What if hindi sila sa huli? Eme.
Siruis POV
Habang nasa byahe kami, tahimik lang ang anak ko. Nakakapit ito sa aking braso at nanginginig ang buong katawan kaya naiiyak ko itong niyakap. Hindi ko alam kung paano natitiis ni Alessandra na saktan ang kanyang sariling anak. Hinagod ko ang kanyang likod at impit na umiyak ito, saka mas lalong hinigpitan nito ang kapit sa braso ko.
"Shhhhh... Andito lang ako, anak, 'di kita iiwan, okay?" Naiiyak kong saad dito at pinunasan ang luhang dumadaloy sa mata nito.
It hurts seeing my child crying infront of me.
"Wala nang mananakit sa'yo, anak, okay? Andito na si Daddy, poprotektahan ka ni Daddy." Lalo itong humagulgol sa iyak kaya agad ko naman itong hinele habang iniiwasang matamaan ang sugat nito na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin.
Nagpahatid na lang kami sa taxi sa pinakamalapit na ospital dahil hindi tumitigil ang pagdurugo ng mga sugat nito, at sa totoo lang, pwedeng-pwede kong kasuhan 'yung babae ng child abuse, na syempre gagawin ko. Nang makarating kami sa ospital, agad namang inilagay sa ICU 'yung anak ko habang ako ay sunud-sunod lang dito at naawang tumingin sa anak ko.
Habang tinitignan ko ito, parang dinudurog ang puso ko. Para akong tinatakasan ng lakas sa bawat iyak nito, kaya napaluhod na lang ako sa sobrang stress. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Kayo po ba yung mother ng bata?" tanong ng nurse, kaya tumango ako. Ngumiti naman ito at agad ding sumeryoso.
"Pwede ko bang itanong kung saan niya nakuha 'yung mga sugat at pasa sa katawan niya? Lalo na 'yung mga latay, dahil ayon po sa test na ginawa namin, matagal na ang mga latay na 'yun," seryosong saad nito, kaya naman napayuko ako.
"Hindi ko din alam kung sino," sagot ko na lang. Kahit nakita ko kung sino ang gumawa, 'yung pangalan nito hindi ko alam dahil kulang pa rin ang memorya ko, pero panigurado ako, isa siya sa mga dahilan kung bakit ako umalis sa lugar na 'yun.
Tumingin lang ito sa akin at may sinulat sa papel na hawak nito, at saka tumawag ng doktor. Maya-maya ay dumating na ang doktor at may hawak itong papel na sa palagay ko ay resulta ng data bases ng kalagayan ng anak ko.
"Misis, masyadong malala ang sugat ng anak mo at paniguradong magiging sanhi ito ng peklat sa bata. Yung ibang sugat ay matatagalan sa paggaling. I would suggest putting an ointment na irereseta ko sa inyo. Ilagay ito pagkatapos niyang maligo at bago siya matulog. Also, she may experience a lot of pain because of the ointment, so I suggest giving her a painkiller to make her feel better," mahabang paliwanag nito, sabay tingin sa akin ng seryoso at hinawakan ang kamay ko.
"Isa pa nga pala, I would suggest na magpunta kayo sa psychiatrist para tignan ang mental health ng anak nyo dahil paniguradong may traumang nangyari sa kanya. Misis, kung may problema kayo, tawagan nyo lang kami." Pagkatapos nun, tinapik na ako nito saka umalis.
Medyo nagulat ako sa inasta ng doktor na 'yun, kaya medyo natulala ako sa aking kinatatayuan nang biglang magsalita ang nurse na akala ko umalis na kanina pa.
"Pasensya na po kayo kay Doktora Celestine, marami na po kasi siyang nahawakang ganitong pasyente, pero yung anak nyo ho ata ang pinakamalala sa kanilang lahat."
TO BE CONTINUE...............
Sorry naging busy lang sa final exam namin puro identification at enumeration😠🖕
BINABASA MO ANG
My sugar mommy ( COMPLETE )
RomanceSiruis Vencula a innocent and joyful girl. she's an intersex. A total angel but with a unlucky life Alessandra Blair Demunisco a mafia boss and ruthless person. She's looking to a girl that will make her change. What if this two person meet? Will th...