goodmorning "
update update din. hehehe
-----------
"ATE QUEENIE!" narinig niyang tawag sa kanya ng pinsang si Angelie. Nasa kuwarto siya at nag-aaral.
"Ano ba yon Angie?"
"May bisita ka,Ate" Nagmamadali na pumasok ito sa kwarto."Ang gwapo.!Boyfriend mo ba yon?" Inosenteng tanong nito.
"H-Ha?" Kinabahan sya. Naisip nya agad c Seb.
"Seb'daw ang pangalan. Di ba, yun din ang name ng crush mo?"
Nag init ang mga pisngi niya sa tinuran nito.
"Ano bang pinagsasabi mo jan bata ka?"
"Nabasa ko yon sa isinulat mo noong isang araw sa isang notebook mo,Ate 'Yong pinagsusulatan mo ng mga recipe at kanta. Di ko naman sinasadya, promise. Naghahanap lang ako ng scratch at nabasa ko yung nakasulat sa lyrics ng favorite mong kanta na nakadedicate kay Sebastian Martinez. Di ba sya yun"
O_____O
Muntik na siyang mapatili sa katabilan nito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito sa pangambang marinig ito ni Seb kung nasa ibaba nga ito. Manipis lang ang dingding kaya malaki ang tsansang naririnig nito ang usapan nila. "Huwag mong sasabihin yan kahit kanino,Ha,Angelie? Magpromise ka"
"Okay promise ate Queenie" ^^
Pagkatapos masigurong maayos na ang itsura niya at lumabas na sya ng kwarto upang harapin ang bisita nya. Excited sya na kinakabahan din. Ano ang dahilan at naroon sa bahay nila si Seb? Masaya siya mula nang dumalas ang pagpunta nito at ng mga kasama nito sa karinderya ng tyahin nya pra kumain. Kontento na siya sa sulyap at ngiti nito tuwing magkikita sila.
"Hi." He looked striking kahit na simpleng worn out jeans, white shirt, at lumang rubber shoes lang ang suot nito. He looked and smelled fresh. Gusto nya ang amoy niyo, natural ang dating at lalaking-lalaki.
"H-helloo.Maupo ka" aya nya "Napadaan ka? May kailangan kaba?"
"Ahm, nagluto ng suman si Mama, gusto nyang tikman mo. Espesyal ang pagkakagawa rito dahil may gata nang kasama ang malagkit na bigas." he smiled sheepishly at her.
Noon lang niya napansin ang maliliit na paper bag na dala nito.
"Wow! Kuya Seb, alam mo bang mahilig sa suman si Ate Queenie?" sabat ni Angelie na nasa paanan ng hagdan at nanonood pala sa kanila.
Bumaling si Seb dito. "Talaga? pareho kayo ni mama."
"Angelie,'diba may iniuutos sayo si tita rowena kanina?"
"Ha?" maang na tanong nito. Pinandilatan niya ito. Agad namang nakuha nito ang ibig nyang sabihin. "Ah,ehh oo nga pala. Sige Kuya Seb, maiwan ko muna kayo rito." Malapit na ito sa pinto nang huminto ito at bumulong kay Seb." Kuya, alam mo bang ngayon lang nagka crush 'yang si ate Queenie? Huwag mo syang paiiyakin,ha? ^_^ "
"Angelie!" Pakiramdam nya ay nawala ang lahat ng dugo nya sa kanyang ulo dahil sa hiya, lalo na nang lumawak ang ngiti ni Seb.
"P-pasensya ka na kay Angelie, palabiro talaga 'yon kung minsan, hehehe" sabi nya nang makaalis na si Angelie.
"Ganoon ba? Mabuti na lang pala, palabiro sya. hehehe"
"Isa ka pa"
Tumawa ito nang malakas, marahil ay napansin ang pamumula ng kanyang muka.
"Pinapangiti lang kita, masyado kang serious. Hahaha . Sige, mauuna na ko. May iniutos pa kasi si Mama sa bayan."
Nakaramdam sya ng panghihinayang. "S-Sige, mag-iingat ka. Maraming salamat uli dito sa suman. Pakisabi na rin sa mama mo, maraming salamat."
BINABASA MO ANG
love is on board
Teen Fiction" I don't mind being called a hopeless romantic,sweetheart, dahil iyon ang nararamdaman ko para sayo"