Chapter 25

2.2K 76 3
                                    

Siruis POV

Lumabas ako sa opisina ni Alessandra dahil may kausap itong mga investors, at mukhang mahalaga ang usapan kaya't pinalabas niya ako. Habang papunta sa pantry ng kumpanya dahil gutom na ako, narinig ko ang nagaganap na chismisan, kaya't naki-chismis din ako.

"Huy!! Feeling ko may something kay Ma'am Aika at kay Ms. Amira grabe yung nakita namin kanina," sabi ng mga babae mula sa accounting department.

"Ay! Ano ka ba? Hindi mo ba alam na mag-ex-wife sila?" tanong ng isang babae na manipis ang kilay kaysa sa pasensya mo.

"Yuck, kadiri—" Hindi ko na pinansin ang sasabihin nila at agad na pumasok sa aking opisina.

Marami pa akong trabahong kailangang tapusin at mga deadlines na dapat sundan dahil sa mga pangyayari kanina. Kailangan ko ng mga kapalit sa kanilang posisyon, at wala akong maisip na agad-agad. Bigla kong naalala si Danna, ngunit underage pa ito. Subalit, marunong naman siya sa finance. Bahala na, kakausapin ko na lang siya mamaya pag-uwi.

Hapon na at habang nag ty-type ako bigla na lang pumasok si Ms. Amira na may hawak na maraming paper works. Malamang, galing ito kay Alessandra, at ako ang pinagawa dahil may kausap ito. Napaisip ako,
Dalawang oras na silang mag-usap. Hindi man lang ako nilabas o tinanong kung kumain na ako. The audacity.

"Pinapabigay ni Ma'am. Tapusin mo raw," sabi niya bago lumabas ng opisina. Hinilot ko ang aking noo dahil sa dami ng paper works na kailangan kong tapusin.

Tiningnan ko ang oras at napagtanto kong alas-tres na pala. Wala pa akong kain, kaya't tumayo ako at sabay naman lumabas sina Alessandra na nakatitig sa akin, habang ang isa ay ngumiti pa.

"So she's the one, huh?" sabi ng isa, at ngumiti lang ako.

---

Habang kinakain ko ang sandwich sa pantry, biglang bumukas ang pinto. Si Alessandra ang pumasok na may ngiting tila may lihim na ibigsabihin ay ewan koba.

"Sirius, I hope you're managing well with the workload," aniya, at napansin kong may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Atsaka bakit ba siruis ang tawag nito sakin ah bahala sya nag tatampo ako

"Of course, Alessandra. I always handle things efficiently," sagot ko, subalit nararamdaman ko ang mga mata ng mga kasama naming nagmamasid sa amin.

Napansin ko rin ang paglipat ng kanyang tingin kay Amira, na tila may kakaibang damdamin na hindi ko masiguro. May tinatago silang lihim, at nais kong malaman kung ano ito.

---

Nang matapos ko ang lahat ng paper works na ipinagawa ni Alessandra, hindi na ako dumaan sa kanyang opisina. Papasok na ako ng elevator nang biglang humangos at hinawakan ang kamay ko si Alessandra.

"Saan ka pupunta? Pinayagan na ba kita umalis?" tanong niya na may taas-kilay, halata na tinakbo niya mula sa kanyang opisina hanggang dito sa elevator.

"Hindi po, Ma'am, pero tapos na po ang trabaho ko, kaya naisip ko nang umuwi," nakangiting sagot ko, bagamat naiinis na ako sa kanya.

"I'm. Your. Wife. Siruis," mariing sabi niya, ngunit hindi ko ito pinansin at tinanggal ang kanyang mahigpit na hawak sa akin.













TO BE CONTINUE..............

Yah..... Sobrang busy lang kaya di ako makapag update.

My sugar mommy ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon