***Hindi gaano na enjoy ni Levi ang pagkakape niya kasama ang mga kaibigan. Sa buong pagkakape nila ay hati ang atensyon niya sa kanilang pinag uusapan at sa kay Lloyd. Ilang beses niya itong nahuli na nakatingin sa kanya at minsan naman ay sa kay Troy. Naubos niya ang in-order na kape na hindi manlang ito nalalasahan. Marahil ay sa sobrang pagka okupado ng isip niya ay kahit ang lasa ng iniinom na kape ay hindi na rumehistro pa sa kanya.
Malalim na ang gabe ngunit wala paring plano na matulog si Levi. Busy siya sa paglagay sa cabinet ng mga tinupi niyang damit, sinasalansan ang lahat ng ito. Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng mga underwear niya sa isang lalagyan ng bigla na lamang tumunog ang teleponong basta na lamang niyang hinagis sa kama.
Tamad niya itong dinampot at basta na lang sinagot ang tawag ng hindi manlang tinitingnan kung sino ang tumatawag. Agad nanlaki ang mga mata niya ng marinig kung sino ang tumatawag. Si Lloyd, at nasa labas na naman ito. Naghihintay sa kanya na pagbuksan siya ng gate.
Pagtingin niya sa bintana ay nandoon nga ito, naka tingala sa kwarto niya habang hawak ang cellphone na nasa tenga at kausap siya.
"Lloyd! its already eleven in the evening!" aniya habang ang mga mata ay nasa labas parin, nakatingin lang sa lalaking nakatayo sa harap ng bahay niya. "What do you want?" hindi niya napigilan na mairita dito ng maalala na may ka date ito kanina.
"You" sagot nito sa kanya sabay ngisi ng nakakaloko. Nakatingin rin ito sa kanya. "I want you" dugtong pa ni Lloyd at inilagay ang isang kamay nito sa loob ng bulsa ng suot nitong pantalon.
Napa iling na lamang si Levi dahil sa sagot nito. Naiirita man siya sa lalaki dahil may ka date ito kanina ay hindi parin niya maipagkakaila na namimiss niya ito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumagot sa lalaki.
"Hintayin mo 'ko diyan" aniya at kinuha ang jacket na naka sabet sa loob ng cabinet niya. Sandali siyang tumingin sa salamin at nang makuntento na sa kanyang nakikita ay lumabas na siya ng silid.
Madilim na ang kapaligiran ng makalabas siya sa sariling kwarto. Marahil ay mahimbing nang natutulog ang mga magulang niya sa oras na iyon.
"What took you so long?" agad na salubong sa kanya ng lalaki, naka busangot na ang mukha.
Hindi naman niya pinansin ang tanong nito, bagkus tinanong niya rin ito kung ano ba ang ginagawa niya sa pamamahay ng dis-oras ng gabe.
"Let's eat outside. Nagugutom ako" sagot nito sa kanya.
Agad namang tumaas ang kilay ni Levi ng marinig ang sagot nito?
"Bakit wala bang pagkain sa inyo?"
"I don't have any groceries in my apartment, ubos na pala. I forgot to check."
"Talaga lang ha?" hindi alam ni Levi pero pakiramdam niya ay nagsisinungaling lang ang lalaki. Sa anong kadahilanan ay hindi niya rin alam.
"Ano ayaw mong sumama? Pag ako nag aya aayaw ka pero pag 'yung chinito na hindi naman Chinese sasama ka" para itong bata na nagmamaktol. Ang cute, ang sarap tuloy nitong kurutin sa pisngi.
Napa isip naman si Levi kung sino ba ang tinatawag nitong chinito na hindi naman Chinese. Agad na nakita ni Levi ang mukha ni Troy, chinito ito ngunit hindi niya alam kung may lahi ba itong chinese.
"Si Troy?" aniya na siya namang sinimangutan lang ni Lloyd.
