Chapter 29

1.9K 58 3
                                    

Alessandra's POV

Sa bawat hakbang ko palayo sa kanya, nararamdaman ko ang bigat ng aking puso. Ang bawat pag-alis ay parang pagsaksak sa aking sariling damdamin, ngunit alam kong ito ang tanging paraan upang protektahan ang kaming dalawa.

Naiintindihan ko na masakit para sa kanya ang aking paglayo. Ang bawat pagtakbo ko mula sa kanya ay tila ba isang kutsilyo na tumutusok sa kanyang puso. Subalit sa kabila ng lahat ng sakit na kanyang nararamdaman ay doble saakin lalo na at nakikita ko sya, ang alam ko ay mas masakit para sa kanya na manatili sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan at pag-aalinlangan.

Sa bawat paglayo ko, nais kong ipaalam sa kanya na hindi sapat ang pagmamahal na kayang ibigay ko. Ang aking puso ay puno ng takot at pag-aalala na sa huli, ako ay magiging sanhi lamang ng mas malalang sakit sa kanya. Ayoko ng umasang maalala pa nya at kung maalala manya ipinapanalangin ko na hindi na. Mas lalo lang syang masasaktan at ayokong makita iyon ng aking mga mata.

Ayokong makita syang umiyak.

Ayokong makita syang lumuhod sa harap ko dahil tinaga ko sa bato na ang pag sabit lang ng singsing sa aking kamay ang tanging dahilan kung bakit sya luluhod.

Nais ko lang na maintindihan niya na hindi ko siya iniwan dahil hindi ko siya mahal. Iniwan ko siya dahil mahal ko siya ng labis. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay wala kumpara sa sakit na aking pinapasan bawat araw na nagpapanggap na masaya ako. Mga araw na gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa.

Alam kong maraming katanungan sa kanyang isipan. Bakit ko siya iniwan? Bakit ko sya sinaktan? Ngunit ang mga sagot ay hindi maaring maipaliwanag sa simpleng mga salita. Ang totoo ay nasaktan ako ng labis sa bawat desisyon na aking ginawa, ngunit alam kong ito ang tama para sa aming dalawa.

Nais kong marinig niya ang katotohanan mula sa akin, na kahit gaano ko siya kamahal, hindi sapat ang pagmamahal ko para sa kanya upang magtagal sa isang hindi maligaya at hindi maayos na relasyon. Gusto kong ipaalam sakanya lahat pero wala akong lakas.

Sa bawat araw na lumilipas, ang lungkot at sakit ay patuloy na bumabalot sa aking puso. Ang mga tanong na hindi ko kayang sagutin ay patuloy na bumabalot sa aking isipan. Bakit kailangang magdusa? Bakit kailangang maglaho ang mga pangarap namin ng wala man lang pagbabala?.

Naaalala ko pa ang mga sandaling puno ng ligaya at pag-asa lalo na ng hindi pa nangyayari ang insidenteng yun. Ang aming mga pangako na walang hanggang magmamahalan. Subalit sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ay hindi sapat upang mapanatili ang isang pagsasama na puno ng lungkot at pighati.

Napapalibutan ako ng mga alaala ng aming mga masasayang sandali. Ang aming unang halik, ang aming mga lambingan, ang mga yakap na puno ng pagmamahal. Subalit ngayon, ang mga alaala na ito ay tila ba mga anino na sumasalamin sa aming lumipas. Hindi kona kayang ipaglaban pa sya.

Sa tuwing tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, ang larawan na bumabalik ay hindi na ang dating masaya at nagmamahal na babae. Ang aking mga mata ay puno ng luha at pagdaramdam, habang ang aking mga labi ay tila ba hindi na kayang ngumiti ng tunay na ligaya.







Pero kahit hindi kona kaya.....





Kahit gusto konang sumuko dahil hindi moko maalala....









Kahit gusto kong sabihing mahal kita.









Kahit gusto kong sabihin ayoko na.







Mananatili akong nanonood kahit malayo na.







Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin yung ganito.








Mahal kita aking Asawa....
















TO BE CONTINUE.........

🦖

My sugar mommy ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon