M I L L E R
"When I told you that I would eat with you, I did not want it to be in the cafeteria."
"Hm? Bakit hindi? Ano pa ang silbi ng university cafeteria kunghindi ka naman dito kakain?" He nonchalantly replied.
The he this time is both Axel and Kristoff. Oo. Kasama ko ngayon si Kristoff (na nagpapanggap pa rin bilang Axel) sa cafeteria. When Isaid we were hanging out often, I was not lying.
Sabay kaming umupo sa lamesa bitbit ang tray ng pagkain na binili namin. Nakangisi na inilapag ni Kristoff ang kanya sabay bulong sa akin ng, "Isa pa, maganda ang view dito. Ang daming magagandang babae."
Luminga-linga ako. Yes. Maraming babae... pero hindi lahat sa kanila ay maganda. And I don't like how they watch us blatantly while giggling. Isa pa, rinig na rinig ko mula dito ang mga bulong-bulungan nila.
"Aaw. Look at those two. The cafeteria has become divine with the two of the handsomest men of our college sitting together."
"You like hearing those, huh?" tanong ko kay Kristoff na nakangiti habang tumatango-tango. Sumasang-ayon siya sa narinig niyang salita ng babaeng nasa tabing lamesa namin.
"Syempre naman. It's a compliment."
"Even if it's not your real appearance you are using? Nakalimutan mo na ba na hindi sa'yo ang anyong 'yan?"
Nabulunan ng wala sa oras si Miller sa sinabi ko. Mahina siyangcumubo-ubo tapos ay uminom ng tubig. "Grabe ka naman kung makahusga. Hindi hamak na kaakit-akit din naman ang tunay mong anyo."
"Hm? Sure. I haven't even seen your real appearance. I doubt you can still return to it since you cannot control your ability properly yet," panunukso ko.
"Excuse me? Dude, the next time we meet pwede kong ipakita sa'yo ang tunay kong anyo," he challenged. "At hindi sa 'di ko kayang bumalik sa tunay kong anyo pero sadyang nahihirapan lang ako pagdating sa mga ganito. I'm a beta, okay. I'm not as superior as those alpha vampire na ang natural pagdating sa mga ganitong bagay."
"Aren't you hopeless?"
"Hindi, ah. Maski si Master ay isa ring beta. Pero isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Supreme."
"Huh Wait, what does that Greek stuff refer to?"
Narinig ko na ang mga term na ito pero hindi ito maayos na ipinaliwanag ni Axel sa akin. Because he refused to enlighten me. At sa pagkakataon na 'to ay susubukan kong makakuha ng kaalaman tungkol sa lahi nila through Kristoff. Unlike Axel, Kristoff can be easily intimidated.
"Ah, 'yung alpha-beta-gamma?" he simply asked.
"May gamma?" ani ko naman para makisabay.
Tumango si Kristoff habang sinusubo ang unang kutsara niya ng kanin at ng chicken curry. "Alpha-beta-gamma ang tatlong ranggo ng mga bampira. Nakabase sila sa lakas," maikli niyang sagot bago nagpatuloy sa pagkain.
"'Yun lang?" sambit ko nung wala nang kasunod ang paliwanag niya.
"Uh-huh. Tapos pangalawa kaming mga beta..." lumapit siya ng bahagya sa akin at pabulong na sinabi na, "Ganito kasi 'yan, malakas ang mga alpha. Matalino at may mataas na antas sa lipunan... sumunod sa kanila ay kami!" he uttered proudly, "Kami 'yung nasa middle class kung tinatawag pa sa lipunan niyong mga mortal. May pantay na bilang ng mayayaman at medyo sakto lang... alam mo na."
"Then, what else?" Ugh. Kahit pa sabihin niya ang mga 'yun ay halos wala pa rin akong naiintindihan. "So, what makes you proud to be a beta?"
"Hmm... kasi matalino ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...