-5

390 15 0
                                    


***

Late na ng pumasok kinaumagahan si Lloyd. Hindi siya naka tulog o naka idlip man lamang. Everytime he close his eyes ay mukha agad ni Levi ang nakikita niya. Those beautiful and teary eyes, pointed nose and trembling rosy lips of Levi is haunting him.

Sinadya niya ring dumaan sa department nina Levi kahit na mapapalayo siya sa kanyang room ay wala siyang pakialam, ang gusto niya lang sa mga oras na iyon ay makita ang taong naging rason kung bakit hindi siya nakatulog, sinadya pa niya na tumigil talaga sa tapat ng classroom ni Levi para hanapin ito pero hindi niya nakita.

Agad nangunot ang kilay niya. Uminit ang ulo sa kadahilanang hindi niya ito nakita. Naroon naman ang kaibigan niyang babae, iyong mataba at palagi niyang kasama pero wala talaga siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinext si Levi.

"wre r you?" pagka tapos ay agad na ni-sent.

Bago tuluyang umalis ay inayos niya muna ang suot na salamin, pantakip sa nanununtok niyang eyebags.

...

Mag tatanghalian na pero hindi parin dumarating si Levi. Panay din ang tingin niya sa cellphone ngunit hindi rin ito nag reply sa text niya.

Tuluyan na siyang nawalan ng gana na makinig sa klase. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa labas.

He's wandering kung ano ba ang ginagawa ni Levi ngayon, kung kamusta ba ito at kung bakit hindi ito pumasok.

Hindi niya napigilang isipin na marahil ay iniiwasan na siya nito. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa niyang pag halik dito. Maliban sa wala silang relasyon ay parehas pa sila ng kasarian.

Natapos ang buong klase na wala man lang siyang natutunan. Bago umuwi ay na isip niyang mag basketball na lang muna, pangpa pagod para agad siyang maka tulog. It's one way na rin also to divert his attention.

Mag aalas-syete na ng gabi ng matapos sila sa kanilang laro. Sandali siyang nag pahinga sa locker room nila bago maligo para maka uwi na.

Habang minamaneho ang kanyang Ducati superleggera V4 motorcycle ay agad niyang napansin ang daan na tinatahak niya. Hindi ito ang daan pauwi kundi daan patungo sa bahay nina Levi. Sa sobrang pag iisip ay hindi na niya napansin kung saan man siya dinadala ng kanyag utak, basta na lamang kumikilos ang kanyang katawan.

Nasa Block 49 na siya at ilang sandali na lamang ay mararating na niya ang block kung nasaan ang bahay ni Levi. At ilang minuto nga ay tumigil na siya sa harap ng dilaw na gate, sa likod ay ang bahay na may dalawang palapag.

Hindi ganun kalaki hindi rin ganun kaliit, sakto lang. At kahit na nasa labas ka ay kita mo ang mga tanim na orchids na namumulaklak na kahit na gabi ay makikita mo pa rin dahil sa ilaw na naka lagay malapit sa pinag tataniman nito.

Hinubad niya ang suot na helmet at pansamantalang tinitigan ang bahay sa harap niya. Second year college siya ng malaman kung nasaan ang bahay ni Levi. Sa di kalayuan ay makikita mo ang isang talyer na naging rason kung bakit niya nalaman ang tahanan nito.

Araw ng sabado ng masiraan ang paborito niyang sasakyan, kahit na luma na ay ito parin ang paborito niyang gamitin sa kadahilanang ito ang unang sasakyan na binigay sa kaniya ng kanyang namayapang ina.

Malapit lamang siya sa lugar kaya naman naisipan niyang dito nalang ipa ayos. Habang hinihintay na matapos ang pag aayos nito ay aksidenting nakita niya si Levi, galing ito sa kung saan. May dala itong plastic na hindi niya alam kung ano ang laman.

