Tulad ng sinabi ko hindi kona papatagalin to ^^
hindi kona kayo bibitinin pa. HAHAHA ..
oxaxa eto na :)
-------
Aligaga si Seb. Sa kalagitnaan ng launching party nang nagdaang gabi ay hindi nya nakita si Queenie. Ayon sa kanyang sekretarya ay nakita nitong umalis si Queenie kasama si Robbie. Nagtataka sya kung bakit ito umalis. Saan nagpunta ang dalawa?
He was consumed by jealousy but he didn't want to think anything negative about the two of them. He was sure that Queenie loved him and he trusted her. Baka naman may emergency na nangyari kaya hindi na ito nakapagpaalam sa kanya.
Pero ang ikinabahala nya ay ang nalamang wala ang nobya sa tirahan nito nang puntahan nya ito nang nagdaang gabi at kanina. Nang nagdaang gabi pa nya ito hindi makontak sa telepono at kung hindi lang gabing gabi na ay pinuntahan nya rin si Robbie upang tangunin ito.
"Sir, how may I help you"? harang ng secretary ni Robbie ng tuloy tuloy sya sa pagpasok sa opisina nito. Sinundan sya nito sa loob nang imbes na sumagot ay madilim ang anyong pumasok sya. "Sir sandali lang po. Bawal pong pumasok ang walang appointment."
Halatang nagulat si Robbie nang makita sya nito. Pero agad din iyong napalitan ng pang-unawa.
"Sir,pasensya na po. Hindi ko napigilan ang pagpasok nya." hinging-paumanhin ng sekretarya nito.
"It's okay, mildred, you may leave us. Close the door please." sabi ni robbie bago balewalang muling ibinalik ang atensyon sa binabasa nito.
"Nasaan sya?" galit na tanong nya kay robbie.
"Sino?" ani robbie sa balewalang tinig.
"Alam mo kung sino'ng tinutukoy ko. Nasaan si Queenie?"
"Hindi ba't ikaw ang nobyo nya? Bakit sa akin mo sya hinahanap?"
"I dont have time to play silly games,Rob. May nakakita sa inyong sabay na umalis kagabi. Saan mo sya dinala?"
"Inihatid ko lang sya sa apartment nya,Seb. She begged me to help her get out of the party immediately. I even told her na tatawagin kita para maihatid sya but she said she didnt want to talk to you."
"But why!? Ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya umalis. Sigurado ka bang wala syang nabanggit sayo?" Nahahapong naihilamos nya ang kamay nya sa kanyang muka.
"Why would I lie to you?"
"I'm sorry. Hindi kona kasi alam kung saan sya hahanapin. Mula pa kagabi ay hindi kona sya macontact. You know her, she's not the type who would go anywhere nang hindi nagsasabi."
"Unless, may ikinasama sya ng loob at ayaw ka nyang makausap muna." sabi nito.
"Pero ano? Wala akong alam na ginagawa kong maaring makasama sa loob nya."
Mula sa mesa ay may kinuha itong dyaryo at inihagis sa kanya. Kunot-noong inabot nya iyon lalong kumunot ang noo nya nang mabasa ang isang bahagi roon.
THE MOST SOUGHT-AFTER BACHELOR AND HEIR TO THE MARTINEZ EMPIRE,SEBASTIAN MARTINEZ, IS RUMORED TO BE ENGGAGED TO INTERNATIONAL SUPERMODEL NATALIE SANDOVAL........
Hindi na nya itinuloy ang pagbabasa at naguluhang tumingin sya kay robbie. "What the hell is this?"
"You tell me," sabi ni rob. "I am not the one 'enggaged' so how would I know?"
"Oh,hell!!! Grandma.!" Nahahapong napaupo sya sa sofa. "This is not true. hindi ko alam na ginawa ito ni lola nang hindi sinasabi sakin. I have to talk to Queenie. But I dont even know where to start looking for her. Isa lang ang alam kong pede nyang puntahan, ang tita rowena nya. But I have no idea where they live now."
BINABASA MO ANG
love is on board
Teen Fiction" I don't mind being called a hopeless romantic,sweetheart, dahil iyon ang nararamdaman ko para sayo"