-15

248 10 1
                                    


***

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pangyayaring naganap sa pagitan nina Lloyd at Levi sa loob ng library. Mag mula ring ng araw na iyon ay palagi nang nakakatangap ng text messages si Levi mula kay Troy. Palagi itong nangangamusta, nag tatanong kung nakakain na ba siya or kung naka uwi na. Minsan ay sumama pa itong kumain sa kanila ni Edda at dahil dito ay mas lalo pang napalapit ang lalaki sa kanilang dalawa

Sa isang linggo na iyon ay palagi ring nagkikita sina Levi at Lloyd ng patago. Minsan ay hihilahin nalang siya ng lalaki kung saan walang makakakita sa kanila at doon lalantakan ang labi niya. May sa banyo, likod ng department nila at minsan ay sa rooftop, pero magmula noong may nangyari sa kanila sa loob ng kwarto ni Levi ay hindi na iyon nasundan pa.

Ang mga patagong pagkikita nilang dalawa ay talaga namang nakakapag pasaya kay Levi, wala siyang paki alam sa kung ano man ang status nilang dalawa. Masaya na siya at kontento sa kung ano man ang namamagitan sa kanila ng lalaki.

Mag iisang buwan na rin na hindi pumapasok si Agatha, ang sabi ng iba ay titigil nalang daw muna ito pero may nag sasabi namang baka mag modyular nalang daw. Wala silang idea kung mag aaral pa ba ito or hindi na, subalit ang issue na iniwan nito sa loob ng silid aralan nila ay buhay na buhay parin at hindi mamatay-matay. Madalas paring mag bangayan sina Edda at kaklase nilang si Melvin dahil dito.

Ang plano sana ni Levi na magpatulong kay Lloyd na maka usap si Agatha ay nakalimutan na niya. Mayroon sa loob ni Levi na para bang ayaw na nitong kausapin ang kaklase, dahil alam niya na sa oras na maka usap niya ito at maresolba ang issueng ginawa nila ay malaki ang posibilidad na baka hindi na rin sila magkikita pa ni Lloyd.

Sa madaling salita ay para bang ginagamit niya na lamang itong rason para mas mapalalit pa ng lubusan sa lalaking halos apat na taon din niyang iniwasan.

Mula sa kanilang silid ay kasalukuyang nag lalakad sina Levi kasama ang kaibigan niya palabas ng building nila. Masaya silang nag kukwentuhan ng kaibigan ng hindi sinasadya ay nakita niya si Lloyd na naglalakad palabas ng campus, hindi ito nag iisa, may kasama itong babae na kung maka hawak sa braso ng lalaki ay parang isang linta.

Agad na nawala ang sigla ni Levi dahil sa kanyang nakita. Para siyang nanghina, at biglang nawalan ng gana. Hindi man niya aminin ay nag seselos siya na hindi naman dapat dahil wala silang relasyon ng lalaki.

Hindi naman napansin ng kaibigan ang biglang pag bago ng mood niya, patuloy parin ito sa pagdadaldal at halos lahat ng sinasabe nito ay hindi na nasusundan pa ni Levi.

Nanatili lamang ang mga mata ni Levi kina Lloyd, nakasunod ang tingin niya sa mga ito hanggang sa babaeng kasama na nito siya mismo nakatingin. Agad na sinalakay siya ng kanyang insecurities, hindi napigilan ang sarili na ikumpara sa babaeng kasama nito.

Hindi ito bastang babae lang, kahit na sa malayo ay kita niya na maganda ito, maputi at matangkad, pino ang bawat galaw, babaeng-babae. Sa pagkaka alam niya ay ito rin ang babaeng muse ng basketball team nila. Ito yung tipo ng babae na talaga namang bagay na bagay kay Lloyd.

Hindi niya napigilan na masaktan dahil sa kanyang iniisip, nang dahil sa mga pinag gagawa nila nitong mga nakaraang araw ay hindi niya napigilan na umasa na baka ay may magandang patutunguhan ito.

