Chapter 24

82 3 5
                                        

A/N: WARNING: Disturbing scenes

I was alone in the empty spacious room. Sa mga oras na ito ay maraming nakabantay na mga kasamahan ni Mikael mula sa labas ng pintuan, dinig na dinig ko ang kanilang takot na boses at tawanan. Nakaupo lang ako sa malamig na sahig habang nakasandal ang aking likuran mula sa kama—nag-iisip kung paano ako makalabas dito.

"How's she doing inside the room?" Mikael asked, his colleague was saying something that I didn't quite understand—a plan on how to kill me.

I heard three knocks from the door, "Seiya....huwag ka mag-isip ng masama tungkol sa akin. Gusto ko lang naman kitang makita....masama man ako sa paningin mo ngunit hindi ko nagustohan ang mga nangyari sa inyo noon. Kaya kung ako pa sa'yo ay kumain ka na, magtatanghali na...hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga" Paliwanag n'ya na may pag-aalalang boses at nilahad ang pagkain.

"Hindi ako gutom. Gusto ko nang umuwi" I said.

Nilagay ni Mikael ang tray sa kama at lumapit sa kinaroroonan ko upang suriin ako. Maigi kong tinago ang brown envelope sa ilalim ng kama na nakita ko sa may desk kanina pati na rin 'yung phone ko na nanatili lang sa ilalim ng aking pwetan.

"You should eat first. It's not good for your health if you aren't eating, after this..you can go h—" Naputol ang sasabihin ni Mikael ng tumayo ako saka tinapon ko sa sahig ang tray na may pagkain.

Nagliliyab ang mata ko sa galit, "It is not your problem! I don't need that concerned because I know... you just played with me, Mikael. Dinala mo ako dito sa bahay mo na may ibang dahilan... kilalang-kilala na kita.... ginawa mo naman ito paramakaganti ka kay Jam" Paliwanag ko sa kanya habang nanginginig ang labi ko, dumako ang tingin n'ya sa pagkain bago tumingin sa akin

"He won't come here. He won't help me get out. It's better to just kill me right now... I'm so tired, Mikael. Sana nung una palang....sinunod ko nalang ang kagustuhan ng mga magulang ko na pakasalan na kita....sana hindi umabot sa ganito ang sitwasyon" Dismayadong dugtong kong sabi.

He smirked, "So you're saying that... Seiya is guilty? Ofcourse you will marry me that time! Pero nang dumating si Jam sa buhay mo....nagbago ang lahat! Don't ever shout my name....you will die of hunger in this room" Matigas na tugon ni Mikael bago lumabas ng pinto dala ang susi, at hindi ko inaasahan na ikukulong n'ya talaga ako dito sa loob.

Sinubukan kong buksan ang doorknob ngunit sa kasamaang palad ay nakalock na talaga ang pinto, wala na akong magawa kundi bumalik sa kama at kinuha ang brown envelope sa ilalim upang tingnan kung ano ang laman nito.

Pagkabukas ay laking gulat ko ang makita ang iba't-ibang litrato, kumuha ako ng isa at dito na ako tuluyang kinabahan ng makita ko ang family picture ng Hampton. Nasa gitna sina Mr and Mrs. Hampton habang si Mikael ay nasa side ng mama niya at si Jam naman ay sa ama niya. Seryoso lang ang mukha ng dalawa, tanging mag-asawang lang ang ngumiti sa picture.

Jeff Bronson Hampton
Samantha Kelly Hampton
Jam Yenrik Hampton
Mikael Dayne Hampton

Ito ang nakalagay nang makatingin ako sa likuran ng family picture, hindi lang ito, may isang tao na recognize ko nang sumama ako ni Yruel sa model event—kung hindi ako magkakamali siya si Magnus Chase Hampton. Isa rin ba siyang family member ng mga Hampton? O kamag-anak?

Mabilis akong napalingon nang narinig kong bumukas ang pinto, "Seiya! Seiya! Did he hurt you?! That dumb Mikael..why are you crying?" Sunod sunod na tanong ni Jam nang lumapit siya sa akin na tulala nang nakatingin sa picture.

Distant StarsWhere stories live. Discover now