-7

326 10 0
                                    


***

Masaya at magaan ang pakiramdam ni Levi ng magising siya kinaumagahan. Ang hindi inaasahan na pag uusap kagabi ay nakatulong sa kanya upang kahit papano ay makahinga nang maluwag. Kahit na under investigation pa siya ay nakasisigurado naman siyang hindi siya sasaktan ni Lloyd.

Bago lumabas ng kwarto ay sinugurado niya munang wala na siyang nakalimutan. Sa loob ng isang linggo ay parang ngayon pa lamang siya papasok na excited. 'Yung wala siyang iniisip na kung ano-ano at hindi napa-praning. Hanggang ngayon ay hindi parin nag re-reply si Agatha sa chat niya kaya wala parin siyang idea kung papasok na ba ito ngayon.

Habang pababa ng hagdan ay hindi niya napigilan ang sarili na sumabay sa kantang tumutunog sa kanyang cellphone. Sino ba naman ang hindi mapapakanta sa awitin ni Taylor Swift na 'Cruel Summer'.

Nang makapasok na ng kusina ay tanging ang ina na lamang ang naabutan niya. Nilalagyan nito ng orange juice ang basong nasa harap ng bakanteng upuan.

"Mukhang maganda gising natin ha" naka ngiti na bati nito sa kanya.

"Hi ma, good morning" bati niya, lumapit siya sa ina at humalik sa pisngi nito. "Si papa po?" tanong niya ng mapansing wala ang ama sa upuan nito.

"Naka alis na. Nag mamadali nga at marami daw siyang gagawin sa opisina nila. Ma upo ka na at baka ma late ka pa."

Umupo na at nag umpisang kumain si Levi, umupo na rin ang ina sa harapan niya at nag umpisa na ring kumain ng almusal.

Nag tatrabaho ang ama niya sa isang construction company habang ang ina naman ay isang pre-school teacher. Dalawa lang silang magkapatid, parehas na lalaki at siya ang bunso. Ang kuya niya ay nag mamay-ari ng talyer sa di kalayuan at may sarili na rin itong pamilya.

Nang maubos na ang kanyang almusal ay nagpa alam na si Levi sa ina. Lumabas na ito at sandaling naghintay ng masasakyan at ng may tricycle na dumaan ay agad niya itong pinara.

Napakaganda ng panahon ngayon, maaliwalas at mahangin. Mga ganitong panahon ang masarap mag picnic o kaya ay maligo sa ilog. Hindi niya napigilan na mapangiti, mukhang nakikisama ang panahon ngayon sa kanyang nararamdaman.

Pagka dating sa university na pinapasukan ay dumeritso na muna siya sa library upang ibalik ang libro na hiniram niya noong isang araw. Habang nag lalakad ay nakita niya si Lloyd sa di kalayuan. Malapit lang kasi ang library sa department nito.

Hindi niya napigilan ang sarili na titigan ito. Ang dating kaba at takot na nararamdaman noon sa tuwing nasisilayan ang lakaki ay napalitan ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na una na niyang naramdaman ng una niya itong makita.

Pagkatapos na maibalik ang libro ay dumeritso na rin siya sa kanyang silid. At sa hindi inaasahan, ang magandang gising niya ay bigla nalang nasira dahil sa sinabe ng kanyang kaklase nang makapasok na siya.

"Is it true Lev na ikaw daw ang nag sumbong kay Agatha?" ani Melvin. Ang kaklaseng pwede nang isabak sa drag queen ano mang oras.

Natigilan si Levi dahil sa tanong nito. Halos lahat ng atensyon ay nabaling sa kanya, lahat ng mata ay nakatutok at naghihintay ng sagot.

Wala siyang idea kung paano nalaman ng tsismosang kaklase ang tungkol dito. Wala siyang maisagot, hindi niya alam ang isasagot kung paano mapaniwala ang mga kaklase niya na hindi siya ang nag sumbong kay Agatha.

"So totoo ngang ikaw ang nag sumbong?" tanong ulit ni Melvin sa kaniya ng hindi siya nakasagot sa unang tanong nito. "Akala ko ba all for one, one for all tayo dito? na lahat mag tutulungan para maka graduate?." naka taas ang kilay na wika nito. "Tapos ngayon gagawa ka ng eksina, bakit takot ka bang malamangan? tingnan mo ngayon, hindi na pumapasok si Agatha dahil pinahiya mo siya. Bait-baitan ka pa eh may inggit karin palang tinatago sa katawan"

Parang maiiyak na si Levi dahil sa mga narinig nito, he's the kind of person na mababaw lang ang luha. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganito na lang kagalit sa kanya si Melvin gayong hindi naman siya ang isinumbong at nahuli.

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balitang iyan Melv, hindi ko rin alam ang gagawin just to prove to all of you na wala akong ginawa. Wala akong kasalanan, at kahit kailan ay hinding-hindi ko gagawin 'yon kay Agatha. Hindi ako takot na malamangan Melv, at hindi ko kailangan na mamahiya ng kapwa para lang makalamang." bakas sa boses ni Levi na anomang oras ay iiyak na ito. Gusto niyang tumakbo palabas ng classroom nila, mag tago at umiyak. Hindi siya sanay sa mga ganito kaya naman hindi niya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

Halatang hindi naniniwala ang kaharap sa mga sinabe niya. Nananatili lang itong naka halukipkip habang naka taas ang kilay.

"Kahit kailan talaga napaka pabebe mo, pa inosente kunwari para 'di paghinalaan. Inggetera at demonyeta. So anong gagawin mo ngayon e hindi na pumapasok si Agatha, masaya ka na niyan?" dagdag pa ni Melvin.

Isang malalim na hininga ang hinugot ni Levi bago sumagot at para hindi siya maiyak. Ayaw niyang makita siya ng mga kaklase na umiiyak.

"Ku-" naputol bigla ang pagpapaliwanag sana ni Levi ng marinig niya ang boses ng kaibigan sa likod niya, si Edda.

"Ikaw ang inggetera at demonyeta Melvin Labrador Jr." sumulpot ang kaibigan nito sa kanyang likod. Basta nalang inihagis ang bag ng babae at pumagitna kina Levi paharap kay Melvin. "Bakit may ebedinsya ka ba na si Levi nga ang nag sumbong sa kanya? Kung meron mang dapat na sisihin dito ay si Agatha iyon at hindi si Levi. Kasalanan niya yon kasi hindi siya nag aral!. At ikaw-" sabay turo nito kay Melvin " Huwag kang bida-bida. Halatadong ikaw ang inggit kay Levi eh. Tingnan mo nga yang mukha mo, hindi pa nag uumpisa first period natin hulas na make up mo. Asikasuhin mo muna yang pagmumukha mo bago ka makisawsaw sa problema ng iba. Daig mo pa si aling Cristy sa pagka chismosa. Siguraduhin mo munang tama yang mga sinasabe mo ha dahil pag hindi babangasan ko yang mukha mo na kahit ilang layer ng foundation ang ilagay ay hindi na kikinis!" mahabang litanya ni Edda. Halatang galit na ito dahil nakikita na ang ugat nito sa noo.

Inawat naman ito ni Levi. Kilala niya ang kaibigan, wala itong kinakatakutan mapalalaki ka man o babae ay talagang papatulan ka nito. Sa laki ba naman niya ay ikaw nalang talaga ang matatakot sa kanya.

Pinilit niyang ilayo ang kaibigan sa chismosang kaklase na sa ngayon ay napipikon na dahil sa mga sinabe nito. Inawat naman ng iba pa nilang kasama si Melvin na sa mga oras na iyon ay humuhulas na nga ang make up.

Dinala nang ibang kaklase nila si Melvin sa upuan nito at ganon din ang ginawa ni Levi sa kaibigan. Magka salubong parin ang mga kilay nito at hindi pa humuhupa ang galit.

"Pag pumasok talaga 'yang Agatha na yan makikita niya hinahanap niya sakin. Nadadamay yong iba dahil sa katangahan niya eh" hindi pa tapos na litanya nito.

Tahimik ang buong klase buong araw. Mahahalata ang tensyon sa loob ng silid. Hindi gusto ni Levi na madamay ang kaibigan sa gulo pero kahit papano ay nagpapasalamat parin siya na pinag tanggol siya ng kaibigan. Kung hindi dahil kay Edda ay malamang pumalahaw na ng iyak si Levi dahil hindi niya alam kung paano ipag tanggol ang sarili. He's 21 already pero parang bata parin siya. In time like this ay wala siyang alam kung paano isalba ang sarili.

Isang bagay lamang ang pumapasok sa isipan niya ngayon at 'yon ay ang maka usap na si Agatha. Marami na ang nadadamay dahil lang sa issue na ito at ayaw na niyang lumaki pa ito. May idea nang pumasok sa isip niya, yon ay ang kausapin si Lloyd at tanungin kung nasaan ang pinsan nito.

Kakapalan na ni Levi ang mukha. Kailangan niyang puntahan at pakiusapan si Lloyd na kung pwede ay dalhin siya nito sa kinaroroonan ng pinsan nang sa ganoon ay maka usap at maayos na ang gulong ito.


to be continued...




LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon