Wala sa sariling naglalakad sa gilid ng kalsada kahit maraming sasakyan ang nagpapalitan ng busina habang dumadaan. Malungkot ang mga mata, magulo ang buhok at higit sa lahat mukha na akong nabubulok na gulay na kailangan ng itapon sa basurahan. Nagsimula ng dumilim ang kalangitan ngunit hindi ko parin gustong umuwi.
"Kailan pa 'to matatapos ang lahat?" I told myself.
Hindi parin ako huminto sa paglalakad hanggang marating ko ang pedestrial plane—I feel like I'm losing my mind and I can't see the traffic light very well because my eyes are filling up with tears again. Naramdaman kong may kotseng mabilis ang takbo sa highway saka makailang-ulit na bumubusina sa'kin pero may kung anong nagtulak sa'kin na magpatuloy lang ako.
May humila sa'kin paalis sa kalsada, "Seiya!!!! Are you insane?! Do you just want to end your life like this?!" Napataas-tonong sermon ni Jam sa'kin.
"Are you not tired? Simula nung nagkakilala tayong dalawa at nauwi ito sa pag iibigan...isama mo pa ang nangyayari ngayon..h-hindi ka'ba napapagod sa relasyon natin, J-Jam?" Kaagad na tanong ko sa kanya upang mapaiwas siya ng tingin.
Napahilamos siya sa mukha, "What are you going to say? You want to break up with me?" Paos n'yang tanong rin sa akin kaya tumango ako.
"Oo...gusto ko ng tapusin kung ano ang meron sa'ting dalawa ngayon upang matapos na ito"
"Hindi ako papayag na iiwan mo'ko..." Tanggi ni Jam.
I gasped, "At bakit hindi? Naging magulo na ang paligid natin saka may—" Pinutol ang sasabihin ko.
"Mas makaramdam na ako ng pagod kapag mawawala ka sa tabi ko, Seiya. Tungkol lang ba 'to sa narinig mo kanina? Pag uusapan natin..."
Mabilis akong tumalikod kay Jam at nagsimulang maglakad paalis dito. Hindi ko gustuhing makita n'ya akong umiiyak ulit kaya ako na ang tuluyang lumalayo sa kanya, pinipikit ang aking dalawang mata habang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa mukha ko.
Jam chased after me, "Don't be like this, please....just talk to me right now and then I'll take you home, okay??" Pagpupumilit nito, hindi ako kumibo at diretso lang ang tingin sa harap.
Kailangan ko itong gawin...para sa kaligtasan mo
Mas binilisan ko pa ang aking paghakbang upang hindi niya ako mapipigilan. I really thought about it when he didn't become a boyfriend—nakakasigurado talaga ako na mangyayari ito pero bumigay parin ako sa kanya kasi mahal ko siya.
He grab my right arm and hug me, "Give me a chance to show you that I am a more worthy man for you, h-hindi ko k-kaya....Seiya. Minahal kita ng sobra bukod pa sa sarili ko....p-pleaseee" Bigla nalang siyang napaiyak sa balikat ko. "Sabihin mo sa'kin, saan ako nagkulang?" Dugtong niya.
"Wala kang pagkukulang, Jam. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa"
Nakahawak rin ako sa kaniyang braso habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Tila ba nadudurog ang puso ko na marinig ko siyang humihikbi.Humarap siya agad akin at sa bibihirang pagkakataon, I can see him clearly crying.
Mapait siyang ngumiti, "E-Even if it hurts, I will accept it and respect your decision, Seiya. I'm always wait for you no matter how many years passes by... l-let's seperate each o-other" Sabi ni Jam at nagmamadaling umiwas ng tingin.

YOU ARE READING
Distant Stars
RomansThe story talks about the spoiled-brat teen girl who accidentally recognizes a man's personality by her nightdreaming into reality. It tells of Jam Yenrik, the perfect guy-kind, caring, sweet, and an introverted person. On the first day she sees him...