub ang mukha sa kanyang unan.

Si Lloyd ay iilan lamang sa mga taong pinaka iniiwasan niya mag mula pa noong freshman pa lamang siya pati na rin ang pinsan nitong si Agatha.

Mga ma empluwensyang tao, brat, at mga feeling entitled dahil sa nakaka lamang ito sa buhay. Mga ganitong uri ng tao ang talaga namang lapitin ng gulo na siya namang ayaw ni Levi.

Kuntento na siya sa uri ng pamumuhay niya, iyong kaunti lang ang nakakakilala sa kanya sa campus at halos parang hangin na lamang siya dahil sa hindi mo maramdaman ang presensiya nito. Kuntento na din siya na iilan lang ang kaibigan niya, mas mabuti na iyon kaysa naman sa ang dami mong kaibigan tapos nag paplastikan lang din naman.

Muli niyang in-on ang kanyang lampshade, bumaba ng kama at isa-isang pinulot ang mga unan at kumot. Inayos muna niya ang kama bago lumabas ng kwarto.

Bumaba siya papuntang kusina upang mag timpla ng gatas.  Habang nag titimpla ay napatitig siya sa orasan na nakasabit di kalayuan sa kanyang kinaroroonan.

01:44 na nang madaling araw. Apat na oras nalang bago tumunog ang alarm clock niya ngunit hindi siya sigurado kung makakatulog pa ba siya.

Tahimik ang buong paligid. Lahat ng tao sa bahay ay tulog at namamahinga na maliban sa kanya. Kinuha niya ang mug na may lamang gatas at dinala ito sa taas sa kanyang kwarto.

Muling umupo siya sa kanyang kama habang humihihop sa gatas na tinimpla. Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Lloyd.

Kamusta kaya ito ngayon? Nakatulog ba ito nang maayos? iniisip din ba nito ang nangyari kanina? Apektado din ba ito sa ginawang pang hahalik sa kanya? Malamang ay hindi, hindi katulad niya na halos mabaliw na sa kakaisip dito.

Putang inang Agatha kasi to eh, mambibintang na nga lang mali-mali pa. Sarap sabunutan ng bruha!

Sa mga oras na yun ay hinihiling niya na sana mamaya ay pumasok na si Agatha ng sa ganoon ay maka usap na niya ito. Kailangan na niya itong maayos habang hindi pa gaanong kumakalat ang balitang ibinibintang sa kaniya. Kailangan na niyang malinis ang pangalan niya, nang sa ganun ay tantanan na din siya ng problemang kinakaharap niya ngayon.

Ang tanong, Maayos nga ba talaga ang problema niya kung sakaling maka usap niya si Agatha, or mas maka dagdag pa ito sa mga isipin niya, lalo na ang kay Lloyd?.

Mabilis na inubos niya ang tinimplang gatas. Inilagay sa side table ang baso at nahiga na. Pinipilit ang sarili na makatulog kahit ilang oras lang.

...to be continued.









LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon