FiVE YEARS AGO ...
Lakad-takbo ang ginagawa ni queenie dahil sa pagmamadali. Kagagaling lang niya ng karinderya nila at male-late na siya sa pagpasok sa eskwela. Maraming tao kanina sa kainan at nahiya siyang iwan si Tiya Rowena sa nagkukumahog sa pag eestima sa mga kumakain. Madalang lang mangyari ang ganoon na maaga pa lang ay puno na ang karinderya.
Sa wakas ay graduating na siya sa two-year course niyang Information technology. Natigil siya nang iasang taon bago makapag-aral sa kolehiyo kaya sa edad na nineteen ay ngayon pa lang siya gagraduate.
pangarap niyang maging isang tanyag na chef pero IT ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kanyang tustusan ng tiyahin niyang kumupkop sa kanya mula nang maulila siya. Gayunman< masaya siya dahil kahit paano ay nakakapag aral siya kahit vocational course.
Exams nila mamaya at deadline din ng pagbabayad ng tuition fee. Installment basis ang pagbabayd niya ng tuition. Alam niyang mahaba ang pila ngayon sa registrar's office kaya namamadali siya dahil isang oras nalang ay mag uumpisa na ang klase niya sa kanyang unang subject.
Ilang minuto pa siyang maglalakad bago niya marating ang gate ng eskuwelahan.
" Aray! ano ba ? " angil niya dahil tinamaan ang ulo niya ng kung anong bagay. Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang makakasalubong niya . Tumama sa ulo niya ang siko nito.
" Im sorry "
" Wala ka bang mata ha ? " galit na baling niya sa kung sino mang nakabungguan niya habang hinahagud-hagod ang kanyang ulo. Napatunganga siya sa lalaking may pasan na malaking gulong ng truck.
Matangkad ito kompara sa height niyang five three at halos tingalain niya ito. Wala itong pang-itaas sa halip ay nakasuot lamang ito ng lumang pantalon na medyo hapit sa mga binti nito. Kumikislap ang pawis sa magandang hubog ng katawan nito sa sinag ng pang-umagang araw .Napalunok siya. Hindi niya naiwasang hagurin ng humahangang tingin ang abs nito na katulad ng mga nakikita niya sa billboard ng mga male models. Anim nga ba ang bilang niya sa umbok ng muscles sa tiyan nito?
" Pasensiya na, Miss. Nag mamadali ka kasi kaya hindi mo akko napansin " nakangiting hinging-paumanhin nito. Halatang na-amuse ito sa lantarang pagsuri niya sa katawan nito mula ulo hanggang paa. nalantad sa kanya ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito dahil sa pagkakangiti nito .
" Ako pa ngayon ang may kasalanan? " angil niya upang pagtakpan ang pagkapahiya. Sigurado siyang kasimpula ng kamatis ang mukha niya nang mga sandaling iyon. " Ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinaraanan eh "
" Like I said , I'm really sorry " ibinaba nito ang hawak na gulong at ipinunas ang mga kamay sa pantalong may bahid ng grasa.
Hindi niya maiwasang humanga sa paggagalawan ng mga muscles nito sa balikat habang ibinababa ang gulong na parang slow-motion sa pelikula.
Tumaas ang isang kilay niya. Napansin niya ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada na mukang na-flat ang gulong. Pa-ingles-ingles pa ito samantalang mukha namang driver lang ito ng truck. Hindi siya snob o mapangmata ng kapwa subalit naunahan siya ng pagkapahiya kaya mas pinili niyang magsuplada. " Tingnan mo nga ang uniform ko at muntik nang mahawa sa grasa sa katawan mo. Ang aga aga, mangangamoy pawis pa ko. " alam niyang OA na ang sinabi niyang iyon. dahil kahit pawis na pawis ito ay kataka-takang hindi ito amoy pawis.At kahit may grasa ang pantalon at katawan nito ay hindi pa rin ito mukang gusgusin o marumi.
Napailing siya, She must be crazy !
" Aba, ayaw mo ba non , maghapon na ako ang maaamoy mo ? Amoy baby yata ito " Tumawa ito pagkasabi niyon.
" Abat hindi ka rin mahangin ano ? FYI, mister, kung ikaw rin lang ang maamoy ko sa buong maghapon, mas gugustuhin ko pang mangamoy bawang at sibuyas no !
" Really ? Thats news, are you sure ? "
Gusto nang umusok ng bumbunan niya sa inis dito. ang antipatiko! hindi lang mayabang, ang kapal pa ng muka nito !
" Kung tama ang hula ko, driver ka ng truck na yan ? " aniya sabay nguso sa truck. " Hindi ba dapat ugali mo na ang tumingin muna sa dinaraanan mo bago ka sumulong ? Malaking porsiyento ng mga road accidents ay dahil sa mga reckless drivers na hindi isinasaalang-alang ang buhay ng iabng tao " nakapamaywang pang litanya niya.
" Ano ? teka , ano naman ang koneksyon non sa pagkakabungguan natin ? "
" Everything ! Ibig sabihin kasi, may tendency kang maging reckless kaya hindi ka dapat nagmamaneho "
" Whoa ! wait up, lady, hindi kaya nag ooverreact ka naman? Besides, ikaw itong hindi nakatingin sa dinaraanan mo " humalukipkip pa ito at lalong lumuwag ang pagkakangiti nang maningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
" Hindi ba totoo ? "
" Ang alam ko, miss, isang malaking porsiyento ng mga nabubundol sa kalye ay mga pedestrian na hindi muna tumitingin sa magkabilang panig ng kalsada kaya sila nabubundol " nakalolokong ngumiti ito na tila aliw na aliw sa kanya. Alam niyang tinutudyo siya nito at nagtatagumpay ito dahil lalong uminit ang ulo niya. Mukhang magaling mangatwiran ang herodes !
" Ewan ko sa yo. Tse ! " aniya , sabay belat dito. Lakad-takbo uli ang ginagawa niya at hindi lumingon dito kahit marinig niya ang malakas na pagtawag nito. Alam niyang umakto siyang parang bata pero wala siyang pakialam. kahit siya ay hindi maintindihan ang inakto niya ..
~~~~~~....
NiceSwan :
BINABASA MO ANG
love is on board
Teen Fiction" I don't mind being called a hopeless romantic,sweetheart, dahil iyon ang nararamdaman ko para sayo"