Someone's POV
"What's your plan now? Sa tingin mo ba makukulong mo ng matagal si Alessandra?" tanong nito kaya ngumiti lang ako at tinignan ito.
"Of course, I just need to act innocent and Sirius will be mine forever. And also, I need to get rid of that Orion brat. She knows everything but as of now, wala pa siyang masasabi kay Sirius," masayang saad ko habang sumisipsip ng wine.
Narinig ko namang bumuntong-hininga ito at itinuon na lang uli sa libro ang kanyang tingin. Kaya naman tumingin ako dito at nakita ko ang lungkot sa mata nito habang nakatingin ito sa librong binabasa. Hindi naman nakakaiyak ang librong binabasa niya dahil history 'yun. Well, bahala siya diyan.
"Don't worry, sa'yo na si Alessandra pagkatapos nito," nakangisi kong saad dito pero tumango lang ito at boring na umalis sa harap ko. Tsk. Pathetic. Can't she enjoy her life jeez.
Bago ito umalis sa harap ko ay nilingon muna ako nito, kaya tinaasan ko ito ng kilay dahil walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha o kahit ang mga mata nito. Atsaka nag salita ito ng mga katagang ikinagulat ko.
"Maybe you tricked Alessandra, but not Siruis. She may not remember it, but always remember she has ways to know the truth, Kristen."
Siruis POV (Dream)
"Alessandra, wag kang magtitiwala sa kanya, please," nagmamakaawang saad ko kay Alessandra, na hawak-hawak si Orion at pinadede ito.
"Siruis, wag ka ngang OA diyan. Kakambal ko 'yun, kahit gaano pa kabaliw, kapatid ko pa rin siya," medyo inis na sabi nito. Inilapag niya si Orion sa crib nito, kaya wala na akong nagawa at napabuntong-hininga na lang.
I know her... Alam kong may balak siyang hindi maganda, pero ayoko namang pangunahan ang asawa ko dahil nga kapatid niya ito, at wala ako sa lugar para makibaka sa kanila.
Just to be safe, tinago ko ang isang dokumento sa kwintas ni Orion. Isang chip 'yun na pinagawa ko pa sa kaibigan ko para ma-make sure kong kung may mangyayaring masama, safe ang dokumentong 'to sa anak ko.
Maya-maya ay nakatulog na rin kami. Ngunit nagising ako sa kaluskos mula sa labas, kaya agad akong napamulat dahil imposibleng mga kasambahay 'yun dahil naka-off sila dahil nga nandito kami ni Alessandra. Kinuha ko ang baril na nakatago sa ibaba ng kama at kinasa ito. Dahan-dahan akong sumilip sa bintana at tangina lang, ang daming armadong lalaki ang nakapalibot sa buong bahay.
Dahan-dahan kong binuhat si Alessandra at agad na itinago sa secret room sa kwarto namin kasama ng anak namin, saka nilock iyon. Kinuha ko ang salamin ko sa mata at dahan-dahang sinuot 'yun habang inaantay ang mga lalaking 'yun na pumasok.
Ang tunog ng pinto ay indikasyon na binuksan ito kaya nag-create ito ng ingay at dinig ko ang mga yabag ng mga lalaking dahan-dahang pumapasok. Medyo nagulat nang makita nila ako sa harapan kaya bago pa sila maka-recover, agad kong sinipa sa dibdib yung nasa harapan nila, dahilan para mapa-atras sila palabas.
Agad din namang pumasok yung ibang lalaki na nasa labas at agad tinutok ang rifle nila sa akin pero agad ko itong pinaputukan. The man collapsed in front of me pero hindi ako tumigil at agad na binaril ang lalaking patayo pa lang saka walang awang pinagbababaril din ang iba nitong mga kasama. Confident akong hindi maririnig nila Alessandra ang mga putok ng baril na 'yun.
Nung makita kong may tumatakbo pa papuntang kwarto, kinuha ko ang bangkay ng kasama nito at tinapon sa kanila. Dahil sa gulat, hindi man lang sila nakapag-react kaya pinagbababaril ko sila. Babarilin ko pa sana ang isa pero naramdaman ko ang pagtutok ng baril sa ulo ko.
Dahan-dahan kong nilingon ito at doon ko nakita ang walang hiyang babae na may pakana ng lahat.
"You bitch!!"
TO BE CONTINUE.................
BINABASA MO ANG
My sugar mommy ( COMPLETE )
RomansaSiruis Vencula a innocent and joyful girl. she's an intersex. A total angel but with a unlucky life Alessandra Blair Demunisco a mafia boss and ruthless person. She's looking to a girl that will make her change. What if this two person meet? Will th...