Habang hinihintay ko ang tawag ni Jam ay muli kong nilabas ang mga papers mula sa aking hidden cabinet na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pamilyang Hampton. Muling binabasa ang bawat papel ng paulit-ulit kung meron ba talagang koneksyon si Jam sa kanila.
I suddenly got a phone call, "Miss Seiya, I'll tried my creative skills to know the background of your boyfriend but some of them are none" Panimula nito pagkatapos nang sagutin ko ang tawag.
"Are you sure of that?" I exclaimed.
Dinig kong napabuntong hininga ito, "Yes! I'm really sure....Miss Seiya. What if you just ask your boyfriend? Since you're together" Pagbibigay nito ng opinion sa'kin upang matigilan ako saglit.
Kapag magtatanong ako sa kanya tungkol sa personalities niya..hindi parin n'ya ito sasagutin.
Pinatay ko nalang ang tawag mula sa kaibigan ni Harvey nang wala na akong ibang masabi. I lay on my bed looking at the ceiling, we have been together for 5 months now and he has not talked about his life. Palagi nalang tungkol sa'kin pero kapag siya na ang itatanong ko...matahimik siya.
Narinig ko ang ilang katok sa pinto, "Ma'am Seiya? Natapos ko na pong nilinisan ang iyong kotse. Tawagin n'yo nalang po ako kapag may iba pa kayong iuutos sa'kin" Sabi ng babaeng car washer ng mismong building nina Harvey.
"Alright, thankyou for your service" I genuinely said to her and after that I heared she left.
Iniisip ko na ng mabuti kung paano ko talaga malalaman ag totoo ng walang ibang tao ang makakaalam sa ginawa ko. At gulat akong napabangon nang maisip ko ang dashboard camera na nakakabit sa kotse ko—I can replay the video with that thing before that incident.
I quickly took the car keys that were placed on top of the cabinet and left the condo to my car that was still parked on the side of the highway where I parked it last night.Nakita ko rin lumabas si Harvey mula sa kanyang sasakyan na may dalang paper bags bago kumaway sa'kin ng makita ako.
Lumakad ito palapit sa'kin, "Here's your breakfast...kumain ka muna sa loob ng condo dahil may lak—" Naputol ang kanyang sinabi nang hindi ko ito pinapansin at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa narating ko ang aking sasakyang kotse saka pumasok. "Seiya! Saan ka pupunta ha?!"
"I need to know the truth..." I whispered.
Napasapo siya ng noo nang sumunod siya mula sa kotse, "Hanggang ngayon pa naman?! Hindi parin matatahimik ang buhay mo sa paghahanap ng katotohanan, Seiya? My friend Yruel told me...you are looking for information about Jam's connection to the Hamptons?" Harvey added.
Tumango ako bilang sagot, "Naguguluhan na kasi ako sa nangyayari kung bakit ayaw na ayaw ng mga magulang ko kay Jam at bakit malaki ang galit ni Mikael sa kanya?" Nilibot ko aking tingin sa buong loob ng sasakyan pero nagtaka agad ko sapangkat wala na doon ang dashboard camera.
"Get out of the car! Your car window is broken!"
Pagkalingon ko sa kabilang banda ng sasakyan ay bumungad agad sa'kin ang nakabukas na pinto mula sa backseat ng kotse ko. Hinila naman ako palabas ni Harvey at pinalayo dun sa sasakyan habang naghahabol ng hinihinga, what was the meaning of this? A warning sign for me?
Arv looked at me with a sad face, "Why are you still suffering yourself for that? Kung ano man ang pangangailangan ng mga tao ay nasa sa'yo na lahat pero bakit hindi mo parin naramdaman ang totoong kasiyahan na walang dinadala na problema?" Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala mula sa aking sarili.
YOU ARE READING
Distant Stars
RomanceThe story talks about the spoiled-brat teen girl who accidentally recognizes a man's personality by her nightdreaming into reality. It tells of Jam Yenrik, the perfect guy-kind, caring, sweet, and an introverted person. On the first day she sees him...