"I don't care whatever his name is"
"So si Troy nga" pagkompirma naman ni Levi. Hindi niya alam pero natutuwa siya sa reaksyon ng lalaki. Natuwa ng husto ang puso ni Levi sa pag aakalang nagseselos ito sa kanya. Hindi niya napigilan na matuwa nang dahil dito.
Ang nakasimangot na na mukha ni Lloyd ay lalo pang sumimangot dahil sa muling pagbigkas ni Levi sa pangalan ng lalaking kinaiinisan niya. Hindi napigilan ni Levi na matawa dahil sa reaksyon nito.
"Why are you laughing?"
"Bakit masama bang tumawa?" tanong niya pabalik at muli na namang tumawa. Hindi niya alam pero ang saya-saya niya.
"Pshhh..." tanging na e- saad nalang ng lalaki. "Ano, are you coming or not?"
"Ano ba kasi ang gusto mong kainin ha?"
"You" sersyusong sagot nito sa tanong niya.
"Seryuso kasi!"
"I'm serious!"
"Diyan ka na nga!" akmang tatalikod na sana siya para pumasok pabalik sa loob ng bahay nila ng hawakan siya ni Lloyd sa kamay.
"Wait, street food! I'm craving for street food!" mabilis na sagot nito. Nananatili parin itong nakahawak sa kamay niya.
"Ha? Street food? Ng ganitong oras?" Hindi niya alam kung seryuso ba ang lalaki sa sinabe nitong gusto niyang kumain ng street food. Hindi rin siya sigurado kung may nagtitinda pa ba ng cravings nito e ilang minuto nalang ay Alas-dose na.
"I know a place na nagtitinda pa rin ng ganitong oras. Ano, are you coming or not?" tinitigan niya ng mabuti si Lloyd, chineck kung gino-good time lang ba siya nito.
Sa huli ay pumayag na rin siya. Magbibihis pa sana siya pero pinigilan na siya ni Lloyd. Okay na raw kung ano man ang suot niya ngayon.
Tanging hoodie na jacket lamang na color maroon ang suot niya at isang itim na short. Sa paa naman ay isang itim na crocs din, in short naka pang bahay lamang siya habang si Lloyd naman ay purmado. White t-shirt na pinatungan ng isang black denim jacket at isang black maong pants na pinaresan niya ng isang black nike shoes. Pag pinagtabe sila ay magmumukha siyang alalay. Napaka presko nitong tingan habang siya ay parang saging na nasobrahan sa pagka hinog.
"What? there's nothing wrong on what you wearing. You look... good actually" hindi niya alam kung seryuso ba ang lalaki sa sinabe nito. Pano siya magiging "good" sa uri ng suot niya e mukha nga siyang alalay nito.
Nang hindi pa rin siya gumagalaw ay si Lloyd na mismo ang nagpa sakay sa kanya sa dala nitong motor. Si Lloyd na rin ang nagpa suot sa kanya ng helmet and by that simple gesture ay hindi napigilan ni Levi na kiligin. Habang inaayos nito ang pagkakasuot sa kanya ng helmet siya naman ay nakatitig lang dito.
Habang nakatitig sa lalaki ay biglang pumasok sa isip ni Levi kung ano ba ang katayuan o status ng love life niya ngayon kung hindi niya iniwasan ang lalaki noon. May chance kayang kausapin o mapansin siya nito?.
Marahil para sa kay Lloyd ay wala lang ito, pero para kay Levi ay ituturing niya na isa itong date. Nanamnamin niya bawat segundo na magkasama sila ni Lloyd at itatatak ito sa alala niya dahil baka bukas o sa susunod na araw ay bumalik na si Agatha at kung malaman nitong wala nga siyang kasalanan ay layuan na siya ng lalaki, kagaya ng ipinangako nito noong gabe na nakita niya itong nakatayo sa harap ng gate nila.
Kaya habang magkasama pa sila ng lalaki ay susulitin niya ang mga hiram na oras na ipinagkaloob sa kanya kahit na patago pa silang nagkikita.
to be continued...

BINABASA MO ANG
LEVI (BxB)
Romansa(SPG)*** this story contains strong language and sexual content. Read at your own risk.***