M I L L E R
"Wanna hop in for a ride? I can take you home fast. It's just around the corner, right?" aya sa akin ni Axel.
With a fast car like that, a 20 minutes trip home will really be just around the corner.
Gusto kong masubukan na sumakay sa Mercedes SLS. I bet it will feel great. But unfortunately, I have two reasons not to. First, I can't be home early. Baka nga kasi naghihintay sa bahay ang mga loan sharks. At ikalawa, si Axel Wesley ang may-ari nito. My pride just can't take it. Gusto ko ang sasakyan niya at hindi siya. Such a waste of opportunity.
Umiling-iling ako. "Hindi na kailangan," tugon ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Patuloy lang din sa pagsunod sa akin si Axel Wesley habang sakay ng Mercedes niya. Humihinto man siya sa tuwing may tumatawid ay mabilis pa rin siyang nakakasunod.
At dahil din sa magara niyang sasakyan ay hindi na nakakagulat ang atensyon na nakukuha namin. Pikit-mata na lang akong nagpatuloy sa paglalakad. But his stubbornness has seemed to level up day by day dahil halos tatlong minuto na siyang nakasunod sa akin, at tatlong minuto na rin ako na hindi kumikibo but he still did not stop following me.
A few more minutes later ay hindi ko na kinaya ang pagbuntot niya. Tiniis ko pa na umabot kami sa kanto ng kalye na papasok ng isang village. Shortcut ko ito patungo sa boarding house namin. Tanging ako lang ang may alam nito since ako lang naman ata ang estudyante ng university namin na nakatira sa boarding house na malapit sa red light district.
"Hindi ka ba titigil?" pauna kong salita bago huminto sa paglalakad, "Don't you have other things to do, something more important than following me?"
Dahan-dahan na lumingon sa labas ng bintana niya si Axel tapos ay tumingala. "This is important."
Bumuntong-hininga ako. Naglalakad lang naman ako pero bakit parang hinihingal ata ako sa tuwing nasa malapit ang isang 'to? His existence has become a stressor to me. Para siyang isang malaking kumpol ng stress na ayaw akong layuan.
"Dude, hindi mo ba nakita kanina kung gaano karaming tao ang nakatingin sa akin, sa sasakyan mo? Your Mercedes is too flashy to follow a commoner around."
Hindi muna siya sumagot ng ilang segundo. At nang magsalita siya ay unang lumabas sa bibig niya ang mga tanong na, "I am just offering you a free ride. Don't you want a free ride? Don't you want to be home as early as possible and have a rest for your next job?"
"I do. But I don't want you near me," walang padalos-dalos kong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
I was about to take another step when a sudden and slight gush of air passed me. Saglit lang 'yun at maihahambing sa pagkisap ng mata. But... "What the f*ck!" mura ko. The next thing I know is that I am now inside Axel Wesley's Mercedes-benz SLS.
"Paano... Ano... Anong ginawa mo?" bulalas ko.
Halos hindi ako makapagsalita ng maayos sa gulat at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Wala na akong nasabi. Dahil sa bilis ng pangyayari ay tila ba nahuli ng ilang segundo ang dapat na agaran kong pagkagulat at inis dahil sa pagpupumilit niya.
Did he use his magic to me?
"Remember, I'm a vampire," pagpapaalala niya.
It's not like I have forgotten about it. Who would dare to forget such silly, unrealistically real things?
"Alam ko. Do you think I have forgotten about that and did this para ipaalala sa akin?" tanong ko sa kanya.
Axel smirked as he shakes his head. "Nope, you were just so stubborn that I cannot wait for you to give in." Bubuksan ko pa sana ang pinto para umalis nang pinaharurot na niya ang sasakyan. Nagmistulang may magnet ang likod ko nang dumikit ito sa sandalan ng upuan dahil sa bilis.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...