hello :) hahaha !
nakauwi na din, from zambales!
hays ang saya saya ! hahahaha
pagpasensyahan nyo na kung ngayon lang ako mag uupdate ha :)
mejo napasarap yung outing ko. HAHAHA
oh eto na ^_^
_______
Maghapong naglayag at nag-sightseeing sina Queenie at Seb. Namamangha sya sa mga sea creatures na sa telebisyon at libro lamang nya nakikita.
They stopped in the middle of the sea and went swimming and scuba diving. She enjoyed watching the different creatures under the sea that she never knew existed. They even saw a group of dolphins swimming in synchrony. Tuwang tuwa si Seb sa panonood sa kanya na tila batang nakikipag-usap at nakikipag laro sa mga iyon.
"Look,Seb! They're beautiful." she breathlessly at the group of dolphins near them.
"Yes,very beautiful." he said almost in a whisper without even taking his gaze away from her. Nagtama ang mga mata nila and they were silent for a moment.
The next day,he showed her how to run the yatch. Madali naman syang natuto. Nangisda rin sila at nagkatuwaang iluto ang mga nahuli nilang malalaking isda at pinakawalan nman ang mga maliliit pa. Para syang batang noon lang nakaranas ng isang trip at lagi na ay nahuhuli nya si Seb na nakatitig lang sa kanya.
She felt wonderful during the whole cruise.She enjoyed the view and their stopovers at different places. But more importantly, she felt complete and content because Seb loved her,too. She could not ask for anything more because she had what she needed.
Isang candlelit dinner sa upper deck ang pinagsaluhan nina Queenie at Seb isang gabi.She was touched by Seb's thoughtfulness. He had been very attentive to her. Nahiling nyang sana ay hindi na matapos ang pagsasama nilang yon.
Pagkatapos ng hapunan ay minabuti nilang magpahangin at pagmasdan ang mga bituin sa langit.
"I used to sail this yatch noong iregalo ito ni papa a few years ago. But I became very busy with work and proving myself worthy of the Martinez name. I wanted to show the whole word that I wasn't just a bastard who suddenly showed up. I later realized na hindi na importante iyon dahil tanggap ako ng pamilya ko. I have a grandmother. I want you to meet her one of these days. Im sure she will love you."
"Paano mo nga pala natagpuan ang papa mo"? pag-iiba nya sa usapan. Ang pagkakaalam nya noon ay patay na ang ama nya.
"Noong bagong lipat pa lang kami ni Mama sa San Carlos ay sina Edward ang una kong naging mga kaibigan." ang tinutukoy nito ay ang anak ng naging amo nito sa pagiging driver ng truck."Huli na nang malaman kong lulong sa masamang gamot si Edward at ilang barkada nya. I tried to talk them out of it pero hindi sila nakinig. Unti-unti ko silang iniwasan lalo na nang malaman kong pinasok na rin nila ang pagiging pusher.
"Nang gabing i-raid sila ng mga pulis ay naroon ako para umutang ng pera sa amo ko. Isinugod uli sa ospital si Mama kaya kailangan ko ng pera. Sinubukan akong kumbinsihin nina Edward na magbenta ng marijuana pero hindi ako pumayag. Nang dumating ang mga pulis,kasama ako sa mga hinuli. Ilang araw ako sa loob ng bilangguan dahil wala naman akong pampyansa. Wala rin akong mahingan ng tulong. Nang mabalitaan kong pumanaw na si Mama, wala akong choice kundi tawagan ang ama ko para humingi ng tulong. Alam ko ang address at buong pangalan nya noon pa man but I didn't want to have anything to do with him dahil inakala kong pinabayaan nya kami ni Mama."
Napahinto si Seb sa pagkukuwento kay Queenie at huminga nang malalim. Naalala nya ang mga nangyari noong nasa kulungan sya.
FLASHBACK.
BINABASA MO ANG
love is on board
Teen Fiction" I don't mind being called a hopeless romantic,sweetheart, dahil iyon ang nararamdaman ko para sayo"