comment naman kayo kung nagugustuhan nyo o hinde .. para ititigil kona kung hinde...
Dejoke lang ^^ hahaha
________
HINDI pumasok sa school si Seb kinabukasan kaya nagpasya si Queenie na puntahan na ito sa bahay ng mga ito pagkatapos ng kanyang klase. Nag aalala na sya na baka kung ano na ang nangyayari dito. Ganoon na lamang ang gulat nya nang malaman nya sa mga kapitbahay ng mga ito na isinugod daw sa ospital si Aling Linda.
Dali-dali syang pumunta sa ospital kung saan naka-confine ang matandang babae. Kakatok na sana sya sa pinto ng silid na kinaroroonan nito nang bumukas ang pinto at iluwa ang binata. Bakas sa muka nito ang puyat at pagod. Iniawang nito ang pinto upang papasukin sya.
Nakahiga sa kama si Aling Linda, hapis ang muka. Tila tumanda ito nang ilang taon mula nang huli nyang makita ito. Maputla rin ang kulay nito at kahit nakapikit ang mga mata ay halatang balisa at nahihirapan ito.
"Anong nangyari?" tanong nya kay Seb sa mahinang boses pagkaraan ng ilang sandali..
"She has stage four ovarian cancer"
Mabilis na napabaling ang tingin nya rito. "I-im sorry." Iyon lang ang nasabi nya rito. Alam nya kung paano ang mawalan ng magulang kaya alam nya kung gaano kasakit ang pinagdaraanan nito ngayon. "Matagal na ba ninyong alam?"
"Mahigit isang taon na syang lumalaban sa sakit na cancer. Hindi kasi agad na-diagnose ang sakit nya dahil hindi nya pinansin ang mga sintomas dati. Inakala nya na simpleng sakit lang iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit kami lumipat dito. Kailangan nya ng mas magandang kapaligiran upang mapabilis ang paggaling nya. Hindi birong chemo ang pinagdaanan nya."
Gusto nya itong yakapin para maibsan kahit paano ang lungkot at hirap na nadarama nito ngayon. Kinuha nya ang kamay nito at ikinulong iyon sa mga kamay nya.
"Nahihirapan din kami sa kanyang pagpapagamot dahil kapos kami sa pera kaya nga umaasa ako sa isang kaibigan kong nagttrabaho sa isang ospital. May privilege kasi sya na bumili ng gamot na may discount bilang empleyado."
Kung ganoon ay kaibigan nito ang nakita nyang nag abot ng supot dito at binayaran ni Seb. Gamot nga ang laman nyon pero hindi illegal drugs. At kaya ito laging absent nang mga nagdaang araw at tila balisa ay dahil sa sakit na bumabagabag sa ina nito. Bigla syang nakaramdam ng guilt dahil pinagdudahan nya ito.
"Seb, alam kong mahirap pero mas kailangan mong magpakatatag ngayon para sa mama mo. Lalo syang mahihirapan kapag nakita nyang naghihirap ang kalooban mo."
"Hindi ko na Alam ang gagawin ko, Queenie. Si Mama na lang ang natitira sa akin."
She looked at him in the eye and saw how much pain he was enduring right now. At wala syang lakas ng loob na dagdagan iyon sa pagsasabi sa nalalapit na pag-alis nya. Sa ibang pagkakataon na lang siguro nya sasabihin dito.
"Nandito lang ako sa tabi mo."
_______
Nakauwi na mula ospital ang mama ni Seb mahigit isang linggo na ang nakararaan. Tuluyan na ring nag dropout sa school si Seb dahil halos isang buwan na itong hindi nakakapasok. Hapos araw-araw ay dinadalaw ni Queenie ang mga ito sa bahay upang kumustahin.
Dapat ay masaya sya dahil graduation day nya. Pero mas nananaig ang lungkot sa puso nya. Ngayon nya planong sabihin kay Seb ang nakatakdang pag-alis nya sa susunod na buwan. Alam nyang mauunawaan sya nito dahil alam nitong matagal na nyang pangarap iyon.
Pagkatapos ng program ay hinanap nya ito. Nakita niya itong nanonood kanina sa di-kalayuan pero nawala ito bago matapos ang program.
"Queenie" narinig nyang tawag sa kanya ng tiyahin. Kasama nito ang mga pinsan nya at isa pang ginang na marahil ay kasing-edad nito.
BINABASA MO ANG
love is on board
Teen Fiction" I don't mind being called a hopeless romantic,sweetheart, dahil iyon ang nararamdaman ko para sayo"