***Pagkatapos ng panghuling klase ni Levi ay agad siyang nag paalam sa kaibigan. Balak niyang puntahan at hintayin si Lloyd sa department nito ng sa ganoon ay maka usap niya ito tungkol sa pinsan.
Mag aalas-sinko palang ng hapon ngunit may kadiliman na ang paligid at ano mang oras ay bubuhos na ang ulan. Kailangan na niyang mag madali para maabutan pa ang lalaki.
Nagmadali siyang lumabas ng silid, hindi pinansin ang mga matang nanghuhusga at nakatingin sa kanya. Wala siyang kasalanan kaya naman wala ring dahilan para mag paliwanag siya sa mga ito.
Lakad-takbo ang ginawa niya makarating lang agad sa department ni Lloyd. Inisa-isa bawat room na madaanan hanggang marating niya ang pinaka dulong room sa ikaapat na palapag. Naglalabasan na ang mga estudyante roon. Ang iba ay napapatingin sa kanya, marahil ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa department nila.
Sandali siyang nag hintay hanggang sa iilang tao nalang ang nakikita niya sa loob. Sa mga oras na iyon ay hindi parin niya nakikita ang lalaki. Naiinip na siya at hindi sigurado kung nasa loob ba talaga ang hinahanap.
Tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan sinabayan pa ito ng malakas na hangin.
"Hey, what are you doing here?"
Agad na napa angat ng tingin si Levi ng marinig ang boses nang taong kanina pa niya hinihintay. Sandali siyang natigilan ng makita ang lalaki.
Naka uniporme ito na pinatungan lang nang isang itim na leather jacket. Pero sa paningin niya ay napaka gwapo nito, mas nakadagdag pa sa look nito ang magulong buhok.
"A-ah uhm-" sandali niyang nakalimutan ang rason kung bakit siya naroon, ang isip ay nasakop agad ni Lloyd.
"What?. May dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Lloyd sa kaniya. Nakatitig lang kasi siya sa lalaki at hindi sumasagot.
Agad na bumalik ang huwestiyo niya ng marinig ang tanong ng lalaki. Natampal ang sarili sa isipan niya dahil sa katangahan nito.
"A-ah, ano kasi-" hindi niya alam kung saan siya mag uumpisa. Sa huli ay sinabe nalang nito ang tunay na pakay. "I-I want to talk your cousin Agatha, I want to clear everything to her. Ayoko nang palakihin pa ang issue na 'to. Marami ng nadadamay nang dahil dito. Nag aaway-away na kami ng dahil lang sa cheating issue na wala naman kami, akong kasalanan. At dahil hindi siya pumapasok ay ako nalang ang pupunta sa kanya. Can you please tell me kung nasaan siya?"
Napa ayos ng tayo si Lloyd at parang nag isip.
"I'm not sure kung nasaan siya ngayon. But if you want, pwede kitang ihatid sa apartment niya since wala din siya sa bahay nila." agad na nag ningning ang mata ni Levi ng marinig ang suhestiyon ng lalaki. Di niya napigilan na mapa ngiti.
Hindi niya ito inaasahan. Ang gusto niya lang ay tanungin ang lalaki kung nasaan ang pinsan nito at siya nalang ang pupunta.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Lloyd ang ngiti na sumilay sa mga labi ni Levi ng marinig nito ang offer niya. Ang totoo niyan ay bahagya siyang na disappoint ng marinig ang rason nito kung bakit ito naririto sa department na pinapasukan niya. Buong akala niya ay siya talaga ang pinuntahan ni Levi ngunit agad din niyang naalala na wala palang rason upang puntahan at bisitahin siya nito.
Pero ganon pa man ay masaya na rin siya dahil kahit na papano ay makakasama niya ito. He will grab and take this opportunity para makasama si Levi and he won't let this opportunity slip on his hand.
Pero mukhang hindi nakikisama ang panahon sa kanila. Mas lalo pang lumakas ang ulan ganoon din ang hangin. Madilim na ang paligid at mabibilang nalang sa daliri ang mga taong nandoon.

BINABASA MO ANG
LEVI (BxB)
Romance(SPG)*** this story contains strong language and sexual content. Read at your own risk.***