*11*

12 0 0
                                    

kahit tinatamad ko , pipilitin ko :)) hehehe

eto pa oh ^^

_________

Hindi akalain ni Queenie na nang sabihin sa kanya ni seb na walang masyadong bisita sa birthday celebration ng ina nito ay siya lang pala tlga ang inimbitahan nito. Hiyang-hiya tuloy siya dahil sa sobrang atendiyong ibinibigay ng mama nito na si Aling Linda. Medyo maputla ito. Ayon kay seb ay kagagaling lang nito sa sakit noong isang araw. Sa tingin niya,marahil ay nasa mid-forties ang edad nito.

Nakatira ang mga ito sa isang two-bedroom bungalow house. Napansin niya kanina ang maliit na hardin sa labas na puno ng mga namumulaklak na halaman. Masinop ang loob ng bahay, ilang importanteng gamit lang ang naroon. Napansin niya ang fresh flowers na nasa maliit na vase sa center table sa sala at ganoon din sa gitna ng mesa sa kusina.

May nakita siyang isang makinang panahi sa isang sulok. .Nalaman niyang isang mananahi ang ina nito subalit hindi na kumukuha ng tahiin dahil mahina na ang katawan. Nananahi pa rin diumano ito paminsan minsan dahil hindi nito matagalan na walang ginagawa.

Lalo siyang humanga kay seb dahil sa sipag nito sa pag ttrabaho.

"Mabuti naman at pumayag kang pumasyal dito sa amin, Queenie. Tama ang anak ko, napKagandA mong batA." nakangiting sabi ni Aling Linda.

"Ma....." nahihiyang saway ni Seb dito.

"O,'di ba, totoo naman? Alam mo bang lagi kang ikinukwento nitong binata ko, hija?"

Ngumiti si Seb na tila humihingi ng paumanhin.Para itong batang nahuling nang-uumit ng candy sa tindHan. Gusto nyang matawa sa reaksyon nito.Sa pagkakakilala niya rito laging sigurado sa sarili, hindi niya alam na pwede rin palang mag blush ito.

Ngumiti siya kay Aling linda. "Talaga ho?"

"Aba'y oo. Kaya nga nagbilin ako sa kanyang imbitahan ka ngayon at nang makilala na kita. Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng isinama nitong binata ko dito sa bahay?"

"Ah,eh... Ano ho.... " Siya naman ang nawalan ng sasabihin. Ayaw nyang ma-misinterpret nito ang pagsama.niya sa anak nito. "M-magkaibigan lang ho kami ni Seb."

"Ha? Ganon ba?" Nagtatakang binalingan nito si Seb. "Naku, mukang nakahanap na ng katapat itong binata ko ah, Parang biglang natorpe."

"Ma,'yong nululuto nyo yata ang naamoy kong parang nasusunog." pag iiba ni Seb sa usapan.

"Naku, maiwan ko muna kayo, hija. Malapit naman nang maluto iyon kaya ihahanda kona rin ang mesa para makakain na tayo."

"Sige ho"

"Pasensya ka na kay mama. madalang lang kasi kaming magkaroon ng bisita sa bahay kaya overwhelmed masyado." ani Seb nang makaalis ang ina nito.

"Okay lang. Ang bait nga niya, eh."

"Maraming salamat uli at pumayag ka sa imbitasyon ko"

"Hindi mo sinabing ako lang ang iminbitahan mo" bahagyang akusa niya rito. Though she didnt mind at all, mejo hindi lang siya nakapaghanda. Hindi niya inaasahang siya ang magiging sentro ng atensyon dahil walang ibang tao bukod sa mga ito.

"Pasensya ka na. Wala rin naman akong masyadong kaibigang maiimbita dahil ilang buwan pa lang kaming nakakalipat dito"

"Nakapaghain na ko. Halina kayong dalawa at kumain natayo." mayamaya ay tawag sa kanila ni Aling Linda mula sa kusina.

"Sige ho," magalang na sabi niya. Inalalayan siya ni Seb upang tumayo.

Habang kumakain ay halos sakop ni Aling Linda ang usapan. Palangiti ito at mukang mabait kaya nakagaanan niya agad ito ng loob.

love is on boardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon