*9*

5 0 0
                                    

Isang araw ng Biyernes. Gaya ng nakagawian ni queeni ay dumaan siya sa library upang manghiram ng libro. Dahil kapos sa pera at nahihiya naman siya sa tiyahin, may ilang librong hindi siya nabili kaya nanghihiram na lang siya sa library.

Kinuha niya ang isang libro sa bookshelf at nakita niya sa kabila ang dalawang estudyante na halos maghalikan na sa paglalapit ng mga muka habang nagbubulungan. kilala niya ang babae. Si Stacy iyon, ang muse ng basketball team ng college department. Popular at maraming may crush may crush dito sa school dahil talagang maganda ito.

Akmang babalik na siya sa upuan dala ang libro nang mamukhaan niya ang lalaking kausap nito. Ito ang lalaking nakabungguan niya at nag-flying kiss sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang maghalikan ang dalawa. Well hindi exactly naghalikan dahil si Stacy ang unang humalik at tila hinayaan lang ito ng lalaki. Nag-iinit ang mga pisngi niya dahil parang nanunubok siya. Dali dali siyang lumabas sa library bago pa siya makita ng mga ito.

Muntik na siyang mapasigaw nang may umagapay sa kanya sa covered walk ng campus.

" Hey, nagmamadali ka ba ? " nakangiting tanong nito. Hindi niya akalaing sinundan pal siya ng lalaki.

" W-what ? " kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit

" Muka ka kasing hinahabol ng sampung multo "

Hindi sampu, isa lang! Isang gwapong multo !!

" Yan ang napapala ng mga nanunumbok."

Nagulat siya sa kaalamang nakita siya nito kanina. May pilyong ngiti sa mga labi nito, tila tinutudyo sya.

" Hindi ako nanunumbok! " tanggi niya.

" Were you spying on me ? "

" Bakit ko naman gagawin yon, aber? Hindi ko kasalanan na kung saan-saan kayo naglalampungan ng girlfriend mo. "

" Hindi ko girlfriend si Stacy "

Hindi girlfriend pero naghahalikan ang mga to? Hmp! "So!? TinatAnong ko ba? " at bakit ba tila ito nagpapaliwanag sa kanya? Ni hindi nga sila magkakilala nito.

" Wala lang, I just thought you might want to know." nagkibit balikat na sabi nito na tila nabasa nito ang nasa isip niya.

" Pakialam ko? Bakit magkakilala ba tayo? " galit na baling niya rito.

" In that case, Let me introduce myself to you properly " Inilahad nito ang kamay sa kanya. " Im sebastian martinez, 'Seb' for short."

Tiningnan lang niya ang kamay nito. Napakatamis ng ngiti nito at napakagwapo sa suot na puting polo shirt at maong na pantalon, Luma pa rin ang maong nito subalit malinis iyon.

Alam niyang maganda siya at mayroon din namang mga nanliligaw sa kanya. Lagi na ay alam niya kung paano pakikitunguhan ang mga ito. She knew how to subtly shove them away. Subalit iba ang lalaking ito. Parang hindi siya makapag-isip nang matino tuwing kaharap niya ito. Parang laging tinatambol ang dibdib niya.

" Ewan ko sayo ! " aniya bago naghandang kumaripas ng takbo.

" Nice to meet you too Queenie "

Nanlaki ang mga mata niya at napabaling uli rito " P-paano mo nalaman ang pangalan ko? "

" I do my homework, sweetheart."

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang ginamit nitong term of endearment. It sounded good at pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala.

Nagtagis ang mga bagang niya. "Bat ba ang kulit mo? " angil niya rito.

" Gusto lang kitang makilala, masama ba yon? Alam ko, hindi maganda ang unang pagkakakilala natin. Lets start a new, okay? " Nakikiusap ang mga mata nito habang naghihintay ng sagot niya. Lalong lumapad ang ngiti nito nang tumigil siya. "Transferee ako rito at graduating sa kursong Accountancy. Kakalipat lang namin dito mula sa San Carlos a few weeks ago. Malapit lang sa palengke ang tinitirhan namin ng nanay ko. Nagtatrabaho ako ng part-time bilang driver at kargador sa palengke sa bayan "

Kargador. No wonder ang ganda ng biceps at abs nito.

" Queenie de Leon " She could not resist him. He was just too charming Tinanggap niya ang kamay nito. He held her hand in a firm and longer than necessary handshake.

" I know. Graduating sa kursong IT. Nakatira at tumutulong ka sa karinderya ng tiyahin mo kapag walang pasok. "

Gusto niyang mailang dahil titig na titig ito sa kanyang muka.

" Bukod sa masipag, matalino, at magaling maglaro ng volleyball ay mahusay ka ring magluto. " Saglit na tila nag isip ito. " Hmm, ano pa nga ba? Aha! so far, ikaw rin ang pinakamagandang estudyanteng nakilala ko rito sa buong campus! " nakangiting dagdag nito.

Nag init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Sanay siyang pinapapurihan, kaya hindi niya maintindihan kung bakit tila nailang pa rin siya.

" Sycophant "

" Not in my dictionary "

" Fine. Maiwan na kita, nagmamadali ako "

" Its a dream come true to meet you my Queen. "

Napailing siya sa sinabi nito . He was definitely a flatterer. She had to be cautions of him..

~~~~ ...

NiceSwan

follow me on twitter.

@sexyjanettee

thanks ;-)

love is on boardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon