Chapter 14

73 4 0
                                    

Naramdaman ko na may humahaplos sa aking buhok kaya mabagal akong napaayos nang upo kahit hindi ko pa gustuhing magising. Ngayon lang ako nakatulog ng maayos dahil sa maraming iniisip nung nakaraang araw at tungkol lang naman 'yon sa naging issues naming tatlo ni Jam at Mikael.

"Good morning, baby love..." Jam greeted me.

When I open my eyes and say it's another day, bumungad kaagad ang matamis na ngiti ni Jam habang paharap na  nakatingin sa'kin mula sa kanyang higaan. Kahit naka hospital gown siya ay umaangat parin ang kanyang kagwapohan, at masasabi ko rin na ang cute n'yang tingnan.

I stretch my arms, "How's your feeling, Jam? May masakit pa ba sa'yo?" Tarantang tanong ko.

"Eto minamahal ka parin ng lubos tyaka nawala na 'yung sakit kasi nandyan ka na sa tabi ko" Sagot ni Jam agad sa'kin na may halong biro at mabagal na ginugulo ang aking buhok pagkatapos.

Nag kunwaring hindi ako natutuwa sa kanyang sinabi pero deep inside parang sasabog na 'yung katawan ko dahil sa kilig. Tumayo ako sa upuan upang kumuha sana ng maiinom kasi nauuhaw ako ngunit hindi ako makausad sapangkat hinawakan n'ya ang aking papulsuhan, hinila ni Jam iyon at lumundag ako sa kanyang katawan.

"Ano ang ginagawa mo? Bitawan mo'ko" Masungit na pahayag ko kay Jam na tulalang nakatitig sa'kin na para bang may nagawa siyang kasalanan

He pursed his lips, "What's wrong? Did I say something that's makes you angry? Tell me, I'll try to correct them immediately" Pagsumamo ni Jam.

"Wala 'yon. Kain na tayo...." Anyaya ko pa ngunit hindi siya kumibo at nanatiling nakayuko ang ulo.

Nilibot ang aking tingin sa paligid para tingnan kung malinis ba sa loob ng ward. Hindi ko na siyang hinihintay na magsalita dahil alam ko naman kaagad 'yon—ang lakas n'yang magbiro ngayon pagkatapos siyang pinagtulungan ng mga kasamahan ni Mikael. Whenever napadaan ako sa kanya ay sinisikap kong hindi tumitingin at tinuon lang ang tingin ko sa unahan hanggang sa nakita ko sa mini table ang bouquet roses, isang basket na naglalaman ng maraming mansanas na pinakafavorite ko saka pagkain.

Gulat ko siyang nilingon, "Who send this foods and bouquet of roses a—J-Jam! Okay ka lang ba?! Hmm? Saan masakit sa'yo? I'll call the doctor! Stay there!" Mabilis pa sa alas kwarto akong lumapit sa kanya ng nakita ko itong nakahawak sa kanyang dibdib na tila hindi makahinga.

"Don't leave me...I'm fine..." Bulong n'ya.

I just let him lie down to rest and kept asking if he was really okay just to make sure, pinagsalinan ko na rin ito ng tubig mula sa tumbler para painumin si Jam ngunit tumanggi ito agad. I saw his eyes closed so this is another chance to observe him—I first touched his eyes with my index finger, down to his nose and musculine chin until I touched his whole face while being happy.

Hanggang sa muling gumalaw ito saka minulat ang kanyang mga mata ay nagkatinginan na kaming dalawa, nakadungaw lang ako sa kanya habang ang kamay ko ay nanatili lang sa kanyang mukha.

I tried to smile, "Nagugutom ka na ba? Ipagluluto kita ng lomi kung gusto mo" Pagsimula kong sabi.

"Ang ganda mo talaga...." After that he kissed me.

Dinig kong may kumatok sa pintoan, "S-Stop, Jam. B-Baka may makakita sa atin dito...." Nauutal na bigkas ko ngunit hinalikan n'ya muli ako.

"Parecakes! Ito na 'yung pinabili mong ga—"

Nang marinig namin ang boses ni Harvey pagpasok sa loob ng ward ay mabilis akong umalis sa harap ni Jam at agad akong nagtago sa ilalim ng  kanyang kumot. Malakas itong natawa sa naging kilos ko na para bang iniinsulto ako dahil lang sa kanyang nakita. That was the most embarrassing moment I've ever experience in my life! Para na akong binubuhusan ng maraming malamig na tubig.

Distant StarsWhere stories live. Discover now