***Tahimik ang buong klase, lahat ay busy sa pag sagot sa mga test paper nila at tanging lagatok lang ng mga ballpen at ang ingay na gawa ng kamay ng orasan ang maririnig sa buong classroom.
Sa kalagitnaan nang examination ay napa kunot ng noo si Levi dahil sa hindi niya ma intindihan ang mga choices sa isang number sa kanyang test paper. Burado ito, tila naubusan ng ink ang printer habang pini-print ito. At dahil dito, ay mas minabuti niyang mag tanong sa kanilang propesor.
Nang maliwanagan ay agad siyang bumalik sa kanyang upuan upang ipag patuloy ang kanyang exam. Ilang minuto lang mula nang bumalik siya sa kanyang silya ay agad niyang narinig ang boses ng kanilang propesor. Halos lahat ay napa tigil sa kanilang ginagawa. Galit ito at tinawag ang pangalan ng babae niyang kaklase.
"Miss Magno, to the dean office, now!"
Halos lahat ay napatingin sa babaeng tinawag ng kanilang propesor, di alam kung ano ang rason kung bakit nagalit ang kanilang propesor sa kaniya.
Lumabas ng classroom ang kanilang propesor kasunod ang babaeng tinawag nitong Magno. Nakayuko ito at halos maiyak na. Naiwan naman silang naka nganga at hindi alam kung ano ang rason sa pagpapatawag dito.
Lumipas ang dalawang oras ng bumalik ng silid sa Agatha, maga ang mga mata nito, halatang kakatapos lang sa pag iyak.
Nang magtama ang mga mata nila ay agad na nangilabot si Levi dahil sa masakit na tingin ang ibinigay nito sa kanya.
Bakit ito galit sa kanya? What did he do? hindi niya alam...
*** LEVI
This is a work of fiction, names, characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of author imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or any events are purely coincidental. Thank you.
BINABASA MO ANG
LEVI (BxB)
Romance(SPG)*** this story contains strong language and sexual content. Read at your own risk.***