"Ano Lev go ka?" tanong ng kaibigan niya. Agad namang napatingin si Levi dito, hindi niya alam kung ano ba ang tinatanong nito sa kanya. "Kitam!, hindi ka na naman nakikinig eh"

"Sorry naman, may iniisip lang eh" palusot niya at pasekretong tumingin ulit sa may gate ng university, pero wala na doon sina Lloyd, marahil ay nakalabas na.

"Coffee daw muna tayo bago umuwi sabi ni Troy, maaga pa naman kaya keri lang. Ano go ka" Ulit nito sa tanong niya kanina.

Gustong tumanggi ni Levi, nawalan na kasi talaga siya ng gana na ang gusto na lamang niya ay umuwi at magkulong sa kwarto niya. Pero sa huli ay pumayag na rin siyang sumama, nahihiya na rin kasi siya sa kay Troy, panay kasi ang tanggi niya dito sa tuwing nag aaya ito. Ayaw niya ring isipin na iniiwasan niya ito kahit naman hindi.

"Perfect! Maglakad nalang tayo. Malapit lang naman dito yung coffee shop na gusto niyang puntahan. Mas makakatipid tayo sa pamasahi."

Tanging tango lamang ang isinagot niya sa kaibigan. At habang naglalakad ay nasa kay Lloyd parin ang isip ni Levi at sa babaeng kasama nito. Bigla ay natanong niya sa sarili kung saan nga ba ito pupunta kasama ang babae.

Malayo pa man ay nakita na nila agad si Troy, kumakaway ito sa kanila kaya naman kumaway sila pabalik. Sandali silang nagka mustahan bago naglakad papunta sa coffee shop na gusto nilang tambayan bago umuwi.

Pitong minuto rin silang naglakad bago narating ang coffee shop, hapon na rin kasi kaya hindi na ganun kasakit ang sikat ng araw. Masayang nag uusap sina Troy at Edda at pilit naman itong sinasabayan ni Levi. Sa katunayan ay naiinis siya sa sarili dahil nagpapa apekto siya sa isang bagay na wala naman siyang karapatan.

Medyo matao na ang coffee shop ng makapasok sila. Halos lahat ng nandoon ay mga estudyante, marahil ay nagpapalipas ng oras bago umuwi.

Agad na may nakita na magandang pwesto si Troy, malapit ito sa dingding na salamin na kung saan ay kita ang mga tanim na bulaklak sa likod ng shop. Open area iyon kaya naman malayang pumapasok ang sariwang hangin. Agad na na upo sina Levi at Edda doon habang naiwan naman si Troy na siyang oorder para sa kanila.

Habang nag hihintay sa in-order nila ay nilibang muna ni Levi ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa paligid. Hindi niya maiwasan na mamangha sa desinyo ng shop. Simple lamang ito, malinis at malawak. Ang isa pa sa pinaka nagustuhan ni Levi ay may part kasi sa shop na puro tanim lang na bulaklak ang makikita, ang ibang tanim ay namumulaklak pa kaya naman napaka ganda nitong tingnan. May pagka plantita kasi ang ina ni Levi kaya pati siya ay nahawaan na rin nito.

Inilibot pa niya ang paningin sa kabuoan ng shop hanggang sa tumama ang paningin niya sa isang pamilyar na tao. Nakatingin rin ito sa kanya, wari'y nagtatanong kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.

Agad siyang nag iwas ng tingin. Hindi niya inaasahang makita si Lloyd doon kasama ang babae nito. Sa dami ng mga taong nakatambay doon ay hindi niya agad ito napansin. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Naiinis siya dahil sa reaksyon ng katawan niya sa tuwing nakikita ang lalaki. Parang automatic na ang kabog ng dibdib niya sa tuwing nasisilayan ito.

Sakto namang dumating si Troy dala ang mga in-order nila kaya kahit papano ay nagkaroon siya ng rason upang mag busy-busyhan. Ina alalayan naman siya ni Troy na siya namang hindi naka ligtas kay Lloyd.

Muling nagtagpo ang mga tingin nila at bigla na lamang nag sitayuan ang mga balahibo ni Levi sa katawan dahil sa uri ng tingin na ipinupukol ni Lloyd sa kanya. Kung nakakamatay lamang ang tingin, malamang ay nakahandusay na ngayon si Levi kasama si Troy.

to be continued...

LEVI (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon