CHAPTER THIRTY-THREE

10 1 0
                                    

M I L L E R

"Miller!"

Halos lumingon ang lahat ng nasa hallway nang marinig ang malakas na pagsigaw ng lalaki. Umalingawngaw ito na pati ang mga estudyante sa loob ng classrooms nila ay nakuha ang atensyon.

"Oh, sorry." The source of the shout apologized with his smile.

Siguro kung ibang estudyante siya ay kanina lumabas ang professor ng klase na kanyang naistorbo. But the moment the prof check who was the student, he immediately continued his discussion as if he heard no one.

"Miller, how are you?" he asked the moment he caught up with me.

Luminga-linga ako sa paligid. May iilan na sa amin na naman ang tingin. Inakbayan ako ng lalaki at masiglang nagpatuloy sa pagsasalita niya.

"I thought you won't be coming. Minsan ka lang pumasok ng late sa university, ah. Kahit na walang pasok ang first subject mo, you still make sure to be around the campus."

Tiningnan ko lang siya ng masama at saka hinawi ang braso niya sa balikat ko. To see the same face with different personality and situation is kind of awkward and uncomfortable for me.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Your face," maikli kong sagot.

"Anong problema sa much—ah! Nag-away na naman ba kayo ni Master?"

Huminto ako sa paglalakad. "Kristoff."

"Hm?"

"Could you please stay in character as Axel if you're using that face?"

"Bakit naman? Hindi baa ko convincing?"

If I am being honest, I would say, "Yes..." Mabilis kong tinakpan ang bibig ko sa sandaling narinig ko ang boses ko.

"Ano? Hindi ba?" Nagkamot ng kanyang batok si Kristoff sabay sabi ng, "Wala naman kasing sinabi si Master na may mga kaibigan siya sa university at saka sabi niya sa akin wala raw nakakaalam ng tunay niyang ugali. In fact, he maintained a normal personality para mas madali siyang lapitan ng mga tao. You know, the not too social yet not too reserved personality."

Base sa sinasabi ni Kristoff, Axel really made his personality approachable. Kaya nga kahit na kilala siya sa college namin, at sikat din sa buong university bilang isang student leader at favorite student ng mga teacher ay marami pa rin ang malaya na nakakalapit sa kanya. For example, hi so-called fangirls and fanboys.

I supposed, except for his vampire kins, it is just me who knows him outside his university student act.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko para ibahin ang paksa ng usapan namin.

"Wala lang. Magkaklase tayo ngayon 'di ba?"

"Bukas pa."

"Oh... uhm... Bakit hindi mo ako samahan sa mansyon ni Master? Nalaman ko mula kay Sir Mateo na may tinatago palang tao si Master sa condo niya..." Lumingon ako kay Kristoff nang mapansin niya ako ay mabilis siyang kumaway-kaway bilang depensa. "Of course, alam ko na ang tungkol sa'yo. Nagkunwari lang ako na ngayon ko lang nalaman. Sir Mateo has quite the temper kaya ayaw kong magalit siya sa akin dahil sa hindi ako nagsumbong sa kanya."

Napaisip ako. "You're close with that Mateo guy?"

"Ah. Hindi. Pero si Master at Sir Mateo ang malapit sa isa't isa. He is one of the few vampires who's in the inner circle anyway. Inner circle as in 'yung mga bampira na nakakalapit sa Supreme na hindi na kailangan na dumaan pa ng maraming tanong. At isa pa, maraming alam si Sir Mateo tungkol kay Master. He is basically looking after him."

Taming the VampireWhere stories live. Discover now