Naka suot ito ng isang itim na oversized t-shirt na sa sobrang laki sa kaniya ay di mo na makita kung may suot ba itong short. Kumikinang ang balat nito na nasisinagan ng pang hapon na sikat ng araw. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Lloyd ang makinis at maputing hita ng isa na sa mga oras na iyon ay medyo namumula dahil sa init.

Nahihirapan itong buksan ang gate nila rason kung bakit ito natagalan. Hanggang sa mabuksan na nito ang gate ay agad na itong pumasok, hindi manlang tumingin sa pwesto niya.

Hindi iyon ang huling beses na makita niya si Levi sa kanilang tahanan. Minsan niya na din itong nakitang namimitas ng mga bulaklak, naka tambay sa kanilang balkonahe habang nag seselpon at minsan naman ay umiinom ng kape.

Sa hindi malaman na dahilan ay talaga namang nabubuo ang araw niya sa tuwing nakikita ito.

Agad na bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig ang pagbukas ng gate. Agad siyang nag panicc, hindi alam ang gagawin. Paaandarin na sana ang motor ngunit huli na, nakita na siya ng taong nag bukas ng gate.

Halos mabitawan ni Levi ang hawak nito na malaking plastic ng mga basura ng makita si Lloyd, naka upo sa isang itim at mamahaling motor habang nakatingin sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" di makapaniwalang tanong niya. Ala-syete na at ilang minuto na lamang ay mag aalas-otso na ng gabi.

Tumikhim muna ang isa at umayos ng upo sa motor bago sumagot.

"I'm just checking you, hindi ka kasi pumasok." deritsang sagot ng isa.

"At bakit mo naman ako e che-check?"

"You're still under investigation mister. Baka nakalimutan mo"

Gustong matawa ni Levi sa sagot nito?

Seryuso? Dadalawin mo ko sa ganitong oras ng gabi just because  hindi ako pumasok and I'm still under investigation?

"Look! Kung sa tingin mo ay tinataguan kita dahil lang sa hindi ako pumasok kanina ay nagkakamali ka, at hindi kita tataguan dahil wala akong kasalanan. Sabihin mo yan sa pinsan mo" Litanya niya na tinanguan naman ng isa at agad na iniiwas sa kanya ang tingin.

"I... I would like also to apologize to you on what I did just... yesterday." Hindi makatingin sa kanya na saad ni Lloyd. Sobrang hina din nang boses nito na kung hindi siya naka tuon dito ay malamang hindi niya ito maririnig.

He's apologizing on what? Sa kiss?. Hindi niya alam kung saan ba ito humihingi nang tawad.

"You're apologizing?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Imagine, isang Lloyd Magno ang sa ngayon ay humihingi ng tawad sa kanya.

"Yes, I didn't mean to scare you, you're not listening to me that time and you're crying already. I don't know what to do to stop you from crying and the only solution that came to my mind is to kiss you. Hindi ko dapat ginawa 'yun." hindi makapaniwala si Levi sa kanyang narinig. Totoo ngang humihingi ito ng tawad sa kanya.

"I know that I already bothered you enough so I promise na after ko malaman kung sino ba talaga ang may gawa nun sa pinsan ko ay titigilan na kita. Yes, it's Agatha's fault kung bakit nangyari 'to, gusto ko lang din malaman ang rason kung bakit niya ginawa iyon sa pinsan ko. It already affected Agatha and nahihiya na itong lumabas ng bahay nila nor pumasok sa skwela." Paliwanag ni Lloyd.

Hindi agad na nakasagot si Levi ng marinig nito ang rason kung bakit ito ginagawa ng isa. Di niya rin napigilan ang sarili na mamangha sa lalaki dahil sa pagmamalasakit na ipinapakita nito sa pinsan.

Sa halos apat na taon na pagkakakilala niya dito ay tanging ang pagiging matigas ang ulo, may pagka basagulero at pagiging mayabang lang ang nakita niya. And this side of Lloyd is new to him. Hindi niya inaasahan na may ganitong side din pala ang lalaki.

to be continued...

Happy 100 reads everyone!

Please do vote and comment din pag may time. thank you.






LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon