CHAPTER TWENTY-FIVE

17 1 0
                                    

* * *

Red Mansion. Sa kabila ng itim nitong kulay at madilim nitong aura ay tinatawag pa rin na Red Mansion ang mansyon na pinamamalagian ng libo-libong mga bampira at ng kanilang Supreme.

Libo-libo. Bago pa man nangyari ang pantratraydor ni Ronaldo sa sariling kapatid ay may libo-libong bampira ang mansyon na ito. Alpha, beta, at gamma. Magkaiba man ang kanilang mga antas at abilidad ay lahat sila ay mapayapang namamalagi rito. Naging tuluyan ito ng maraming dayuhan na bampira na bumibisita sa bansa. At pati na rin ng mga bampira na inaabuso ng mga tao at nawalan ng mahal sa buhay at tahanan.

Ngunit nang sumiklab ang pagtatangka ni Ronaldo sa Supreme ay nahati ang mga bampira.

Si Ronaldo ay isang ambisyosong bampira. Hangad niya ang lahat ng kapangyarihan sa mundo ngunit hindi siya ang para dito. Sadyang hindi angkop para dito ang kanyang dugo. Si Ronaldo ay ampon ng dating Vampire Supreme. Siya ay isang ulila bago siya kinupkop nito. Nakaligtas siya sa unang digmaang pandaigdig kung saan ang kanyang mga magulang ay national weapons ng bansang Alemanya.

Itinuring siyang tunay na anak ng Supreme, at tunay na kapatid sa kanyang tagapagmana na si Maximilian . Gayunpaman, tila kinasusuklaman ni Ronaldo ang katotohanan na si Maximilian ay higit sa kanya sa halos lahat ng aspeto. Pinangarap pa niyang makuha ang trono ng Supreme. Ngunit dahil hindi siya isang tunay na Lorenvetti ay imposible na mapasakanya ang trono. Tanging ang mga Lorenvetti na direktang mga inapo ng mga orihinal na bampira lamang ang maaaring maging Supreme dahil dugo nila ang may hawak ng sikreto ng nakatagong lipunan ng mga bampira.

Lumipas ang higit isang siglo simula noong pumanaw ang dating Supreme dahil sa katandaan. Si Maximilian na ang bagong Supreme at hindi ito nagustuhan ni Ronaldo. Hindi rin nagtagal ay isinagawa na niya ang kanyang matagal na planong pagtatraidor kay Maximillian. Bago pa pala lumisan ang dating Supreme ay nanghimok na si Ronaldo ng mga bampirang maaari niya na isama sa gagawin niyang pag-traidor.

Malakas ang mga Lorenvetti, hindi lamang sa pisikal ngunit pati na rin ang kanilang impluwensya. Alam ni Ronaldo na hindi niya kayang pantayan ang lakas ni Maximilian, kaya naisip niya na subukan ang isa. At sa hindi inaasahan, ito ay naging napakadali. Lalo na at ginamit niya ang dahilan ng paghihinganti sa mga mortal na siyang nagtutulak sa mga bampira na magtago sa dilim at mamuhay ng palihim.

Ngayon, sa kasalukuyang panahon ay nagtatago na si Ronaldo. Nasa kanyang panig ang higit sa kalahating numero ng mga bampira sa mundo. Nakumbinsi niya ang maraming house clan na itigil ang kanilang tulong at pakikipag-ugnayan sa Red Mansion.

Nagsimula na rin silang lumikha ng mga bampira sa pamamagitan ng mortal vampirization. Ang lahat ng ito para sa pagbagsak ng mga Lorenvetti.

Sa basement ng Red Mansion ay makikita ang bakal na tarangkahan na magdadala sa silid na tila ipinagkait ng liwanag sa labis na kadiliman. At tanging tatlong tao lamang ang maaaring pumasok. Ang Supreme, ang lider ng mga alpha vampires, at ang lider ng mga beta vampires.

Madalas itong tahimik. Ngunit iba ngayong araw, dahil nasa silid na ito ang bampirang nadakip ni Mateo.

Walang kakaibang atraksyon sa loob ng silid maliban ang isang silya at lamesa. May halong dugo ng Lorenvetti ang masa ng sementong ginamit sa paggawa ng silid na ito kaya ay hindi basta-basta makakapasok ang sinuman na bampira kung walang permiso sa isang Lorenvetti. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maaaring gumamit ng teleportation ability ang mga bihag dito.

Because it is not a Lorenvetti's will. Ika pa nila sa tuwing may pagbabawal na nagaganap sa isang bampira.

"Tell me that you are being forced," wika ni Mateo na nakatayo sa harap ng bampirang kasama ni Bernard nung gabing inambahan nila si Axel sa tapat ng unibersidad nito.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now